IKA-LABING TATLO
Bigla akong napamulat ng bumukas ang pinto ng kwarto ko, Lumabas dito si Tricia na labis ang pag-aalala.
Hinawakan ako nito sa noo at sumimangot. "Bakit ka naman nilalagnat? Nag-paulan ka ba?"
"Umulan ba?" Tanong ko rito, Inirapan nya ako at umupo sa upuan sa study table.
"Oh." Binagsak nya ang mga notebooks at libro nya sa table ko. "Mga namiss mo ngayong araw."
Nginitian ko ito ng kaunti, "Salamat."
"Nga pala" Napatigil ito sa pagcecellphone at tumingin sa akin. "May naghahanap sayo kanina"
Tumingin ako sa kanya at nag-antay ng kasunod na sasabihin.
"Si Attorney." Nag-kibit balikat ito "Hindi ko alam kung bakit pero nagmamadali siya, Hindi niya raw alam ang bahay mo kaya sa school na siya pumunta, Buti na lang nakasalubong ko sa hallway."
Tumingin ako sa cellphone ko, "Bakit hindi na lang siya nagtext?"
"Ewan" Hindi na ako sumagot uli at humiga na lang sa kama.
Matagal kong tinitigan ang pangalan ni attorney bago ko naisipan na magsend ng message rito.
Jaezelle: Hinanap mo raw ako kanina?
Ilang minuto ay hindi pa nagreply ito.
Mukhang busy nga siya.
Tumayo ako sa kama at nagstretching.
Nanlaki ang mata ni Tricia nang makita niya na dala ko ang towel ko papunta sa cr.
"Hoy, Anong gagawin mo?" Tanong nito, Hindi ko siya sinagot at sinara na ang pinto sa cr upang maligo.
Kinakatok-katok pa nito ang pinto habang naliligo ako "Nilalagnat ka, remember?" Sigaw nito.
Pagkabihis ko, tinignan ko si Tricia at halos mamatay na ako sa titig niya.
"San kita sasamahan?" Tanong agad nito.
Kinuha ko na ang cellphone at wallet ko at hinigit na siya palabas ng pinto.
"Kay Attorney." Sagot ko rito.
"Teka Sandali!" Hinigit nito ang kamay ko at tumingin sa akin.
"Hindi ba pwede bukas?" Tanong nito
Umiling ako at bumaba na ng bahay. Sumunod naman siya at nakasalubong namin si Mama at nakatingin ito sa akin.
Nagtutulo pa ang buhok ko at may dala pa akong suklay.
"Hindi ka na ba nilalagnat?" Tanong nito sa akin.
Umiling ako at ngumiti. "Hindi na Ma, Tignan mo" Nagjumping jacks ako sa harap niya at nagulat siya.
Nagkatinginan sila ni Tricia at nagtawanan. Sumimangot ako at nauna nang lumabas.
Sumunod naman sa akin si Tricia.
Pagdating namin sa law firm ay agad kaming umakyat sa building kung saan andon ang office ni Kurt.
Kumatok ako sa pinto nito, naghintay kami ng kaunti at walang sumagot.
YOU ARE READING
Lost Souls
ParanormalAfter the tragedy, Jaezelle woke up realizing that she can talk to dead souls that are visiting in her dreams and there she met Gabryle, a lost soul that is trying to remember his past. Published: April 25, 2020 Ended: