IKA-LABING APAT
"Kumusta?" Pagmulat ko ay sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Gabryle. "Nilalagnat ka pa ba?"
Hinawakan ako nito sa noo at tinignan ko lang siya. Ang lamig ng mga kamay niya.
Napangiti ito, "Hindi ka naman ganun kainit." Sabi nito.
Inalalayan ako nitong tumayo.
"Wala ka bang nakakasalubong?" Tanong ko sa kanya.
Umiling siya, "Wala naman." Hinawakan ako nito sa braso kaya napatingin ako sa kanya.
"Saan mo ako dadalhin ngayon?" Nakatitig lang siya sa akin, maya-maya ay ngumiti ito.
Tumingin siya sa pababang araw tsaka ko lang napansin na may dala siyang basket.
"Tara, Abot pa tayo!" Sabi nito at hinawakan ang kamay ko.
Hinigit ako nito hanggang makarating kami sa labas ng Bayan ng San Rafael. Mabuti na lang ay hindi ako nakakaramdam ng pagod sa panaginip ko.
Hinigit ako nito paakyat sa isang bundok, hindi niya binabitawan ang kamay ko, inaalalayan ako at ginagabayaan hanggang makarating kami sa tuktok nito.
Tumayo ito sa malaking bato at tumingin sa akin.
Inalay nito ang kamay niya kaya hinawakan ko ito upang makaakyat din sa batong tinatapakan niya.
Pagtingin ko sa kawalan ay kitang-kita ko ang San Rafael. Hinahalikan ng sinag ng papalubog na araw ang bayan.
Napahawak ako sa bibig ko dahil sa ganda ng tanawin.
Pagtingin ko sa likod ay may nakalatag ng blanket at nakatingin sa akin si Gabryle habang nakangiti.
"Ang ganda ano?" Tanong nito habang titig na titig sa akin.
Lumingon ako muli sa tanawin at ngumiti.
"Oo nga." sagot ko sa kanya.
Maya-maya pa ay hinawakan niya ako sa balikat at inalalayan na umupo.
Hindi ako nagsasawang tignan ang ganda ng nasa harapan ko ngayon. Pumikit ako at pinakiramdaman ang malamig na hangin.
Bigla kong naramdaman ang ulo ni Gabryle sa balikat ko pero hindi katulad noong una, mas komportable ako ngayon.
Pinatong ko rin ang ulo ko sa ulo niya, kinagulat ito ng binata.
"Salamat." sabi ko sa kanya. "Lagi mo sakin pinapakita ang magagandang bagay sa mundong ito."
"Wala naman akong ibang gagawin sa mundo mo kung hindi ang tuklasin ito," Nilagay niya ang kamay niya sa kabila kong balikat "At ipakita ang ganda nito."
Hindi ko akalain na magiging masaya ang pakiramdam ko sa panaginip na ito.
Noong una, akala ko isang sumpa ang pagkakaroon ng ganito.
Noong una, akala ko magiging isang parang kulungan ito.
Hindi ko rin akalain na magiging masaya ako.
YOU ARE READING
Lost Souls
ParanormalAfter the tragedy, Jaezelle woke up realizing that she can talk to dead souls that are visiting in her dreams and there she met Gabryle, a lost soul that is trying to remember his past. Published: April 25, 2020 Ended: