Sometimes you will
never know the
value of a moment,
until it becomes
a memory.
-Dr. SeussIKAWALO
"Wala bang pumunta ditong kaluluwa?" Tanong ko kay Gabryle.
Palinga-linga ito sa kanan at sa kaliwa sabay ngumiti sa akin. "Wala naman."
"Hindi na ba bumalik si Janella?" tanong ko pa sa binata.
Umiling ito. Tinignan ko ang kapaligiran at hindi pa nagbabago ang itsura nito simula ng maakisdente yung bata.
Mukhang walang lumalapit na ibang kaluluwa bukod sa mga namatay sa bayan.
"Jae." Tumingin ako sa kanya.
"Masyado mong tinutuon ang atensyon mo sa mga kaluluwang tinutulungan mo." dagdag pa nito.
Kumunot ang noo ko. "Ito naman talaga ang purpose ng panaginip ko." sagot ko sa kanya.
"Sabi nila ang mga panaginip daw ay ang mga gusto nating makamit sa hinaharap." Tumingin siya sakin "Ano bang gusto mong makamit? Ito ba ang gusto mo?"
Napa-isip ako sa sinabi niya. Wala naman akong gusto, Hindi ko nga alam kung ang course na tinatahak ko ang gusto kong trabaho habang buhay.
Hindi ko rin alam kung aalis ba ako ng bahay o mananatili ako kay mama pagkatapos ko ng senior high school.
Ang maliliit na bagay katulad ng taste ko sa damit, sa kulay, ang paborito kong ulam o gawain ay hindi ko rin alam.
"Jae?" Napatingin ako ng tinawag uli ako ni Gabryle. "You're spacing out."
Umiling ako at nagbuntong-hininga "Hindi ko alam."
Sinabayan niya ang lakad ko hanggang makarating kami sa plaza.
Pareho kaming nakatingin sa kabuohan nito. Mas napagtanto ko na mas maganda ito sa panaginip ko, mas malinis at mas presko.
Hindi kagaya ng nasa tunay na mundo dahil siguro sa gulo at kapabayaan ng mga tao. May mga nagkalat na basura na hindi manlang maitapon sa tamang basurahan. Mga vandal sa mga gusali at estatwa na hindi na mabura-bura. Mga nag-aaway at iba ay sadyang wala talagang pakielam.
"Ang ganda siguro kung ganito ang itsura ng tunay na mundo." Sabi ko sa kanya habang patuloy na pinagmamasdan ang paligid.
"Ngayon alam mo na kung gaano kaganda ang mundo mo." Nilingon ako nito at tinitigan.
Napapikit na lang ako at ngumiti. "Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano nga ba ang pangarap ko."
Hindi siya umimik pero alam kong nakikinig siya sa mga sinasabi ko.
"Wala akong maalala ng mga nangyari sa akin simula nung lumipat kami dito." Dagdag ko pa "Katulad mo ay hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong paniwalaan at panindigan."
"Gusto mo pa ba malaman kung ano ang nangyari sayo bago ka mapunta dito sa San Rafael?" Tanong nito.
"Oo naman." Sagot ko sa kanya "Naniniwala ako na ang nakaraan ay parte ng hinaharap natin at parte ng kung ano tayo. Paano na lang kung wala kang maalala sa memorya mo noon?"
YOU ARE READING
Lost Souls
ParanormalAfter the tragedy, Jaezelle woke up realizing that she can talk to dead souls that are visiting in her dreams and there she met Gabryle, a lost soul that is trying to remember his past. Published: April 25, 2020 Ended: