• 17 •

13 1 0
                                    

IKA-LABING PITO

Sabay kaming pumasok ni Tricia habang bitbit ang projects namin na isusubmit sa Accounting II.

"Bakit kasi magpapaproject ng ganito sa accounting?" sabi ni Tricia habang naghihintay kami ng taxi. "Ano connect nito?!"

Sumimangot pa siya dahil kailangan nyang magbitbit ng malaking box papunta sa school. Totoo naman bakit ganito papaproject sa amin?

Hinayaan ko na siyang magsisigaw at magpikon sa teacher namin sa subject na iyon.

Tumigil ang isang taxi sa harap namin at sumakay na kami dito.

Pagbaba namin sa Rafael National, Deretso na kami sa klase at naghintay na dumating ang adviser namin.

Biglang tumigil ang ingay ng klase at batuhan ng papel nang pumasok sa loob si Ms. Rafael. Lahat kami napatingin sa kanya dahil sa supresang pagbisita nito.

Nakangiti ito sa amin pero hindi lumalampas sa mata at halatang peke. Tumingin muna ito sa pakilid at huminga nang malalim.

"Okay, ABM." Panimula nito. "Good morning."

Bumati kami pabalik.

"I would like all of you to meet your new classmate." Biglang umingay ang paligid dahil sa gulat.

Second sem na,  new classmate?

Biglang pumasok ang isang binata, Napakunot ang noo ko at hindi na nagulat.

Kaya pala okay lang na new classmate.

"Introduce yourself." Sabi ni Mrs. Rafael dito.

"I'm Joshua Rafael, Former STEM." Ngumiti itong lahat sa amin.

Lahat ng kaklase namin ay ngumiti sa kanya at ang iba ay nagbulungan.

Nagkatinginan kami ni Tricia, Nagkibit balikat siya. Ibig sabihin, Wala siyang alam dito.

"Please take your seat." Utos ng nanay nya dito.

Tumingin ito sa paligid bago tumigil ang mata nito sa dako ko. Ngumiti ito sa akin at naglakad papunta sa likod ko.

Bakante nga pala ang upuan don. Bakit hindi ko naalala?

"Quiet." Lahat uli ng atensyon ay napunta sa babaeng nasa harap namin. "Please be good to him."

Tumingin muna ito sa akin, tumango at umalis na. Nagtaka naman ako sa inasal ng Dean, close ba kami?

Hindi pa dunating ang adviser namin hanggang matapos ang oras ng klase niya.

Biglang tumayo ang president ng klase at kinuha ang atensyon naming lahat.

"Wala raw klase buong hapon dahil may meeting ang mga teachers." Naghiyawan ang mga kaklase ko at pikon nanaman ang president namin dahil hindi sila nakikinig.

"TUMAHIMIK KAYO!" Kinalampag nito ang whiteboard kaya napatingin uli kami sa kanya.

"Respeto naman." banat pa ng Vice President namin.

Lost SoulsWhere stories live. Discover now