• 5 •

20 1 0
                                    

When you walk a
life of honesty,
You live a
life of truth.
-Therese Benedict

IKALIMA

"Kailangan ko ng tulong nyo." Halata sa ngiti nito ang lungkot.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko dito "San ka namatay?"

Nagulat ito sa akin at lumapit "Pano mo nalaman na patay na ako?"

"Nasa panaginip kita at lahat ng nasa panaginip ko ay patay na." Ilang segundong nanahimik si Janella at tumingin kay Gabryle.

"Patay na din ba siya?" Tinuro nya ito at napakamot naman sa ulo ang binata.

"Ah, Siguro." Ngumiti na lang ito sa babae at sabay silang tumawa.

"Kailan ka namatay?" Natigil sila sa pagtatawanan at seryosong tumingin sakin.

"Isang taon na ang nakakalipas." Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Gabryle. Nakatitig lang ito sa dalaga at malamim ang iniisip.

"Bakit ngayon ka lang napadpad dito?" Tanong ko kay Janella.

"Binibisita ko lagi ang panaginip ng mahal ko." Bahid sa mukha nito ang lungkot. "Naiwan ko kasi siya sa tunay na mundo at hindi ko siya maiwan."

"Anong kailangan kong gawin?" Deretso kong tanong dito. "Baka matulungan kita."

Umaliwalas ang mukha nito sa sinabi ko, hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. "Kausapin mo siya para sa akin."

Kumunot ang noo ko at tinignan siya. "Alam mo ba kung asan sya? ang pangalan?" Tumango ito.

"Kurt. Kurt John." Sagot niya sa akin. "Sa katunayan ay nung isang araw ay nag-isang taon na ang pagkamatay ko."

"Noong isang araw lang din ako napadpad dito." Sabi ni Gabryle "Happy Death Anniversary hehe" Sinamaan ko sya ng tingin at nag-peace sign naman ito.

"Hahanapin ko siya pero kailangan mo muna ikwento sa akin ang pangyayari." Bumitaw naman ito sa akin at tumingin sa kanan kaya napatingin din kami.

"Dito nangyari ang pagkamatay ko." Ikinewento niya sa akin ang lahat ng nangyari, bago at matapos ang aksidente.

Naglakad-lakad kaming tatlo hanggang makarating kami sa plaza, Nagkwkwentuhan ang dalawa at ako naman ay nakikinig lang sa kanila.

"Hindi mo alam ang nangyari sayo?" Tanong ni Janella kay Gabriel.

"Hindi eh." Sagot ng binata "Nagtataka nga ako kung bakit."

"Ako rin" Nagtawanan sila muli at napairap na lang ako.

Ang ingay nilang dalawa.

"Jaezelle." Nilingon ko si Janella

"Anong oras ka magigising?" dagdag pa nito.

"Hindi ko alam." Sagot ko "Walang orasan sa panaginip kaya hindi ko alam kung anong oras ako magigising."

"Hinihintay niya lang na tumunog ang alarm clock niya." Sabi pa ni Gabryle

Lost SoulsWhere stories live. Discover now