• 10 •

11 1 0
                                    

Man lives in the world
of surmise,
of mystery,
of uncertainties.
-John Dewey

IKA-SAMPO

Andito kami ngayon sa coffee shop kung saan sinabi ni Attorney Kurt, Tinignan ko ang relo ko at 4:45 pa lang ng hapon.

Katabi ko ngayon si Tricia at nagscscroll lang siya sa newsfeed niya sa facebook. Hihintayin na lang namin si Kurt bago kami umorder.

Pagtingin ko sa pinto ay bumukas ito at pumasok si Kurt, naka-polo ito at may dalang briefcase.

Kinublit ko si Tricia at tumingin din siya sa may pinto, Kumaway ito sa attorney at nakita naman kami nito.

Agad itong umupo at tumingin sa akin.

"Tricia" Tumingin ako kay Tricia "Ikaw na umorder" Napasimangot naman ito pero sa huli ay pumayag din.

Pag-alis niya, Tinignan ko ang attorney at halata sa mukha nito ang stress at pagod.

"Balita ko ay magkakaroon na ng trial ang kaso ni Janella." Sabi ko dito.

Tumango ito sa akin, "They approved the request of retrial I submitted."

"Nagpapakita pa siya sayo?" Tanong ko dito

"Oo," Huminga siya ng malalim "Sa panaginip ko."

"Hindi na siya bumalik sa panaginip ko." Sabi ko sa kanya

"Sa panaginip ko na nga lang siya nakakausap." Ngumiti ito pero may bahid ng lungkot "Ano nga pala ang kailangan mo?" tanong nito

Tinignan ko siya sa mata. "Nakinig mo na ba ang balita tungkol sa bus na naaksidente sa tulay na nagdudugtong sa San Rafael at San Isidro?"

Napa-isip siya. "Hindi pa" sagot nito

"Parehong petsa at parehong taon ito nangyari, ang aksidente ng bus, ang aksidente ni Janella" napatingin ako sa labas "At ang aksidente ng girlfriend ng kuya ko."

Nakuha ko ang atensyon niya kaya lumapit ito ng konti. "Do you think they are all connected?" tanong niya

"Maybe." Tumingin uli ako sa kanya at malamyang ngumiti "Hindi ko alam."

Tumungo naman ito at sumandal sa upuan. "So anong kailangan mo?" tanong niya

"Wala akong ibang alam tungkol sa bus na iyon," Tumigil ako ng konti at huminga ng malalim "Kaya mo bang kumuha ng impormasyon tungkol dun?"

Napaisip siya ng malalim bago ako sinagot. "Susubukan ko, Kailangan ko muna ipanalo ang kaso ni Janella."

Tumango naman ako, "Maipapanalo mo iyon," panigurado ko sa kanya "at maihahatid ko na si Janella sa kabilang buhay."

Tumahimik na kami at dumating na si Tricia dala ang order namin. Nakipagkwentuhan muna ito sa amin bago umalis dahil may pupuntahan pa daw siya.

Pagka-alis niya, kinublit ako ni Tricia at ngumisi. "Ano pinagusapan nyo? Sali raw." Inirapan ko na lang siya.

"Tungkol sa bus." Maikli kong sagot

Lost SoulsWhere stories live. Discover now