• 12 •

12 1 0
                                    

We all have
shoulders to cry on.
-Anonymous

IKA-LABING DALAWA

Nagulat ako ng biglang may nag-abot ng panyo sakin. Napatingala ako at ngumiti sakin ang binata.

"Ang aga mo nanaman." sabi nito sa akin. "Napapadalas ang pagbisita mo sa akin sa panaginip mo ah. Miss moko?" tumawa ito

Sumimangot ako at suminghot, sinisipon nako dahil sa pag-iyak ko. Umupo ito at sa katabi ko at pinunasan ang luha ko gamit ang panyong inaabot nya kanina.

"Anong iniiyak iyak mo dyan?" Tanong nito "Ang pangit mo umiyak."

Babatukan ko sana siya kaso nakaiwas agad siya. "Wala kang pake." sabi ko rito

"May nagpapaiyak ba sayo sa tunay na mundo?" Ginulo nito ang buhok ko "Kung tao lang din ako ay prinotektahan na kita."

Tumingin ako sa kanya at umiling. "Wala, May naalala lang ako" sagot ko rito.

Napaisip ito at maya-maya ay niyakap niya ako. Ngayon na nakasubsob ako sa dibdib niya ay naramdaman ko nanaman ang tibok ng puso ko.

"Tahan na." Malumanay na sabi nito.

Himala na napatigil niya ang lungkot na nararamdaman ko.

Ang komportable.

Napangiti na lang ako at niyakap siya pabalik. Naramdaman kong nanigas ang katawan niya ngunit maya-maya ang naging kalmado rin ito.

Kung tutuusin ay mukha kaming baliw na nagyayakapan sa gitna ng kalsada ngayon.

Ilang minuto pa ay humiwalay na ako sa yakap at tumingin sa paligid. Siguro ay inantok din ako gawa ng gamot na ininom ko.

Maya-maya pa ay tumayo na ako at naglakad at sumunod siya sa akin.

Bigla akong napatigil sa plaza nang makita ko ang fountain, bigla akong napahawak sa kwintas ko at napahinga ng malalim.

Napansin ko naman na tinitignan ako ni Gabryle kaya tumingin din ako sa kanya.

"Bakit?" Napakamot ito sa ulo niya at ngumiti.

"May kilala ka bang Bernard?" Tanong ko rito.

Napaisip naman siya at umiling. "Wala naman napapadaan na Bernard dito." Sagot niya, Maya-maya ay nanglaki at mata niya at tinuro ako "May pumoporma na ba sayo? Ha?"

Hinawakan ko ang daliri nito at binaba, "Kumalma ka." Sabi ko rito.

Pinagmasdan ko muna ang mukha nitong nakanguso at namumula hanggang tainga. Tumingin ako muli sa fountain.

"Pakiramdam ko ay may naalala na ako mula sa nakaraan ko." Sabi ko muli

"Ano?" Tanong nito

"Bernard." Sagot ko "Matalik ko siyang kaibigan, sabi na rin ni Mama." Dagdag ko pa

Tumango naman siya at tinignan din ang fountain. "Mabuti kung nakakaalala ka na."

Lost SoulsWhere stories live. Discover now