• 4 •

19 1 0
                                    

One day you'll find me
among all of those
you forgotten.
-NM

IKAAPAT

"Isang malaking himala!" Sinamaan ko ng tingin si Tricia dahil nakangisi pa ito sa harap ko "Sumama ka sakin."

Sabado ngayon at andito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa school namin.

"Wala rin naman akong gagawin sa bahay." sagot ko sa kanya

"Tuwang-tuwa siguro si tita kasi nakita ka niyang lumabas" Sinamaan ko siya ng tingin kaya't nanahimik na siya.

"Pinagtutulakan na nga ako palabas ng bahay dahil nagsabi ka raw sa kanya na lalabas tayo." Napangisi naman si Tricia.

Pinagmamasdan ko ang coffee shop na halos puno ng mga tao. Ang iba ay kasama ang kanilang mga kaibigan at ang iba ay nag-iisa lang habang may dalang mga laptop, free wifi kasi.

Hindi kaya naisip ng mga ito kung kailan sila mamamatay? Sabagay, death is not predictable baka one of these days, makita ko sila sa panaginip ko.

"Hoy Jae!" Napatingin ako sa kaharap ko at kita sa mukha niya ang pagtataka.

"Wag kang ngumisi dyan, hulaan ko pinapatay mo na sa isip mo ang mga tao dito." Tumawa pa ito ng pagkalakas-lakas kaya lahat ng tao ay napatingin samin. Bwisit. Nakakahiya.

Tinakpan ko ang bibig niya. "Tumahimik ka." Tumigil na ito sa pagtawa kaya't inalis ko na ang kamay ko sa mukha niya at hinayaan na sya.

Mas gusto ko pa na nasa bahay lang.

Napatingin ako sa bench katapat ng coffee shop at bigla kong naalala ang panaginip ko kagabi. Ibig sabihin nasa panaginip ko pa rin siya?

"Tricia." Napatigil sa pagtytype ang kaibigan ko tumingin sakin "May kilala kang Gabryle?"

Kumunot ang noo nito at napatingin sa taas. "Wala naman." Bigla itong napangiti at may malisyang tumingin sakin. "Bakit? Chix mo?"

"Gaga, Hindi." Binaling ko na lang ang tingin ko sa bench at napansin na may naka-upo na ditong matanda na may dalang aso.

"Eh bakit tinatanong mo? Client mo?" sunod-sunod na tanong nito.

"Wala, Wala." sagot ko "At tsaka sabi ko sayo diba wag mong tawaging client ang mga kaluluwa sa panaginip ko."

"Ano tatawag ko sa kanila? Zombies?" Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi ni Tricia.

"Gabryle." Nilapit ni Tricia ang mukha niya sa akin at naghihintay ng sasabihin ko. "Hindi ko alam kung ano siya pero nakita ko siya sa panaginip ko."

"Ha?" sabi nito

"Matagal na raw siyang naglalakbay sa mga panaginip." Napanga-nga si Tricia at litong-lito

"Patay na kaya siya?" tanong nito sa akin.

Nagkibit-balikat na lang ako bilang sagot dahil hindi ko rin alam.

"Wala siyang maalala." sagot ko sa kanya. "Kaya di ko rin alam kung saan ko siya hahanapin dito sa tunay na mundo."

"Hindi mo ba alam kung saan nanggaling yang kakayahanan mo?" tanong nito

Lost SoulsWhere stories live. Discover now