Chapter 6
Challenge
Bumalik na sa normal ang buhay ko nang matapos kami sa final issue ng Gazette para sa taong ito. Dalawang beses kasi ang issue ng school magazine. Tuwing opening ng school year at bago mag finals. In my case, contributor pa lang ako dahil sa bagong member pa lang. Wala pa akong sariling column.
Masaya kong binasa ang bagong print na magazine. Iuuwi ko ito para mabasa ni Tita Elena ang ilang feature articles na gawa ko. Isa dito ay book review na requested ng mga estudyante. Iyon ang assign sa akin at isang article tungkol sa social media addiction ng mga teenagers.
Gusto ko mang magfocus sa mga articles na ginawa ko, mas nakuha ang atensyon ko ng article na para sa championship game ng basketball team.
Naroon ang kuhang litrato sa buong team noong mismong araw ng game. Suot ang kanilang uniform pati ang varsity jacket nila. Hindi ko maiwasang mapatitig kay Rigo na nakapwesto sa gitna, hawak ang bola at suot ang jacket na ibinalik ko sa kanya.
I sighed. Normal pa ba ito? Kahit sa picture niya lang lumalakas ang tibok ng puso ko.
“HOY ANO YAN?!” Biglang agaw ni Sammie sa magazine na hawak ko. Mukhang nakabalik na sila ni Kia mula sa library. Hindi ako sumama sa kanila dahil pumunta ako sa office ng Gazette para kumuha ng copy ng magazine. Mauuna kasing mabigyan ang writers bago ang buong school.
“Asuuuuus dalaga na si Mavi namin! Nagsstalk na sa crush nya!” Panunukso sa akin ni Kia. Tinusok pa ang pisngi ko.
Hindi ako nakapagsalita dahil huling huli nilang nandoon sa page ng litrato ng basketball team nakabukas ang magazine ko.“B-binabasa ko lang yung article.” Pagtatanggol ko sa sarili.
“Ikaw ha! Aagawan mo pa ako kay Rigo! Pero okay lang. Give ko na sayo kasi bestfriend kita.” Si Sammie habang tinititigan din ang basketball team.
Mabuti na lang at kaming tatlo pa lang ang narito sa classroom at hindi pa nakakabalik ang ibang kaklase galing sa lunch. Kung hindi nakakahiya. Ang lakas pa naman ng boses ng dalawa.“Wow parang property mo naman si Rigo for you to give permission! So delusional naman Sammie! Besides mukha namang hindi mabbroken itong baby girl natin. Galing pumili Mavi. So gwapo!” Kia winked at me.
Alam na nila. Hindi na ako makatanggi because that would be lying. And I never lie.
Nang magdismissal ay naiwan akong muli sa school para sa huling meeting ng Gazette. Ngayon mag-a-assign ng kanya kanyang topics na isusulat namin ngayong bakasyon. Finals na next week kaya kailangan na naming mag aral sa mga susunod na araw at hindi na pwedeng sumabay ang mga meeting na ganito.
Kailangang magawa ang articles ngayong summer vacation para editing na lang pagdating ng simula ng school year. Kailangan kasi mairelease ang bagong issue 1 month after the school year begins.
Nagtaka ako nang hindi makita ang pangalan sa mga nabigyan ng topics na kailangang isulat. Nalungkot ako dahil baka hindi nila nagustuhan ang articles ko kaya hndi na lang muna nag assign ng para sa akin.
Siguro gagalingan ko na lang sa susunod na mabigyan ako. Bigo akong tumayo nang ma dismiss kami ng adviser ng school magazine na si Ma’am Florencio.
“Mavi?” Tawag nya sa akin nang mailigpit ko ang mga gamit ko.“Po?” agad akong umapit sa lamesa nya sa harap ng classroom.
“Nagtataka ka siguro dahil sa wala ang pangalan mo sa mga nabigyan ng topics for the first issue next school year.” she smiled.
Ma’am Florencio has always been kind to me. Sya ang English teacher ng Grade 9 and 10.
“Ayos lang po. Gagalingan ko na lang po sa susunod na mabigyan ulit ng pagkakataon na makapagsulat para sa magazine.” Nakangiti kong sabi sa kanya na ikinagulat nya.
BINABASA MO ANG
If I Didn't Break Your Heart
RomanceThis is a story of a love that conquered and lost.