What if everything that is lost
can be found?IKA-LABING ANIM
Nakatulala pa rin ako hanggang ngayon habang si Tricia, humihilik na.
Hindi ko na nasabi sa kanya na nakita ko na ang laman ng folder.
Pumikit ako dahil sa lungkot?
takot?
Hindi ko alam.
Bigla kong naalala ang itsura niya habang nakatalikod sa akin.
Ang inosente niyang mukha.
"Jaezelle." Napamulat ako dahil narinig ko ang boses niya.
Malambing ito at nakangiti.
Biglang tumulo ang luha sa mata ko,
Hindi ko maintindihan.Bakit kailangan niyang mamatay?
Bakit hindi ka pa nakakarating sa panaginip ko?
Isang taon na ang nakakalipas, naliligaw ka pa rin ba?
Sa sobrang pagod ay nakatulog na rin ako. Pagmulat ko nakita ko ang mukha ni Gabryle.
Nakangiti ito nung una pero sumimangot din ito.
Kumunot ang noo at hinawakan ang balikat ko.
"Bakit mugto ang mata mo?" Tanong nito.
Iniwas ko ang mukha ko. "Hindi."
"Weh?" Pinilit nitong iharap ako sa kanya.
"Hindi nga" Tinulak ko ang mukha nito palayo at tumalikod.
Bernard.
Asan ka na ba?
Naramdaman ko ang braso ni Gabryle sa balikat ko, Tumingin ako sa kanya at nakangiti ito sa akin.
"'Wag mo akong tignan ng ganyan." sabi niya sa akin "Magkwento ka"
Inilipat nito ang tingin niya sa paligid.
Nag-buntong hininga ako at pumikit.
"I lost someone," Panguna ko "Without knowing that I lost him."
"He was my bestfriend." Ngumiti ako sa mga ala-ala na nakalimutan ko noon.
Halo-halo ang nararamdaman ko nang maalala ko si Bernard.
Masaya dahil alam kong naging masaya kaming dalawa.
Malungkot dahil alam kong hindi na mauulit ang masaya naming pagsasama.
Ikinwento ko kay Gabryle ang lahat. Mula sa panaginip ko sa bus hanggang sa folder na naglalaman ng mga pangalan nila.
Nakikinig siya sa bawat sinasabi ko at hindi nagtatanong.
YOU ARE READING
Lost Souls
ParanormalAfter the tragedy, Jaezelle woke up realizing that she can talk to dead souls that are visiting in her dreams and there she met Gabryle, a lost soul that is trying to remember his past. Published: April 25, 2020 Ended: