Chapter 8
Captain
That first jog with him led to another, and another and another. Until mornings of summer weekdays had a new meaning in my brain.
Apparently, Rigo lives in the village next to ours. Noong una ay siya ang pumunta sa village namin para doon kami tumakbo. Pero nang makailang beses ay tinanong niya ako kung gusto ko naman ng ibang view kaya pumayag akong sa village naman nila dahil malapit lang naman.
The first few jogging days were a disaster. Hindi ako fit na tao at halos walang physical activity dahil hindi naman madalas lumabas. I was slowing him down but he is really patient with me. He adjusted his pace so I can keep up with him. Hanggang sa masanay na rin ang katawan ko sa dalawang linggong pag jog namin kaya ngayon, medyo mabilis na ako at hindi na kaagad napapagod.
Rigo: What are you doing?
Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga sa kama nang mabasa ang chat ni Rigo. Madalas na rin naman kaming mag message sa isa’t-isa lalo na dahil araw-araw na rin kaming halos magkasama sa loob ng dalawang linggo. Kahit paano nagiging komportable na ako sa kanya pero hindi pa rin mawala ang kaba ko kapag kausap sya.
Me: Reading
We didn’t see each other today dahil Sabado. Ngayon ay katatapos ko lang kumain ng dinner at nagbabasa ng ilang basketball articles sa internet para mas maintindihan ang sport.
Muntik ko nang mabitiwan ang cellphone nang bigla itong mag ring dahil sa video call ni Rigo. He never calls. Palagi ay messages lang ang pag uusap namin. Granted that he is always the one to message me first dahil nahihiya akong mag message sa kanya, but still, this is a first which made me tremble with nerves.
Ilang ring akong nakatulala bago nakagalaw para sagutin.
Rigo’s smiling face came into view. Mukhang nasa labas dahil kita ang langit at ilang halaman sa background.
“Hi. Is it a bad time to call? You look startled.” Natatawang sabi nya.
Napangiti na lang din ako sa sariling katangahan. I look like a mess with my uncombed hair and all but this guy has already seen me sweaty and haggard when we jog together. No need to feel self conscious.
“Sorry. Nagulat ako sa tawag mo. Ito kasi ang unang beses.” Paliwanag ko na nagpangiti lalo sa kanya.
“May practice game kami bukas sa school. Kalaban ang mga senior high. I was thinking that you should come? You need that right? For the article?”
Ito ang unang beses na training ng basketball team mula nang mag summer vacation. Mukhang magsismula na ulit silang mag train dahil ang sabi ni Rigo, twice a week ang training nila kung bakasyon.
Si Kuya Edgar pa rin ang naghatid sa akin sa school kinabukasan. Rigo is waiting by the entrance for me.
“Good morning po Kuya.” Bati niya kay Kuya Edgar nang makababa ako ng sasakyan.
Naging close na rin ang dalawa dahil madalas akong sunduin at ihatid ni Kuya Egdar sa village nina Rigo kung doon kami magjojogging.
“Rigo ikaw na ang bahala rito kay Mavi ha.” Bilin nya. Nagpaalam kasi ito na sya na ang maghahatid sa akin pauwi pagkatapos ng practice nila dahil sinusundo rin naman siya ng kanilang driver.
“Wala pong problema.”
Nang makarating kami sa gym ay halos nandoon na rin ang iba at hinihintay na lang si Coach Jed. Alam naman nito na sasama ako sa practice.
Si Rigo na ang bagong captain kaya siya na ang magpapawarm up sa mga kateam.
It must have been a spectacle for them to see me there with Rigo dahil hindi naman madalas payagan na may manood sa mga training nila. Halatang walang alam ang ibang players na kasama ako ngayon. Ang mga senior high naman ay may sariling mundo sa kabilang side na benches.
“Mavi!” Cody jogged towards me when he saw me. Kasali na nga pala siya at ibang grade 7 na nakapasok sa team.
“50 LAPS!” sigaw ni Rigo bago pa man makalapit sa akin si Cody. Agad luminya lahat ng players at nagsimulang tumakbo. Cody just smiled apologetically at me and I waved at him kasama na rin ang ilang kakilalang kaklase na nasa team.
Rigo’s demeanor completely changed. He looks so serious. Ibang iba sa Rigo na kasama ko nitong mga nakaraang araw.
“Will you be okay here?” His voice still sounded gentle when he led me to one of the benches even with the serious look in his eyes. This is the Rigo I usually see in school. Tahimik at madalas nakikinig lang sa mga kaibigan. Palagi ay seryoso at mukhang hindi namamansin.
“Ayos na ako rito.”
Nagpaalam na siya at sumama na sa mg kateam na tumatakbo. Nang dumating si coach ay nagsimula ang laro.It was brutal, I tell you. Pagod rin ang kabilang team pero mas batak ang team nina Rigo dahil sa higpit ni Coach Jed.
Mukhang mas mahirap ang training nila kaysa sa mismong game laban sa ibang school.Ipinakilala ako ni Coach Jed sa team nang matapos ang laro at binanggit na makakasama ako lagi sa mga trainings ngayong bakasyon. Isang bagay na hindi ko inaasahan kaya lalo akong nahiya.
“Nice! May muse na pala tayo eh!” Biro ng isang player na hindi ko alam ang pangalan.
“Villegas, she’s here for her article not to parade for the team.” Rigo said.
Naiwan akong mag-isa nang umalis ang players para mag shower.
“I’m glad it’s you they chose to write the article. Kung iba ay baka maging malaking distraction lang sa mga players ko because a lot of girls your age like to flirt around them.” Si Coach Jed na tinabihan ako sa bench na inuupuan.
“Salamat po.” I was flattered. At lalong hindi alam ang sasabihin matapos kong marinig iyon.
“Rigo is a very dedicated player. It is more than just a game to him. More than the sport, he loves it. He genuinely loves basketball. It is his priority above all else. Kay hindi ako nagdalawang isip na gawin siyang captain ng team kahit na maraming players ang mas matanda sa kanya.”
Ang mga salitang yon ang tumatak sa isip ko habang nagrereplay sa utak ko ang laro kanina. He’s so different inside the court. Focused and always calculating his next move.
Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa sarili kung sino ang Rigo na mas gusto kong makita. Ang seryosong Rigo ba sa loob ng court? Or is it the carefree Rigo who is willing to slow himself down just so I can catch up with him when he is with me?
….………………………………………………………………………
“Why do you love it so much? Anong meron ang basketball na hindi mo makikita sa ibang sport? Bakit sa lahat yun ang pinili mo?”Palagi kong iniisip kung ano ang gusto kong itanong kay Rigo mula nang magsimula kami para sa article.
Coach Jed was right. Sa mahigit isang buwan kong pagsama sa kanya, everything he did inside and outside the court is for the game. His dedication to become better at it and deserving to be in this position in the team is beyond my grasp.
I always wonder what it would feel like to be passionate about something. To be motivated by the love I feel for something I really want to do.
“I would never love any sport the way I love basketball, Marionne. Basketball will always be it for me because playing the game and being good at it is the only consolation I can give my dad. It is the only connection I have with him.” That was his answer habang nagpapahinga kami sa playground ng village nila.
Nabanggit na sa akin ni Rigo noon pa man na ang daddy niya ang nagturo sa kanyang maglaro. Pero hindi niya nasabi na wala na pala ito. Halos hindi na daw niya maalala kung ilang taon siya nang turuan ng daddy niya. Halos hindi pa raw siya nakakalakad, nanonood na sila ng basketball nito for as long as he could remember.
Rigo’s dad died when he was 10 at the age of 40. His dad has always been his captain in his head.
BINABASA MO ANG
If I Didn't Break Your Heart
RomanceThis is a story of a love that conquered and lost.