It's really hard to focus when someone keeps entering your mind no matter how hard you try to stop them.
He confessed first! Dapat ay hindi ako naiilang dahil lang umamin na rin ako, but I felt otherwise.
he texted me that after exam we will do a video stream in our house. Naikwento ko kasi na magaling si ate mag-ML kaya naisipan niyang isama kami ni ate. Well, for me it's okay. Natatakot lang ako sa magiging reaksyon ng pamilya ko kapag nakita nila si Nath, I mean, si Renz lang kasi talaga ang nakakapasok sa bahay.
With my parents' permission, I said yes. Inasar pa nga ako ng tatay ko ngunit isinawalang bahala ko ito. Ang mga kapatid ko naman ay gusto ring sumama, lingid pala sa kaalaman kong marunong na maglaro 'yong dalawa.
Ang usapan ay kapag natapos ang exam ay saka lang isasagawa ang panibago niyang stream. Tama nga si ate na gamer itong si Nath. Kay ate ko unang ipinaalam ang balak ni Nath.
Wala namang problema sa pamilya ko...sa 'kin lang ata meron. I'm a bit hesitant dahil unang- una, may pagka-babae 'tong si Nath, ayoko pa naman na dikit ng dikit sa 'kin lalo na kapag nandiyan lang sa tabi-tabi ang pamilya ko.
"Wui, pasa mo na 'yan." Saway ni Lei ang nakapag-patinag sa malalim kong pag-iisip. Nang sulyapan ko ang arm rest ko ay nasa 'kin na pala ang mga test papers. Dali-dali tuloy akong kumuha ng isa at ipinasa ang iba. Nag-sign of the cross muna ako bago magsagot sa test paper.
"Focus ka muna, 'di mo pa jowa iniisip mo na." Nag-init ang mukha ko sa binulong nito. Nang mapansin niyang napatigil ako'y humalakhak ito ng mahina.
"Shut it." Nagtitimpi kong ani.
Nagsimula na akong magsagot at hindi na ulit sumagi sa isipan ko ang mangyayari bukas. The questions are so easy kaya hindi nagtagal ang pagsasagot ko at nag-pasa na. Pinalabas naman ako ni Sir dahil isa 'yon sa rule na kapag tapos ka na ay bawal ka manatili sa loob ng room.
Dahil wala naman akong magawa at mukhang matatagalan mag-sagot si Lei ay bumaba na muna ako para mag-canteen.
Bigla tuloy sumagi sa isip ko si Renz. Hindi niya ako pinapansin buong klase. I just wanna ask why is he absent 'nung first day ng periodical exam but he isn't giving me time to ask nor chance to approach him. Papalapit pa lang ako pero umiiwas na siya.
Is this all about the rejection?
As I entered the canteen, I looked for fries. I mean, the real fries—hindi si Nath. Iyon lang ang ipinunta ko rito kaya nang makabili ay napagpasiyahan ko ng umalis ngunit may humawak sa 'king braso.
I looked up to see who is it at nang makita ay nangunot ang noo ko.
"Ate, pinabibigay po niya." She said as she handed me a chocolate shake. I hesitantly took it from her. Bigla na lamang siyang nawala sa paningin ko matapos ibigay sa 'kin 'to.
Sinong niya?
I roamed my eyes to search who is who.
And it settled with a guy, smirking like an idiot.
Gusto ko na lang umalis sa kinatatayuan ko ngunit hindi ko maigalaw ang paa ko sa sandaling lumakad ito patungo sa direksyon ko.
This is bad.
Hindi ako makatingin ng maayos sa kaniya kaya't pinili kong ibaling ang mata ko sa mga kapwa ko estudyante na bumibili rin.
Daretso lang ang tingin nito sa 'kin nang subukan kong sulyapan ang direksyon niya. I was about to ask why did he give me this but he passed by me. My mouth's left open as I turned around only to see him and a girl talking.
YOU ARE READING
Do You Know How? (COMPLETED)
Teen FictionHazel Ann, a girl who's been dreaming to be a professional astronomer, was transfered to a public school. She wasn't used to attend public school because she was raised well-pampered by her parents. She had been distancing herself ever since she was...