• 15 •

12 1 0
                                    

IKA-LABING LIMA

Bumalik ako sa wisyo ng marinig ko ang bell ng eskwelahan namin. Napatingin ako sa paligid at lahat sila ay nag-uuwian na.

Maya-maya ay lumapit sa akin si Tricia at tinitigan ako. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kumusta? Maghapon kang tulala." Kumunot ang noo nito at hinawakan ang noo ko. "Di ka naman na nilalagnat."

Tinanggal ko ang kamay nya at lumingon sa field.

"Pumunta si Kuya kanina sa bahay." Sabi ko sa kanya.

Nanlaki ang mata niya at lumapit sa akin. "Ano sabi?" Tanong nya.

"May binigay siyang folder tapos umalis na." Sagot ko "May trabaho pa raw siya."

Kinuha niya ang bag ko at binuklat ang laman nito. "Asan?"

"Nasa bahay." Sagot ko.

"BAKIT DI MO DINALA?" Tumayo na ito.

"Di ko pa nga nababasa laman ng folder na yun eh." Sagot ko.

"Tara na sa inyo." Lalabas na kami nang bigla kaming sinalubong ng kaklase namin.

"Tricia, Kailangan ka raw sa student council." Humigpit ang hawak nito sa akin dahil sa dismaya.

Tinanggal ko ang paghahawak niya at tinulak sya ng marahan.

"Alis na." Sabi ko sa kanya.

Tinignan niya ako ng masama at tinaasan ko siya ng kilay. Sumimangot ito. "Maya na lang."

Pinanood ko siyang umalis papunta sa student council.

Naglakad na ako palabas ng school.

Uuwi na sana ako pero naalala ko na kailangan ko pang bumili ng materials para sa gagawin kong project kaya sumakay ako sa jeep na papunta sa mall.

Pagbaba ko, Agad akong pumasok sa mall. Biglang nagring ang cellphone ko, Kaya binuklat ko ito sa bag ko.

Nasan na ba yun?

Pagkahanap ko rito ay bigla akong nabangga sa isang binata kaya nabitawan ko ang phone.

Napasimangot ako kapag yun nabasag.

Pagkapulot ko nito ay napatingin ako sa lalaki.

Nagulat ako ng makilala ko ito.

"Jaezelle?" Napatingin ako sa kanya. Kumunot ang noo ko.

"Joshua?" Tinignan ko ang mga dala nito.  Isa itong supot galing sa isang book store.

"Ah." Napatingin ako sa kanya. "Home-schooling." sabi niya.

Tumango ako at maglalakad na sana nang bigla niya akong hawakan sa balikat.

Napatingin ako sa kanya at nakangiti ito.

"Ano?" Tanong ko sa kanya.

Lost SoulsWhere stories live. Discover now