Kidnapping

142 5 0
                                    


Franki P.O.V

Pag labas namin Ng Mac Resto ay nakita pa Namin ni gazini na sinakay si Kuya At Si Diana sa isang itim na Van...
"Diana!!!! kuya!!!" Sigaw ko pero umalis na ang Van..
"Sam!!! Diana!!" Sigaw naman ni Gazini...
"Puntahan natin si Tita Alice" tumakbo naman kami Papunta sa Kusina pero wala doon si tita Alice..nagtataka naman ang mga tao doon..
Pumunta naman kami sa Office ni diana..at nandoon nga si tita Alice..
"Mama!"
"Tita!" Sabay pa kami ni Gazini...
"Oh..bakit?" Nagulat naman si tita Alice..
"Mama..si Diana po at si kuya kinidnap"
"Ano?!!! Bakit naman ?? Sino namang gagawa noon?!"
Hindi kuna napigilan ang sarili ko na umiyak..
"Hindi po namin alam tita nakita nalang po namin na sinakay sila sa Itim na Van at walang malay si diana."
"Diyos ko...wag nyo pong pababayaan ang mga anak ko..tara samahan niyo ako ireport natin to sa Mga police...

~~~~~~~~~~~~~~~

Matapus kaming mag salaysay sa mga police ay sumama naman sila Sa Mac Resto at tiningnan namin Ang CCTV..nakita namin na hinampas si kuya sa Ulo..sinuntok pa ni diana yung lalaki pero May isa pa sa likod niya at nilagyan ng Panyo ang Kanyang ilong kaya siya nawalan ng malay...
Mas lalo akong umiiyak sa nakita ko..
Lord please ingatan mo po sila..hindi ko pa po nasasabi kay Diana na mahal ko siya...
"Ma'am mayron ho ba kayong may na alalala na nakalaitan o naaway po ninyo" tanung nung pulis
"Wala naman po Sir" sabi naman ni Mama..
Naalala ko naman yung Van na tumigil sa Harap ng Bahay namin..kaninang umaga ..
"Officer yung Van po Parang familiar siya"
"Saan mo naman ito nakita maam?"
"Kaninang umaga Pagkatapus mag jog while on my way pabalik ng bahay namin ay nakita ko yung Van na itim na nakaparada sa Gate namin May bumabang lalaki na maraming tattoo at itinuro yung bahay namin"
"Sinusundan nila kayo...Ibig sabihin kayo talaga ang pakay niya, at hindi ang anak ni Mrs. Mackey May alam kaba kung may nakaaway ang mommy mo?"
"Wala po, pero hindi ko po ma Contact ang mommy nasa US po siya ngayon"
"Please sir Gawin niyo po lahat para maligtas yung mga Bata" sabi naman ni mama Alice..
"Wag po kayong mag alala maam ginagawa na po ng mga tauhan ko ang lahat para ma Tukoy po yung mga kidnappers."

——————————————

Diana P.O.V

"Yan ba ang mga anak niya?"
Dinig kung sabi ng isang Lalaki...
Minulat ko naman yung mga mata ko..
Nakatali kami ni sam habang naka upo..nakita ko naman yung Ulo ni sam ay Duguan kaya Nagulat ako..
"Hmm..Hmm" yinuyog-yog ko yung upoan namin...ginising ko si sam pero hindi siya nagising May tape din kami Sa bibig..
"Boss gising napo yung Babae" sabi naman nung lalaki na sinuntok ko kanina..
Lumapit naman yung Tinawag nya na boss...
Matangkad ito..at ang buhok ay hanggang balikat..
May bigote at matangos din ang ilong nya
(Roi Vinzon)

"Hindi ko kayo papatayin basta ibalik lang ng Mommy mo ang Pera ko!"
Sabi niya...napaisip naman ako may inutangan ba si mommy parang wala naman..kaya kumunot yung noo ko..
"Tanggalin mo ang tape niya" utos naman niya Doon sa lalaking sinuntok ko medyo takot pa siyang lumapit sa akin..binatukan naman siya ng boss niya
"Bilisan mo!"
Kinuha naman niya yung tape na nasa labi ko..
Maya-maya nagising naman si Sam
"Hmmm" ginagalaw-galaw pa niya yung ulo niya..tumingin naman siya sakin...
"Hmmm?" Nagtaka naman siya..ng nakita niya ako
"Hoy tawagan mo ang mommy mo!" Sabi naman nung leader nila..
"Mag-magkano ba ang utang ng mama ko?"
"200million!!! Pagkatapus niya akung utangan ay hindi na siya nag pakita!!"
200 million??? Ano namang ginawa ni mommy sa ganoong kalaking pera..?
"Hmmm!!! hmmm!!" Sabi naman ni Sam..
"Tumahimik ka!!" Sabi nung Boss ..
Pinadial ko naman sa kanya ang number ni mama...
Sinagot naman ni mama yung phone niya..
"Mama" yon lang ang nasabi ko ..
"Diana anak? Nasaan ka? Okay kalang ba? Wag kang mag alala na track na kayo ng mga pulis..paparating na sila jan..
"Ano?! Kausapin mo!! Sabihin mo ibalik yung pera ko!" Sabi naman nung boss
Pero hindi ako nag salita..
"Ako na ngalang!! Hello Eula!!! Ibalik mo ang Pera ko kung hindi Papatayin ko ang mga anak mo!" At pinatay na niya yung Phone...
Eula?? Ibig sabihin si tita Eula ang pakay niya? At akala niya anak ako ni tita Eula? So si franki dapat yung kinidnap? Buti nalang pala at ako yung kasama ni Sam kung nagkataon na si Franki yung Andito hindi ko Makakaya!! Sabi ko sa isip ko..
"Hmm!! Hmmmm!!" Pumipiglas na si sam Sa kina- uupuan niya..

"Kunin mo nga tape niyan may gustong sabihin ehh"
Sabi naman nung boss..sumunod naman yung tauhan niya..
"Bakit mo sya dinamay dito ehh hindi ko naman siya kapatid!!" Sabi ni sam
"Hindi mo siya kapatid?? So hindi siya anak ni Eula?!!" Tumingin naman yung boss sa mga tauhan niya ..yumuko lang ang mga ito nilapitan niya ang mga ito at isa-isang sinuntok
"Ang tatanga niyo!!!"
Napatingin naman ako sa May Gate ng Bodega kung saan kami Tinago May nakita akung pulis na Lumalapit but he signed quite...yung hintuturo niya nilagay niya sa Labi niya..
Nagka tinginan Naman kami ni Sam..nakita niya din pala..
"Hoy!!!" Sigaw naman ni Papa?? Bakit siya andito..?
Lumingon naman sa kanya ang mga kidnappers..
"Andito na yung pera mo!! Ibigay mo na sa akin ang mga anak ko!!"
Tumawa naman yung boss nila...
"Hahaha madali akung kausap !! Kalagan ang mga yan!"
Kinalagan naman kami ni sam..lumapit naman kami kay papa..
"Akin na yung pera..!!"
"palapitin mo muna sakin ang mga anak ko saka ko ihahagis ang Pera!! Nag iisa lang naman ako kaya di ko kayo tatakbuhan"
"Hahaha wais pero sige!! Payag ako.." pinapunta naman niya kami kay papa at saka kinuha yung briefcase na dala ni papa..
"Papa" "uncle Ian" sabay pa namin na sabi ni Sam ng makalapit kami kay papa..
"Ligtas na kayo."

Pag talikod nung lalaking kumuha nag briefcase ay saka naman nag labasan yung mga pulis..
"Sumuko na kayo napapaligiran namin kayo!!"
Tumakbo naman kami agad pero pinaputok nung leader ang baril niya papunta sa amin tinakpan ko naman si Papa...
Para namang may mainit na tumama sa tagiliran ko pag hawak ko ay may nakita akung dugo..nakita ko pa na nabaril nung pulis yung leader saka ako nawalan ng Malay...

Be with You 💓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon