The ending of real love
is not death.IKAANIM
"Good morning, I'm Attorney Kurt John Diasanta" Ngumiti ito sa amin at tinignan ko lang siya.
"Please take your seat." Tinuro nito ang upuan sa harap ng lamesa niya.
Hinigit naman ako ni Tricia upang umupo. "Good morning Atty. Diasanta." bati nito sa kanya
"So, what can I do for you?" tanong nito sa amin.
Tinignan ko nang masinsinan ang binata sa harap namin, malaki ang ngiti niya at parang walang dinadalang problema.
Inilabas ko ang kwintas na pinabibigay ni Janella at inilapag ito sa lamesa niya. "Kilala mo ba ang may-ari ng kwintas na ito?"
Napatitig ang lalaki sa kwintas at nangingilig ang katawan nito. "Saan mo nakuha ang kwintas na yan?" Tanong nito sa akin.
"Kay Janella." Kumunot ang noo nito at biglang tumayo, hinampas nito ang lamesa at tumingin sa akin ng masama.
Nasan na ang kalmadong attorney na nakita namin kanina lamang?
"Niloloko mo ba ako, Miss?" Tanong nito sa akin.
"Nagpapakita siya sa panaginip mo, diba?" Biglang nanlumo si Kurt at napahawak sa sandalan ng upuan niya.
"Paano mo nalaman?" Tinitigan ko siya.
"Nagpakita siya sa panaginip ko kagabi lang at binigay niya ang kwintas na yan." Sagot ko dito, Kinuha niya ang kwintas at tinignan ito ng mabuti.
"Ako ang nagbigay sa kanya nito." Sabi pa nya.
"Alam ko." Napatingin siya sa akin at halata sa mukha niya ang lungkot.
"Gabi-gabi siyang nagpapakita sa panaginip ko, Hindi niya ako iniwan" Kwento pa niya "Sinasabi niya na hindi aksidente ang pagbangga ng sinasakyan namin"
"Tama ka. Gusto niyang bigyan ng katarungan ang pagkasira ng buhay nyong dalawa." Tinignan ko siya.
"Umalis na kayo." Tinaboy kami nito palabas pero hindi ako tumayo sa pagkakaupo ko. "Umalis na kayo!"
Dahil sa init ng ulo ko, tumayo na ako at sinamaan siya ng tingin. "Hindi ka manlang ba nagagalit sa pagkamatay ng girlfriend mo?" tanong ko sa kanya.
"Kung ayaw mong sumunod sa mga panaginip mo, bakit naging lawyer ka? Hindi ba dahil gusto mong malaman ang nangyari sa aksidente nyo isang taon ang nakakalipas? Dahil gusto mong mabulok sa kukungan ang may gawa ng lahat ng ito?" Lumapit ako sa kanya at tinuro ang puso niya.
"Dahil kahit anong mangyari, hindi nawala ang pagmamahal mo sa kanya." Tumingin ako sa kanya at nawala na ang galit nitong mukha, napaltan na ng sakit at mga luha.
"Dahil kahit buhay niya ang nawala, Hindi mo siya nakalimutan." Umurong ako ng konti at tinignan muli ang kwintas "At ganun din siya sayo."
Inakit ko na palabas ang kaibigan ko pero bago ako makalabas ay tinawag ako ni Kurt. "Miss."
Napatingin ako sa kanya at ngayon ay bumalik na ang kalmado niyang presensya.
YOU ARE READING
Lost Souls
ParanormalAfter the tragedy, Jaezelle woke up realizing that she can talk to dead souls that are visiting in her dreams and there she met Gabryle, a lost soul that is trying to remember his past. Published: April 25, 2020 Ended: