Deep inside, we all are lost souls.
IKATLO
Kanina pa nakatitig sakin si Tricia, pinagmamasdan nya ata yung mukha ko pero nakakainis na. "Ano?" tanong ko sa kanya.
"Laki ng eyebags mo ngayon, natulog ka ba?" Ngumiti siya dahil naasar nanaman niya ako.
Hindi ako nakatulog dahil sa nangyari kagabi. Pagkatapos ng kay Anne, may kasunod agad. Hindi naman ganun dati.
"Okay Class, Please go to your proper seat." Umupo na ng maayos si Tricia at nakinig sa teacher na nasa harap namin.
Wala ako sa katinuan ngayong araw dahil na rin sa antok na kanina ko pa nilalabanan. Simula first period hanggang last period ay nakatulala lang ako.
5 PM na, namalayan ko na lang na uwian na dahil nagsisitayuan ang mga kaklase ko sa kanilang mga upuan.
Agad na rin akong tumayo, hindi ko na pinansin si Tricia at dere-deretsong umuwi ng bahay upang matulog.
Binaba ko ang bag ko at agad na humiga sa kama.
Maya-maya ay dinala ako ng panaginip ko sa lugar kung saan naaksidente yung bata, Nakita ko siya at nilapitan ako nito.
Niyakap nito ang binti ko at unti-unti itong nawala kasama ng hangin. Kumusta na kaya ang nanay niya?
"Bakit biglang nawala yung bata?!" Nagulat ako sa isang sigaw ng binata. Napatingin ako sa kanya at masama itong tumingin sa akin. "Ikaw!" Tinuro pa nito ang mukha ko habang nakanguso. "Natakot sayo yung bata ano?!"
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Tanong ko dito. Nanlaki ang mata nito at lumayo sa akin ng konti. Ang weird ng isang 'to.
"Nawala kasi bigla yung bata, sabi ko kasi babalikan ko siya." Nag-uli pa ito sa paligid at tinatawag pa niya ang bata. "Albert!" Albert pala ang pangalan ng batang iyon.
"Bakit kilala mo siya?" Tanong ko dito, tumingin pa sya sakin at ngumiti.
"Pagpunta ko kasi dito, nag-iiyak ang batang yon." Lumapit siya sa akin "May hinihintay daw sya, ate niya." Nag-unat ito at tumingin muli sa akin "Nakita mo ba si Albert?"
Tumango ako bilang sagot.
"Talaga?!" Hinawakan nito ang balikat ko at pinilit akong iharap sa kanya. "Eh nasan na siya?" Luminga linga pa ito sa paligid.
"Wala na, Hinatid ko na sya." sagot ko
"Ah ikaw yung ate niya." Binitawan niya ako. "San mo hinatid? Dapat pala ako na ang naghatid sa kanya, Ilang oras din kaming naghintay dito para sayo" Ngumuso siya na parang nagpapaawa.
Napangiwi ako sa sinabi niya. Nakakapagtaka ang binata na ito. Hindi ba niya alam kung asan siya?
"Alam mo ba kung nasan ka?" tanong ko rito. Napatingin naman ito sa akin at tinaas ang kaliwa niyang kilay.
"Hindi, bakit?" Ngumiti pa ito.
Umiling ako "Nasa panaginip kita." sagot ko sa kanya.
Ilang segundo niya akong tinitigan ng bigla siyang tumawa. Sinamaan ko siya ng tingin kaya bigla siyang nanahimik.
"Sorry akala ko kasi nasa panaginip ako nung bata." Nagulat ako sa sinabi niya kaya lumingon ako sa kanya.
"Alam mong nasa panaginip ka?" Nagumiti ito at tumango.
"Oo naman, matagal tagal na rin akong naglalakbay sa mga panaginip." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ano?" tanong ko dito. "Isa ka bang kaluluwa?"
YOU ARE READING
Lost Souls
ParanormalAfter the tragedy, Jaezelle woke up realizing that she can talk to dead souls that are visiting in her dreams and there she met Gabryle, a lost soul that is trying to remember his past. Published: April 25, 2020 Ended: