IKA-SIYAM
"Hindi mo naman sinabing tutunganga lang tayo dito." Sabi ni Tricia.
Andito kami ngayon sa bahay at alas-singko na ng hapon. Kanina ko pa tinititigan ang cellphone ko dahil hinihintay ko ang reply ni Atty. Kurt.
"Hoy" Sinamaan ko ng tingin si Tricia dahil kanina pa siya nag-iingay.
"Tumahimik ka" Napasimangot ito.
Wala si mama dahil namamalengke siya kaya kami lang ni Tricia dito.
"Dapat sinabi mong sasamahan lang kitang tumunganga dito" Nagsisipa pa siya sa hangin dahil sa inis.
Maya-maya ang biglang siyang napabalikwas dahil tumunog ang cellphone ko. Pareho kaming napatingin sa pangalan ng tumatawag.
"Sabi ko naman reply hindi tawag." Binigay ko kay Tricia ang phone ko. "Sagutin mo"
Tinuro nya pa ang sarili niya bago ito kinuha. "Ano sasabihin ko?"
"Kailangan natin ng tulong." Sagot ko sa kanya.
Nag-message ako kay Kurt kaninang umaga na makipagkita sa amin dahil kailangan namin ng tulong. Sa kanya na rin naman nanggaling na kung may kailangan ako ay tawagan ko siya.
Nagagawa nga naman ng utang na loob.
"Hoy wag ka ngumiti dyan mag-isa." Hinagis niya sakin ang cellphone ko, Buti na lang nasalo ko.
"Ano sabi?" Tanong ko sa kanya.
"What is it daw" Humawak pa siya sa ilong nya na parang nanonosebleed "We'll meet him tomorrow daw, 5PM" Sagot nito.
Tumango naman ako at sumandal sa sofa.
Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Mama na may dalang fishnet at mga paperbag. Kinuha namin ni Tricia ang mga dala niya at sinamahan ito sa kusina.
Pagkatapos namin kumain ng dinner ay umuwi na rin si Tricia at umakyat nako sa taas.
Ginawa ko muna ang mga takdang-aralin ko at tsaka nag-halfbath. Paglabas ko ng cr ay agad akong umupo sa kama at kinuha ang phone ko.
Nag-scroll ako sa facebook ko at may nagpost ng article tungkol sa aksidente ni Jaezelle.
"After a year, Janella Arqueza, the deceased heiress of the Arqueza Corps. will have a retrial next week."
Napangiti ako ng mabasa ko ito.Pinatay ko na ang cellphone ko at humiga sa kama. Kinuha ko ang libro na nakuha ko sa sala at binasa ang simula nito.
Why can't we have the person we love the most?
Sinarado ko ang libro at nilagay ito sa lamesa. Ayaw ko na pala basahin.
Humiga na ako sa kama at tumitig sa kisame. Why can't we have the person we love the most?
Tinaas ko ang kamay ko at inabot ang mga bituin sa kisame ko.
Bakit nga ba?
Hindi ko alam.
Hindi ko nga rin alam kung ano nga ba talaga ang pag-ibig.
Maya-maya ay nakatulog na ako kaya napadpad nanaman ako sa plaza ng San Rafael.
Pagmulat ko ay nakita kong nakatayo si Gabryle sa hindi kalayuan.
Nakangiti ito at nawawala ang mga mata nito sa saya dahil pinapalibutan siya ng mga alitaptap.
Ang ganda niyang tignan kasama ang mga ito. Hindi ko na siya tinawag at pinagmasdan na lamang ang tanawin.
Maya-maya pa ay nakita ako nito at kumaway. "Jae! Andito ka na pala!"
YOU ARE READING
Lost Souls
ParanormalAfter the tragedy, Jaezelle woke up realizing that she can talk to dead souls that are visiting in her dreams and there she met Gabryle, a lost soul that is trying to remember his past. Published: April 25, 2020 Ended: