Chapter 4
Crush
The next days passed like a blur. Sobrang abala namin para sa requirements para sa finals. Ang daming assignments at projects kaya hindi ko na namalayan ang bilis ng panahon. But one thing is very much different. And that is how I am now very aware of Rigo’s presence.Mula noong nagkausap kami sa gym, mas madalas ko na syang makita sa school. Sa corridors, sa library, sa study benches, sa cafeteria, sa quadrangle. Kahit saan. Basta nadoon sya, madali na syang mahanap ng mata ko.
At tuwing makikita ko sya. Parang palagi syang naghihintay na salubungin ang mga mata ko. A small smile will always play on his lips whenever our eyes will meet. And the more it happens, the more my heart beats louder. The more I feel a tingling sensation from my fingers to my toes.
“Hoy Mavi! Are you even listening?!” Kia’s nagging voice made me break my eye contact with Rigo.
“Ha?” wala sa sarili kong tanong.
Palaging ganito. Para kaming may unspoken contest kung sino ang unang mag iiwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit pero parang lumulundag ang puso ko kapag nangyayari yon. Nagkataon kasing nakasabay namin sila ngayon sa cafeteria at pinili talaga nya ang upuang katapat ng sa akin, ilang lamesa ang layo.“Napapadalas ang pag space out mo baby girl. Minamaltrato ka ba ni Tita Elena mo?” nag- aalalang tanong ni Sammie.
Napasulyap ako kay Rigo bago sumagot kay Sammie at nakita kong nakangiti siya habang pinaglalaruan ang straw ng kanyang inumin. Napaisip ako kung mas gusto ko bang nakangiti sya o kung seryoso? Hindi ako makapili dahil gwapo pa rin sya kahit alin sa dalawa.
“H-hindi ah! Grabe ka naman Sammie. Hindi naman ganoon si Tita.” Pagtatanggol ko.“Anyway, since di ka naglilisten kanina, I will repeat myself! Nakakainis talaga ang group nila Empress! They say galit sila sayo because sayo pinili ni Cody humingi ng yellow paper para sa quiz when Empress already offered! For a sheet of Paper they are hating on you! Like hindi pa ba obvious na mas like ka ng boys sa room instead of her? You’re way prettier kaya!” Si Kia na umiirap pa sa sobrang inis.
“Galit sila sa akin? Bakit? Crush ba ni Empress si Cody?” Inosenteng tanong ko.
Hindi kasi ako nagtatanong sa mga kaklase tungkol sa mga ganyang bagay dahil bukod sa wala akong alam doon, sa tingin ko nakakahiya na malaman ng iba kapag may crush ka. At isa pa hindi ako naniniwalang crush ako ng mga kaklase dahil tingin ko nga ayaw nila sa akin dahil hindi ako kinakausap madalas.
“Girl! Halos lahat ng babae si Cody ang crush sa classroom! Pero pag labas iba na ulit ang crush. Mga cheater!” Gigil pang dagdag ni Sammie.
“Isa lang ba dapat ang crush? Hindi ba Kia crush mo si Red sa classroom at si Drew sa kabilang section?” Tanong ko.
Agad tinakpan ni ni Kia ang bibig ko.
“What the?! Don’t say it out loud, Mavi! Mamaya other girls will hear you and they tell the boys! Secret yon!”Bumunghalit ng tawa si Sammie.
“Nakakaloka para tayong may alagang elementary. Hindi ka pa ba nagkakacrush Mav?!”Agad akong kinabahan sa tanong ni Sammie. Hindi ko alam kung bakit pero agad bumaling ang tingin ko kay Rigo na nakikipagkwentuhan na sa mga kasama ngayon.
“Sino naman maging crush nyan Sammie? Yung figurines ng boys sa mansion nila? Ikaw nga lang friend nya sa boys tapos you’re gay pa!”
Tama naman si Kia. Wala akong kaibigan sa boys. Si Rigo ba kaibigan ko?Magkaibigan nga ba kami?
“Ano bang pakiramdam kapag crush mo ang isang tao?” Lakas loob kong tanong sa kanila.
BINABASA MO ANG
If I Didn't Break Your Heart
RomanceThis is a story of a love that conquered and lost.