Every family has a story.
-AnonymousIKALAWA
Pagkatapos ng klase, sabay kaming pinatawag ni Tricia sa Office ni Mrs. Rafael. Maraming nagtataka kung bakit pati ako ay pinatawag, Palagi kasing ang kaibigan ko lang ang pinapatawag dahil Student Council President siya.
Sa paglalakad namin ay may nakasalubong kami na isang babae. Tumigil ito sa harap namin at pinagmasdan ako. Parang pamilyar mukha niya sa akin.
"Ikaw ba si Jaezelle?" mahinhin na tanong nito sa akin.
Tumango ako bilang sagot at bigla akong niyakap nito.
"Salamat, ngayon mapapanatag na ako na hindi nagpakamatay ang anak ko." Siya pala ang magulang ni Anne. Kaya pala kamukha niya ito. Mahaba rin ang buhok at makinis ang balat. "Magbabayad ang Joshua na iyon."
Nasa tapat na kami ng pinto ng office ng Dean. Tinignan ako ni Tricia at tsaka kumatok. Bumukas ito ang bumungad samin ang isang babae na mukhang nasa 30's, matangkad at halatang halata sa tindig nito ang pagiging strikta.
"Good afternoon, Mrs. Rafael" bati namin dito. Pinaupo kami nito sa harap ng lamesa niya.
"Alam nyo naman kung bakit namin kayo pinatawag dito." Sabi nito "Ang anak kong si Joshua" halata sa boses nito ang pagkalungkot. "Hindi ko akalain na magagawa niya ito."
"Nagulat din po kami ng malaman namin ang pangyayari." Sagot ni Tricia
"Ngunit, Kailangan natin pagtakpan ang pangyayari." Humarap sa amin si Mrs. Rafael "Ipalalabas namin na suicide nga ang pangyayari at magpapatuloy sa pag-aaral ang aking anak."
"Bakit po?" tanong ni Tricia
"Makakasira ito sa reputasyon ng Rafael National." sagot nito sa amin.
"Hindi ba manlang kayo nag-aalala sa anak nyo?" Nagulat si Mrs. Rafael sa sinabi ko at bigla akong hinawakan ni Tricia sa kamay.
"Anong sinasabi mo, iha?" tumaas ang kanang kilay nito. "Ang aking anak ay isang mamamatay tao. Kasalanan nya kung bakit siya ganito ngayon."
"Alam nyo ba kung bakit nagawa ni Joshua iyon?" tanong ko dito "Nagawa nya yun dahil hindi kayo nakuntento."
"Anong sinasabi mo?!" napatayo sa kanyang pagkakaupo ang matanda "Pinag-aral ko siya ng mabuti tapos ito ang igaganti niya sa akin?!"
"Pinilit nyo siya sa bagay na hindi niya gusto. Napilitan siyang magsubsob sa pag-aaral dahil gusto nyong itaas ang tingin sa pamilya nyo, Palagi niyo siyang sinasabihan na kailangan walang tatalo sa kanya, kailangam perpekto siya at kailangan kahit anong mangyari, ibibigay nya sa inyo ang medalya." Nangingilig sa galit ang Dean. "Tama ba Mrs. Rafael?"
"Tingin ko ay kaya nya nagawa yun dahil sa pressure, galit at panghihinayang sa sarili." Tumayo na ako kaya't napatayo na rin sa kanyang upuan si Tricia. "Tratuhin niyo sa bilang anak, hindi bilang tropeo. Pagisipan nyong mabuti ito. "
Dere-deretso na akong lumabas at sumunod naman sa akin si Tricia. Tapos na rin naman ang klase kaya naisipan kong umuwi na lang, Nagpaalam na ako sa kaibigan ko at naglakad na pauwi.
Pag-uwi ko ay sinalubong ako ni mama ng may ngiti sa labi.
"Jae, kumain ka na ba?" umiling ako bilang sagot "Kumain ka na kasabay ko." Umupo ako sa tabi nito at kumain.
"Kumusta naman ang araw mo anak?" Tanong nito sa akin. Lagi niya akong kinukumusta tuwing uuwi ako galing sa school. "Sabihin mo sa akin kung nahihirapan ka sa pag-aaral ha? Tutulungan kita." Ngumiti ako sa kanya at tumango.
Simula ng nawala si papa ay siya na ang nagsisilbing magulang ko. Bata pa lang ako ng namatay ang aking ama kaya wala ako masyadong alam tungkol sa kanya.
Pagkatapos kumain ay kagaya ng dati, tinulungan ko siya mag-linis ng pinagkainan.
"Ma, aakyat na po ako." tumango ito at ngumiti.
Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong naglinis ng katawan at humiga sa kama ko, wala naman akong masyadong gagawin ngayon.
Narinig ko ang tunog ng cellphone ko kaya agad ko itong kinuha at binuksan. Nag-text pala si Tricia.
Tricia: Jae, nagbago ang plano ni Mrs. Rafael. Ipapasuspende niya ang anak niya pero ipapalabas pa rin na suicide ang nangyari.
Hindi na ako nag-reply at nilagay na ang phone ko sa lamesa sa tabi ng kama ko.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagod.
Andito na ako ngayon sa malawak na field ng eskwelahan namin. Tanaw ko dito si Anne, kumakaway sa akin at hindi katulad ng una naming pagkikita ay mas masigla siya ngayon.
Unti-unting naglaho ang katawan niya sa hangin. "Salamat, Jae." bulong pa nito bago tuluyang mawala sa paningin ko.
Kasabay ng pagkawala niya ay pagbabago rin ng itsura ng panaginip ko.
Nasa harap ko ngayon ang nakabaliktad na sasakyan. Nanlaki ang mata ko at pagtingin ko sa kanan ay nakita ko ang isang bata, nag-iiyak ito at tinuturo ang kotse.
"Mama!"
Nagising ako sa panaginip ko at agad na tumawag sa police station na malapit sa aksidente. Nagsuot ako ng jacket at nagmamadaling pumunta sa pinangyarihan ng aksidente.
Pagpunta ko dun ay nakita ko na ang ambulansya at ang mga pulis na nakapaligid sa isang sasakyan, katulad ng nasa panaginip ko.
Hindi ko pwedeng lapitan ang aksidente dahil sa mga pulis kaya't tinanaw ko na lang mula kinatatayuan ko ang mag-ina. Sa palagay ko ay buhay ang nanay ng bata.
Nakita ko sa isang stretcher ang isang batang lalaki, tinignan nila ang pulso at ang mata nito, Tama nga ako pakiramdam ko.
Patay na yung bata.
Unti-unting nauubos ang mga nakiki-chismis at agad na rin na umalis ang ambulansya. Hinintay ko pang makaalis ang mga pulis at umuwi na rin ako.
Napaupo na lang ako sa kama ko. Kung hindi ko agad nalaman ay baka namatay din ang ina nung bata.
Ganito na talaga ang buhay ko, lahat ng may malakas na panalangin ng pangangailangan ay mapapanaginipan ko.
Pakiramdam ko ay hindi na ako makakatulog.
YOU ARE READING
Lost Souls
ParanormalAfter the tragedy, Jaezelle woke up realizing that she can talk to dead souls that are visiting in her dreams and there she met Gabryle, a lost soul that is trying to remember his past. Published: April 25, 2020 Ended: