There are no goodbyes for us,
Wherever you are,
You will always be in my heart.
-Mahatma GandhiIKA-LABING ISA
"Ano ba yan ginagawa mo?" Kinuha niya sa akin ang sinusulat kong tula.
"Hoy akin na yan!" Tumakbo siya palayo sa akin ang notebook ko kaya wala akong magawa kung hindi ang habulin siya.
Ng malayo na siya, binuksan niya ito at binasa.
"Bernard!!!" Sigaw ko sa kanya.
Tawa pa ito ng tawa habang pinagtritripan niya ako. Naglupasay na lang ako sa sahig dahil sa pagod at inis.
Nakita ko ang paa niya kaya napatingala ako. Inabot niya sa akin ang notebook ko at nginitian ako. "Maganda naman ah." Sumimangot ako sa kanya.
Tumabi ito sa akin.
"Halika ating buksan
ang pintuan ng iyong kasiyahan,
Hayaan akong pagmasdan
ang ngiti mong unaabot sa kalangitan.Halika sa yakap
ng kalmadong dagat,
na pati ang iyong bulong
ay papakingganHalika sa lilom
ng mga puno sa kagubatan,
Ang araw ang magsisilbing
liwanag sa kadilimanHalika ka sa piling ko
kasintahan,
Hayaan mo ako
na buksan ang iyong pintuan"Tinignan ko siya at ngumiti ito sa akin. "Maganda naman ang sinulat mo ah." Namemorize nya agad yun?
Sa sobrang hiya ko ay hinagis ko sa kanya ang notebook ko.
"Ano? Ipapabasa mo sa akin lahat?" Iniwagayway nito ang kwaderno ko sa hangin.
"Hindi!" Inagaw ko ito uli at tinago sa likod ko.
Nilapit niya sa akin ang mukha niya at pinisil ang ilong ko. "Halika ka na, Jaezelle, aking kaibigan."
Tumayo na ito at inalay sa akin ang kanyang kamay. "Kasi may klase na." Ngumisi ito. Napangiti na lang din ako at inabot ang kamay niya.
Nauna ito sa paglalakad dahil kinuha ko pa sa damuhan ang notebook at ballpen ko. "Bernard, Sandali!"
Humarap uli sa akin ito at kumaway.
Napamulat ako at pawis na pawis ang buo kong katawan. Inigala ko ang aking mata at napansin kong nasa kwarto ko.
Tinignan ko ang alarm clock ko at 10am na. Hindi ako nakapasok ng eskwelahan.
Bigla kong naalala ang panaginip ko.
Bernard.
Bakit ako nanaginip at sino siya?
Napahawak ako sa ulo ko dahil sobrang sakit nito.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko si mama na may dalang pagkain.
"Gigisingin pa lang sana kita." sabi niya, ipinatong nito ang dala niya sa mesa at umupo sa gilid ng kama ko.
"Bakit hindi mo ako ginising ma?" Napahawak ito sa ulo ko.
"Hindi ka na ba nilalagnat?" Tanong nito. "Kanina kasi pag-akyat ko ay nakahiga ka sa sahig at sobrang init mo" paliwanag nito.
"Ganun po ba?" Tumango siya
"Nag-aalala ako sayo, kung may kailangan ka ay magsabi ka sa akin ha?" Tumayo ito "Kumain ka na muna."
Aktong lalabas na ito nang bigla ko siyang tawagin. "Mama."
Tumigil naman ito at lumingon sa akin.
"Kilala mo ba si Bernard?" Kumunot ang noo niya at kita sa mata niya na kilala niya ang binaggit ko.
"Sa pagkakaalam ko ay sya ang bestfriend mo nung nag-aaral ka pa sa kabilang bayan." Sagot nito
"Alam mo ba kung nasan siya?" Tanong ko uli
Tumigil ito ng konti bago sumagot. "Hindi, Wala na tayong komunikasyon sa kanila pagkatapos nating umalis ng San Isidro." Sagot niya.
Tumango ako at ngumiti siya. "Akala ko ay nakalimutan mo na ang matalik mong kaibigan. Tignan mo ang box sa cabinet na tinatago-tago mo mula pa noon, baka may makuha kang sagot."
Umalis na siya kaya naiwan ako dito sa kwarto, Kinain ko na ang dalang pagkain ni Mama at ininom ang gamot na katabi nito.
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa side table at binuksan ito. Tadtad ng text mula kay Tricia ang phone ko, Nagreply ako at sinabi kong nilalagnat ako.
Napahiga na lang uli ako sa kama ay napatitig sa kisame. Anong gagawin ko ngayon?
Bumangon uli ako at bigla kong naalala ang cabinet ko. Nilapitan ko ito at pinagbubuklat ang mga drawer nito. Sa pinakamalaking drawer kung saan nakahanger ang mga damit ko ay kinuha ko ang isang lumang box.
Binuksan ko ito, laman nito ang mga gamit ko noon. Ang mga ballpen at mga kwaderno, meron din mga tape at iba't ibang kulay ng highlighter.
Pinagtatanggal ko ang lahat ng ito at nakita ko ang notebook na nakita ko sa panaginip ko.
Tinitigan ko ito ng pagkatagal-tagal bago ko naisipang buksan.
Matagal ko nang napapansin ang box na ito sa cabinet ko pero wala akong oras buksan at tignan ang laman.
Ngayon na nabuksan ko na ito, Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.
Naiinis ako sa sarili ko kung bakit wala akong maalala sa nakaraan ko.
Pagbukas ko nito ay tumambad sa akin ang makukulay na sulat at tape sa unahan nito.
"Property of Jaezelle" naka-cursive pa ito at punong-puno ng style.
Pinagbubuklat ko ang mga pages nito at puro tula ang laman nito.
Sa akin ba talaga ang notebook na'to?
Ganito ba ako kamalikhain dati?
Ganito kakulay ang mundo ko?
Pagbuklat ko sa huling page, nabasa ko ang tula na katulad ng nasa panaginip ko.
Sa baba nito may nakasulat na mensahe mula sa kanya.
"Kahit hindi ako ang iyong kasintahan, Handa akong buksan ang aking pintuan. -Bernard"
Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko at tuluyan nitong nabasa ang pahina.
Hindi ko siya kilala, Gusto ko siyang makilala.
Ibig sabihin, ala-ala ko ang mga iyon.
Tanda ko pa ang bus non, Ayon sa panaginip ko, Isa siya sa mga sakay bago ito maaksidente.
Pinunasan ko ang luha ko at sinara ang box.
Hindi manlang ako nakapag-paalam.
YOU ARE READING
Lost Souls
ParanormalAfter the tragedy, Jaezelle woke up realizing that she can talk to dead souls that are visiting in her dreams and there she met Gabryle, a lost soul that is trying to remember his past. Published: April 25, 2020 Ended: