Prologue

68 3 0
                                    

Andito ako sa bus na gamit ng klase papunta sa kasunod na destination ng fieldtrip ng eskwelahan namin. Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang mga tanawin sa labas ng bintana dahil medyo matagal pa ang byahe.

"Hoy Jaezelle!" lumingon ako kay Bernard, ang kaisa-isang kaibigan ko sa buong klase namin. Hindi ako loner, ayaw ko lang talaga makipag-kaibigan. "Ano? tulala ka lang dyan?"

"Bakit?" Tanong ko rito, Inabot niya sa akin ang isang balot ng skyflakes na baon niya.

"Kumain ka muna." Ngumiti ito sa akin at kinuha ko ang skyflakes, Binuksan ko ito at kumuha ng isang piraso "Asan na ba tayo?"

"Dahil malapit na tayo sa tulay, malamang mga may 25 minutes pa ang byahe" Sagot nito sakin habang kinakalikot ang cellphone niya na lagi niyang gamit.

Hindi ko na siya inabala at tumingin na lang uli sa bintana dahil paliko ang daan, Tanaw ko ang malaking tulay na mukhang matibay ang pagkakagawa. Totoo kaya na gawa ito sa dugo ng mga namatay na bata upang tumibay?

Pumikit na lang ako at nagsuot ng earphones sa tainga, gusto kong matulog.

Pagkatapos ng ilang minuto, nagising ako dahil hinihigit ako ni Bernard.

"Jaezelle!!!" bigla akong naalimpungatan ng isigaw ni Bernard ang pangalan ko. Agad akong napatayo at natulala dahil nagkakagulo ang buong klase.

Pasiway siway ang sinasakyan namin, lahat ay nagsisigawan at ang iba ay umiiyak.

Napatulala na lang ako dahil napagtanto kong nawalan ng preno ang bus. Humawak sakin si Bernard at kita ko ang pagtagilid ng sasakyan namin, pumikit na lang ako at tinanggap ako trahedyang ito.

Hihintay kong bumagsak ang bus sa ilog ngunit biglang kumalma ang paligid.

Minulat ko ang mata ko at tinignan ang paligid, ang lahat ng kaklase ko ay nakatayo.

Walang umiimik.

Walang kumikibo.

Tumayo ang mga balahibo ko ng biglang humawak sa akin ang kaklase kong si Louise.

Malamig ang kamay, duguan at basang basa ito. Ang mata niya ay puno ng pighati at sakit.

"Tulungan mo kami."

Bigla kong narinig ang alarm clock sa aking kwarto kaya't napabangon ako sa kama ko. Pinunasan ko muna ang pawis ko at huminga ng malalim.

Isang taon na ang lumipas pero dala ko pa rin ang bangungot.

Lost SoulsWhere stories live. Discover now