Gazini P.O.VMag-iisang taon na kami dito Ni Diana Sa Japan Were Good friends na..para na ngang bestfriend ang turing namin sa isat-isa but Honestly for me Hindi Because I like Diana.. Hindi ko din akalain na mahuhulog ako sa kanya pero sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kanya? ang Bait niya maganda ,masipag, at caring si Diana...lahat nang hinahanap ko sa isang tao ay nasa kanya na..
"Tetsudatte itadakemasu ka?" (Can you help me?)
Nagluluto kasi siya nang adobo...nasa dorm kami actually magkatabi lang kami nang kwarto..pero palagi akung tumatambay sa room ni diana pag Free time namin
" Mochiron (Of course), Ano ba maitutulong ko Sayo?"
"Nasa baba kasi sila ni gino"
Ai Oo nga pala Dito pala mag Di-dinner yung dalawa
Naging close kuna din sila gino at kiara..
"Sure, ako nang Bababa.."
"Thanks Ga"
Ga..yung tawag niya sakin Short for Gazini daw..
Hehe..sweet nga ehh.. Love or mahal kasi yung meaning ng Ga/Gah sa Bisaya at Ilonggo..😊Pagbalik ko sa room Ni Diana ay naka handa na yung hapunan namin..
"Wow Adobo...Hmm ang bango"
Sabi naman Gino ...dali-dali naman siyang umupo sa may lamesa.. natawa nalang ako sa kakulitan ni Gino..
"Nasaan naba si diana? Gutom na ako"
Nakita ko naman na papalapit na si diana galing sa kwarto niya kaya ngumuso ako .. tiningnan naman siya ni gino ..
"Oi, ayan na pala best friend ko...wait lang"
Tumayo naman siya at pina talikod then pinaharap si diana..
"Parang Blooming ka ata ngayon diana ah"
Napa-iling nalang si Kiara sa kakulitan ng Boyfriend niya..
"Sos! Binula mo pa ako! Kumain na nga tayo"
"Cge" sagot naman niya
Magkatabi si gino at Diana..
Kaharap naman ni gino si kiara at ako naman kaharap ko si diana..
Kinikilig naman ako kasi para kaming nag Double date ngayon..
"Ngapala D.—-
Na bitawan naman ni diana yung Chopstick niya..
Ayaw niya kasing tinatawag siya na D..kasi naalala niya si Franki.. yes alam kuna din kung ano yung papel ni Franki sa buhay ni Diana..
"Ay sorry I mean Diana"
Sabi naman ni kiara.., ngumiti lang din naman si diana sa kanya..
"It's okay, so ano nga yung sasabihin mo?"
"Pagkatapus nang dinner natin mag Bar tayo, watashi no ogori desu (My Treat)"
"Okay" sagot naman ni diana..
napansin ko naman na Hindi siya masyadong kumakain kaya nilalagyan ko yung pinggan niya nang ulam
"Kain kapa Diana" tumango naman siya sakin..
"Hayy, salamat naman Gaz at andito ka para Alagaan ang Best friend ko..."
Ngumiti naman ako sa sinabi ni Gino...————————————————
Diana P.O.V
Hindi ako makapaniwala na malalagpasan ko yung Isang taon dito sa Japan okay naman dito sa school namin at Mas naging okay kasi Andito Si Gazini...
Ang Bago kung Best friend..
Andito kami ngayon sa Bar Malapit lang naman sa Dorm namin..libre ni Kiara wala namang occasion..
Ganito lang talaga kami kapag free time namin..
Umiinom nadin ako pero sakto lang.. mababa kasi alcohol tolerance ko.."Kanpai (cheers)"
sabi naman ni Gino na halatang lasing na..ako hindi ko inuubos yung laman nang baso ko kasi pag inubos mo yung laman nang baso mo lalagyan ulit nila nang laman dito kasi sa japan pag-wala nang laman yung baso mo ibig sabihin noon gusto mo pa or mag papadagdag kapa...
"Lovie...I-I love you lovie"
Sabi naman ni gino kay kiara ..nag kiss naman sila sa harapan namin ni Ga..nilayo ko nalang yung tingin ko sa ibang direction.. May na alala kasi ako
"Hey guys Get a Room" sabi naman ni Ga...
Tumatawa-tawa naman yung dalawa...lasing na nga sila..
"Ga...mabuti pa umuwi na tayo..lasing na sila"
"Sige ihatid muna natin tung dalawa"
Hinatid nga namin yung dalawa sa bahay nila kiara
Pinag buksan naman kami nang Father niya..
"Konbanwa chichi( good evening Dad)"
Dad din kasi ang gusto niyang itawag namin sa kanya..
"Konbanwa diana, Ohh my Is Gino and Kiara are Drunk?"
"Hai, Chichi (yes, Dad)"
"Haitte Kudasi (come in please)"
Pagkatapus ma pasok namin sina gino at kiara sa kwarto nila ay nagpa-alam na kami sa Daddy ni kiara..
"Arigato! (thank you) Diana"
"Dou itashimashite chichi (your welcome Dad)"Pagkatapus maihatid ang dalawa ay Bumalik na kami ni Gazini sa kanya kanya naming Room..
Mag-iisang taon na pero wala parin akung balita sa Kanya..pumunta din si Papa Sa US pero wala na sila ni tita Eula doon at bininta nadin niya yung company nila papa...wala nadin balita si papa kung saan sila Ngayon ni tita Eula at Franki..
Magkikita pa din tayo ulit Franki alam ko at nararamdaman ko...
Nakatulog na naman ako na umiiyak at yakap-yakap ang damit ni Franki...Kinaumagahan ay Maaga akung nagising at Nag Gym , ganito ang Ginagawa ko tuwing Sunday...pagkatapus mag Gym ay bumalik na ako Sa Dorm Pag pasok ko Nasa sala na Si Gazini naka upo..
"Ang Daya mo, hindi mo ako sinama"
Dumiretso naman ako sa reef at kumuha nang tubig...
"Akala ko kasi nauna kana, sorry"
"Okay..lang basta sa susunod huh? Sabihan mo naman ako.."
I nod to her at dumeretso na nang veranda para magpahangin naka Leggings at naka sports bra padin ako..
Lumapit naman siya sakin at umupo sa tabi ko...
"6months nalang uuwi na tayo nang pinas Ano ba Plano mo?"
Oo nga 6months nalang at makakauwi nadin ako..
Miss kuna si mama at papa..
"Gusto kung palaguhin yung Mac Resto"
"I have a plan mag tayo kaya tayo nang Business natin Partners tayo, yung Japanese cuisine naman diba?"
Napa-isip naman ako sa sinabi ni Gazini...
"Hmm..pwedi. Ano naman yung ipapangalan natin?"
"M&G Resto"
"Pwedi naman..Sige pag uwi natin pa-planohin natin yan, maliligo muna ako"
"Oo nga..maligo kana amoy pawis kana"
Inamoy ko naman yung sarili ko...
"Hindi ahh ohh amuyin mo, hindi kaya"
Itinaas ko naman yung kili-kili ko at pina-amoy sa kanya tinakpan naman niya nang palad niya yung ilong at bibig niya..
"Hmmm...Diana!"
Bigla naman siyang tumakbo papuntang sala hinabol ko naman siya...
"Hindi nga amoyin mo kasi"
Paglapit ko ay nahawakan ko yung bewang niya kaya lang natumba si gazini natumba din ako nakapatong ako sa ibabaw niya..Bigla naman akung tumayo at pinatayo din siya..
"Hehe maliligo na nga ako, parang amoy pawis na nga hehe" 😄
Dumritso naman ako nang banyo napansin ko kanina yung pulang-pula yung mukha ni Gazini..
Kaya napapangiti at napapailing nalang ako..
Hayy..Diana hinabol mo pa kasi, ayan tuloy...
Baka kung anung isipin nung tao..
saway ko naman sa sarili ko...
BINABASA MO ANG
Be with You 💓
FanfictionThis is a Girl to Girl Story... Inspired by Frakiana💓 This story is about Love, friendship and Family 🌈 🌈 🌈