• 7 •

24 1 0
                                    

You are loved and lost.
Loved by someone
and
Lost with the feeling.
-Anonymous

IKAPITO

Sumalubong sa aking ang puting kisame at amoy ng gamot. Lumingon ako sa orasan at ala-una palang ng hapon.

Bigla akong bumalik sa wisyo ng pinitik ako ng Tricia. "Jae!!!"

Yayakapin niya ako pero tinulak ko siya palayo, Ngumuso ito at mukha ng paiyak. "Nag-alala ako sayo!!!"

"Ano nangyari?" Tanong ko dito

"Gaga, di mo alam?" Tinaasan ko siya ng kilay

"Nagsisisigaw ka sa taxi kanina, sabi mo tama na! tama na!" Nilagay pa niya sa tenga niya ang kamay niya at ginaya ang ginawa ko kanina. Napairap na lang ako.

Biglang tumunog ang cellphone niya kaya kinuha niya ito. Binasa niya ang nag-text at dali-daling kinuha ang bag niya. "Dito ka muna, Jae. Sunduin ko lang si Tita."

Nanlaki ang mata ko at hinawakan siya sa braso. "Alam ni mama?"

"Malamang." Sagot nito

Napa-sampal na lang ako sa sarili ko dahil sa katangahan ko. Ikaw ba naman mahimatay sa taxi.

Pagkalabas niya at biglang pumasok ang isang nurse. Hindi katangkaran at chinita. Tinignan nito ang dextrose ko at may sinulat sa dala niyang papel.

"Kumusta na ang pakiramdam mo, Jaezelle?" Tumingin ako sa kanya pero agad din akong umiwas.

"Kumusta ang panaginip mo?" Bigla akong nanigas at nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Agad ko siyang hinawakan sa braso at tinignan ng mabuti.

"Sino ka?" Tanong ko dito.

Nginitian lang ako nito "Khrystle." Pinakita pa niya ang nametag niya. "Nurse ako dito."

"Hindi yun ang ibig kong sabihin" May sasabihin pa sana ako pero tinakpan na niya ang bibig niya.

"Wala ng ibig sabihin." Ngumiti ito muli "Kinumusta lang kita dahil masyado mong pinapagod ang katawan mo."

Nakipagtitigan pa ako dito pero biglang bumukas ang pinto, niluwa nito ang mama ko at si Tricia.

"Anak!" Lumapit ito sa akin at niyakap ako "Ano ka ba naman! Sabi mo sa akin may gagawin ka, Hindi mo naman sinabing tatambay ka sa hospital!" Biglang tumawa ng malakas si Tricia.

"Ano po bang lagay ng anak ko?" Tanong nito sa nurse na ngayon ay nakatayo sa may paanan ko.

"Fatigue po, Mam." Lumingon ito kay Mama "Masyado po atang naststress ang anak nyo." Nginitian pa ako nito. Ipinaliwanag pa nito ang mga kailangan kong gawin para hindi na maulit ang pangyayari.

"Pwede na rin po siyang lumabas mamaya." Dagdag pa nito.

Tumango naman si mama at umupo sa sofa malapit sa hinihigaan ko. Sumandal na lang ako at pumikit.

Bigla kong naalala si Gabryle.

Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko kaya napamulat ako at napabangon.

Nagulat naman si Tricia at Mama, Pareho sila napatingin sa akin ng may halong pagtataka.

"Sure kayong fatigue lang cause ng pagpunta ko dito?" Pinakiramdaman ko pa muli ang tibok ng puso ko. Walang magbabago, Mabilis pa rin.

"Yun ang sabi ng nurse kanina." Sagot ni mama, Umiling na lang ako at sumandal uli.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hihintayin ko na lang na makalabas ako dito.

Lost SoulsWhere stories live. Discover now