Anger is your biggest enemy.
Control it.
-AnonymousUnang Kabanata
Narinig ko na ang tunog ng bell ng school na pinapasukan ko. Lumabas na ang teacher namin kaya't nagsitayuan na ang mga kaklase ko upang bumili ng makakain sa labas.
Pinagmamasdan ko lang mula sa bintana ang malaking field kung saan maraming mga estudyanteng tumatambay at naglalaro. Nakaramdam ako ng pagkublit mula sa likod kaya agad ko itong nilingon.
"Anong problema mo?" tanong ko rito
"Nanaginip ka nanaman?" halata sa mukha nito ang pag-aalala, Tumango ako sa kanya at huminga ito ng malalim. "Ano? Sino? Saan?"
"Sa bus." Nanlaki ang mata nito at tila hindi na alam ang sasabihin kaya't hinayaan ko na lang siya at tinanaw na muli ang bitana.
"Edi wala kang pupuntahan ngayon?" tanong nito. Tumango na lang ako bilang sagot "Sama ka sakin?" Hinawakan nito ang braso ko kaya't napatingin ako sa kanya.
"Dederetso na ako pauwi, marami pa tayong kailangan ipasa." Ngumuso ito at tila dismayado. "Graduating tayo, Kailangan kong makumpleto 'to"
"Tricia!" Pareho kaming napalingon sa pinto dahil tinawag siya ng isa namin kaklase "Pinapatawag ka ni Mam!" lalo humaba ang nguso nito dahil sa pagkainis.
"Uutusan nanaman ako non!" Binitawan nito ang braso ko at naglakad papunta sa pinto, tumigil muna ito upang lingunin ako.
"Balikan kita mamaya Jae ha!" tumango ako sa kanya at dali dali itong lumabas ng pinto papunta sa faculty room.
Siya lang ang may lakas ng loob na kumausap sa akin dahil ang iba ag tinuturing akong baliw dahil sa kakayanan ko. Hindi naman ako nakakakita ng kaluluwa, sa panaginip ko lang.
Pagkatapos ng klase ay dumeretso na ako sa bahay upang makagawa ng mga assignments at projects sa school. Lagi akong inaakit ni Tricia na tumambay pagkatapos ng klase ngunit tumatanggi ako kaya siya na lang ang sumasama sa akin sa bahay.
"Titaaa!!!" tawag nito sa nanay ko na kalalabas lang ng kusina, ngumiti ito kay Tricia at yumakap sa akin.
"Kumusta naman kayo?" Tanong nito sa amin.
"Okay lang po, Tita!" Masigla nitong sagot kay Mama "Gagawa po kami ng project kaya andito ako."
"Kahit wala naman kayong gagawin ay nandito ka ineng" Nagtawanan silang dalawa, Umupo muna ako sa lamesa dahil matagal tagal pa silang magchichikahan.
Maya-maya ay inakit na ako ni Tricia na umakyat sa kwarto ko kaya't iniwan na namin si mama sa baba.
"Jae" Tawag nito pagkaupo ko sa kama ko. Sinimulan ko ng sulatin ang takdang-aralin namin sa Business Math.
"Ano?" tanong ko rito, Halata sa mukha nito ang pag-aalinlangan kung sasabihin niya ang gusto niyang sabihin. "Ano nga?"
Umiling muna ito "Kanina kasi pinatawag kami sa faculty" Tumigil muna siya ng kaunti at bumuntong hininga "May nagpakamatay kasing estudyante malapit sa faculty room"
Natigil ako sa pagsusulat at tumingin sa kanya.
"Wala ka bang napanaginipan na babae?" Umiling ako sa kanya
"Baka ngayong umaga lang nangyari, Hindi ko rin alam kung magpapakita siya sakin." sagot ko rito. "Kung nagpakamatay siya, Hindi ko siya makikita dahil tanging mga pinatay at naaksidente lang ang nakakausap ko."
Tumango siya sakin "Hindi ka ba nahihirapan?" Tanong nito sakin
"Hindi, Isang taon na akong nakikipag-usap sa patay" Binalik ko ang atensyon ko sa notebook at nagsimula na muling magsulat "Wala rin naman akong magagawa kundi ang harapin sila."
YOU ARE READING
Lost Souls
ParanormalAfter the tragedy, Jaezelle woke up realizing that she can talk to dead souls that are visiting in her dreams and there she met Gabryle, a lost soul that is trying to remember his past. Published: April 25, 2020 Ended: