(DYKH) ATTACHED

105 7 0
                                    

Dahil sa inis kaya't hindi ko na tinawagan pa muli si Nath. Sinabi rin ni ate na mauna na raw ako sa kwarto niya at tatawagin na lamang ako kapag padating na raw ang 'manliligaw' ko.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit sa kwarto ni ate nang bigla namang may kumatok. Pinagbuksan ko 'to ng pinto at nakakasilaw na ngiti ang sumalubong sa 'kin.

"Nasa baba na 'yung manliligaw mo. Hindi raw siya papasok kapag hindi mo siya pupuntahan sa baba." She giggled. Napa-irap ako kasabay ng pagdagundong ng kung ano sa dibdib ko. Please, sana makisama siya.

I went downstairs to meet my family. Gusto ko lang siguraduhin kung pwede ba akong magpapasok ng maharot sa pamamahay na 'to.

"Uhm, nasa labas na po si-"

"Oh? Papasukin niyo na 'yan para makapagsimula na kayo!" Nangingiting ani daddy. Napakagat-labi na lamang ako habang tinatalikuran sila. They're just watching a comedy movie, si daddy ata ang pumili.

Bumaling mo muna ako kay ate bago pinagpatuloy ang paglalakad. Bakas sa mukha nito ang saya. I wish I have the skills, 'cause I already have the skins...

Nang makarating sa labas ay napahinto agad ako. Ang unang nakapukaw ng atensyon ko ay ang salitang honey sa damit niyang puti. Nang napansin niyang nakatitig ako ro'n ay tumikhim siya.

"Ah, yeah... Pasok na raw tayo-ang ibig kong sabihin, ikaw. Pasok ka na raw." Nalilito kong aniya. Naghihintay lang ako sa pagpasok niya nang kurutin naman ako ni ate.

Inis na binalingan ko ito.

"Gaga, pa'no makakapasok 'yan, e 'di mo naman pinagbuksan." Inis rin nitong tugon. Fudge, I forgot, bubuksan pa pala 'yung gate. Ano ba 'to!?

I felt really nervous. Sa suot niya pa lang ay halata ng hindi maganda ang gagawin. Napapikit ako ng mariin bago ko siya pinagbuksan.

I wanted to burst out! I wanted to confront him of what he did earlier! But guess what? Words left me hanging...again.

"Asan na 'yung anak natin, honey..." He whispered, making me stop walking. I should warn him, right? Baka kung anong isipin ng nga magulang ko sa inaasta niya!

"Please, don't be too cheesy. Kahit ngayon lang."

Hindi ako nakakuha ng sagot maliban sa kaniyang kibit-balikat. Nauna rin itong pumasok kasabay ni ate. Nag-sign of the cross pa muna ako bago tumuloy sa bahay.

"Good afternoon, Tita! Tito!"

Nasapo ko ang noo ko nang sumigaw ito ng pagkalakas lakas. Muling bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niyang 'yon. Gosh, he's too full of energy!

"Ate, sinabi mo ba sa kaniyang tawaging 'tito at tita' sila mommy?" Takang tanong ko. She shook her head with a beaming smile.

"Masyadong gwapo si Nath para pagsabihan ko."

I rolled my eyes on her and turned my gaze to my family. Nakita ko kung paano ngumiti sila mommy nang nagmano si Nath sa kanila. I should introduce him as my school mate and not as suitor.

"Uhm. Mom, dad, si Nath po schoolmate ko." Magalang kong aniya. Nath turned to me with a suspicious eyes like he's scrutinizing my whole being. I shot back through gaze and raised a brow. Bakit ganiyan siya makatingin?

"Ay, hindi po-asawa ko po 'yung anak niyo."

Nanlaki ang mata ko sa inusal nito at tanging paghalakhak lang ni ate ang naririnig ko. What was that? What did he just say?

Hindi katagalan ay nakitawa na rin ang magulang ko. Pinaakyat na rin kami nila mommy para raw makapagsimula na kami. Nang buksan na ni ate ang pinto sa kaniyang kwarto ay hinarang naman ni Nath ang daanan ko.

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now