(DYKH) CONFESSION

107 15 0
                                    


"SIGURADO KA?" Asked Leira. I told her everything that has happened last week.

Nagsisisi na ako! Nakakahiya talaga. Parang gusto ko na lamang lumubog at maging hangin.

Pinag-salitaan ko siya ng kung ano ano dahil akala ko ay pinsan niya lang! I even said that I'm not against LGBTQ just to support him with his love life!

Sobrang nadidismaya ako sa nangyayari ngayon. At ngayon ko lang din talaga nagawang sabihin sa iba 'to. Masyado kasi akong tinutukso ni Lei kay Mr. Andrada kahit alam ko naman sa sarili kong hinding hindi ko magugustuhan 'yon.

I sighed before giving confirmation.

"Oo nga, nagsisisi na nga 'ko sa ginawa kong pangungulit, eh." Sising-sisi na ani ko. Sino ba namang hindi magsisisi kapag ginawa niya ang ginawa ko? Isa pang problema ko ay si Shai. Bakit naman kasi pinahuli niya ako?

Inilingan lamang ako ni Lei kaya pumasok na kami sa classroom. Nag-sorry na rin ako kay Renz at Leira sa nangyaring bigla kong pagkawala. Nasasayangan ako sa oras na iyon dahil mukhang maayos na si Renz. Walang minuto na hindi ako bumubuntong hininga.

Agad akong umupo sa pwesto ko at tumungo. Hindi na naman ata papasok si Renz sa first period. Sabagay, homeroom lang naman.

Dumating ang MAPEH time at hindi ko ninais na makinig sa idinadada ng aming guro. Ayokong pag-initan lalo't hindi maganda ang aura ko ngayong araw.

"So...Diamond II, nag-p-practice na ba kayo? Malapit na ang Festival dance natin, hindi ba?" Masungit na naman nitong tugon.

"Magsisimula na po kami mamaya." Sagot ni Ms. Pres. Dahil ayokong mabaling sa 'kin ang atensyon ay kinumbinse ko sila na mayroon na akong susuotin. Alam ko naman na ito ang pinoproblema ng halos sa aking mga kaklase.

Hindi naman nila kailangan isipin pa 'yon. I've told mommy 'bout it. Siya na ang bahala sa 'kin.

Nang magsimula namang magtayuan ang kaklase ko'y nagbalik ako sa reyalidad.

Lunes, ibig sabihin ay may Araling Panlipunan.

Nang ako na lamang ang matira sa room kasama si Rionne, nagsimula nang tumambol ng pagkabilis-bilis ang puso ko. Bakit ba kasi kailangan pa ng ganoon? Dapat ay sinabi niya na sa una pa lang, hindi 'yung marami nang lumabas sa bibig ko saka lang siya magpapakilala.

"Una na 'ko Pres." paalam ko na tinanguan niya naman. Walang tigil ang pagpatak ng pawis ko sa ulo dahil lang sa kabang nararamdaman ko. It wouldn't be awkward, right?

Pagkatapak ko sa ika-apat na palapag ay nakarinig na ako ng ingay. Hindi ako pumila tulad ng parati kong ginagawa. Asan na ba si Leira?

Nakisabay ako pagpasok nila nang kaunti na lamang ang natira. Asan na ba 'yung kaibigan ko kung kailan kailangan ko siya?

Dahan-dahan akong naglakad papuntang upuan ko. Magpapanggap na lang siguro akong hindi ako apektado sa ginawa niya.

"Goodmorning." Bigla ay parang nabunutan ako ng tinik nang pumasok agad ang AP teacher namin! I thought I would have to fight the urge of me initiating a conversation!

"We don't have a class—"

Hindi na pinatapos ng mga magagaling kong kaklase ang sinasabi ni Ma'am dahil naghiyawan ang mga ito, kasama na ako. Yes! Walang klase! Yes! Yes!

"But I'll leave you a homework." Hindi naman nito napawi ang saya namin nang sabihin na wala nang klase. Sinimulan nang magbanggit ni Ma'am ng mga tungkol sa ipapauwing activity. Mabuti na lang at medyo hasa ang isipan ko sa pag-gawa ng essay.

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now