Chapter 11
Jerk
Kæreste
It’s a Danish word that means “dearest”.
Ito ang salitang makikita sa repleksyon ng nga ilaw sa kisame ng kwarto ko. Mula ito sa galaxy lamp na regalo ni Rigo noong birthday ko last February 3. In the middle of the stars enveloped in blue, violet and pink lights, this word is reflected in beautiful calligraphy.
Kung patay na ang ilaw at itong lamp na lang bukas, palagi ay nakatitig ako sa salitang yan bago tuluyang hilahin ng antok.
It’s so beautiful. It made me feel like my bubble head figurine of him in his basketball uniform that I gifted him for his birthday this new year is nothing but crap.
Though he posted a photo of my gift sitting on his bedside table, pakiramdam ko pa rin na sobrang mas pinaghandaan niya ang regalo para sa akin.
Hindi ko napigilan ang sarili na kuhanan ng picture ang kwarto habang nakabukas ang lamp mula sa pagkakahiga ko sa aking kama. I posted it just to show Rigo how much I appreciate his gift.
I love it so much. Thank you.
The moment I posted it, parang gusto ko ng burahin ulit sa kahihiyan dahil sa pinagsasabi ni Sammie at Kia sa comments. Kahit hindi naman nakatag si Rigo sa post ay alam kong nakikita niya ang mga iyon!
Samuel Ephraim Morales: Eh yung nagbigay love mo din? 😁😂
Kiandra Felisse Ruegor: Ayiiiiiie I am so kilig! Dearest Mavi!!!
Wala akong nireplyan sa kanila dahil ayoko nang gatungan pa ang pang aasar nila. Baka lalong lumala ang mga sabihin nila at wala na kong maiharap na mukha kay Rigo.
Parang hangin lumipas ang mga araw. It was a back to back championship for St. Claire’s basketball team and I couldn’t be more proud. And just like that, we’re grade 9 and Rigo is in his last year of junior high.
“Theo is looking at you again. Aren’t you creeped out yet Mavi?” bulong ni Kia habang nasa study hall kami para sa isang outdoor activity na pinapagawa ng aming teacher.
Napa angat ang mata ko mula sa sinusulat sa notebook at tumingin sa kabilang lamesa kung nasaan ang transferee na bagong kaklase.
He smirked when I caught his eye. Tipid akong ngumiti pabalik. Ayokong maisip niyang nagsusuplada ako dahil wala naman siyang ginagawa sa akin.“Baka naman napatingin lang.” dipensa ko.
“Alam mo nakakaloka yang si Theodore no? Parang may vibes na leader ng mga gang! Sabi ng source ko nakick out daw iyan sa dating school dahil nanuntok ng teacher! Teacher! Nakakatakot! Ano pa ako e bakla lang naman ako! Gwapo sana ang kaso parang biglang mananapak ang datingan.” Si Sammie na mukhang nag background check na naman.
Madalas mapagalitan ng teachers si Theo dahil sa pagtulog sa klase. Kung hindi naman ito tulog, sobrang ingay nitong nakikipagkwentuhan at biruan sa katabi. Sa sobrang inis ng class adviser namin sa kanya, inilipat siya ng upuan sa pinakang sulok ng classroom malapit sa bintana. Which happens to be a seat next to mine.
Halos lumuwa ang mata ni Kia kakalingon sa akin nang palipatin ng teacher si Theo. Ayaw niya talaga dito. Pati si Sam, hindi rin ito masyadong gusto. Sa dalawang buwan ng school year, ni minsan hindi ko pa siya nakausap kaya ayoko sanang agad husgahan.
“Sandoval, pahiram ng ballpen.” Those were his first words to me matapos niyang mapalipat sa tabi ko halos dalawang linggo na ang nakalilipas.
Agad akong kumuha ng spare ballpen at inabot sa kanya. All our interactions were like that. Kung hindi manghihiram ng ballpen, hihingi naman ng papel.
“This activity will be by pairs. Next week you have to submit the movie review via email.” It was a prelim subject requirement. And we will be paired by our seatmates which makes Theo my partner.
Parang gatilyong lumingon sa akin ng sabay si Sammie at Kia. Iba rin ang mga partners nila dahil hindi naman kami magkakatabi. Napaka judgemental talaga ng dalawang ito.
Natutulog si Theo nang mag announce ang teacher kaya wala siyang kaalam alam.
“Huwag mo na lang siyang i-group. We will help you na lang.” presinta ni Kia habang kumakain kami ng lunch.
“Baka naman tumulong siya Kia. Paano na ang grades nya kung hindi ko siya isasali sa pag gawa?” Sammie rolled his eyes.
“Mukha bang may maitutulong sayo iyon eh daig pa ang magcacamping at maglalatag ng banig sa kakatulog sa klase!”
I was chewing on my fried chicken when Rigo and his friends came into view. Parang hawak niya ang remote ng puso ko. Bigla na lang itong bumilis na parang hinahabol ng kung ano.
“Hi Captain!” Bati ni Sammie nang mapadaan siya sa tabi ng lamesa namin.
Sumenyas si Rigo sa mga kaibigan na mauna na ang mga ito at tumigil siya sa tabi ko.
“Hi. May practice game kami bukas with Denver Acad. You want to watch?” nakangiti nyang tanong sa akin.
I nod eagerly. I wouldn’t miss it for the world!
“Can we watch din? Kami ni Sam-sam?” tanong ni Kia
“Of course. Same seats tomorrow. Eat your vegetables, Marionne.” Sambit nya bago nagpaalam na pupunta na sa lamesa ng mga kaibigan.
Napabuntong hininga akong kumain ng gulay na ayoko naman talagang kinakain. Parang tatay.
Sanay na ang mga tao na malapit sa amin si Rigo. And mga nakareserbang upuan para sa amin tuwing may game ay hindi na inuupuan ng estudyante kahit walang bantay. Kulang na lang ay sulatan iyon ng pangalan naming tatlo.
Tapos na kaming kumain at nagkukwentuhan nang biglang may maupo sa tabi ko. Magkatabi kasi si Kia at Sam sa katapat kong upuan.
Theo’s smirking face came into view.
“Sandoval, partner daw kita sa Lit?” his cocky voice is quite different from the way he talks to me kapag ganoong may kailangan siya sa akin sa classroom.
Paharap sa akin ang pagkakaupo nya at tamad na nakapatong ang isang siko sa lamesa. Ang isang kamay ay pinagpahinga niya sa sandalan ng aking upuan. Masyadong malapit sa komportableng distansya ng isang lalaking hindi ko naman ka close.
Halos maibuga ni Kia ang iniinom na milktea sa gulat. Madalas kasing mang alaska si Theo sa klase. Si Kia at Sam ay parehong naging biktima na ng mga kalokohan nito. Iilan na lang yata kaming hindi nito nabibiktima.
“Ah oo. Next week na ang pasa noon. Mamaya sana kita tatanungin kung anong araw ka pwede ngayong darating na weekend para magawa natin.” paliwanag ko habang di maiwasang mapatingin sa dalawang kaibigan na parehong umiirap sa kawalan.
Theo smiled and his mischievous eyes stared at my face. It made me so uncomfortable that I had to look away.
“Sabado. Ako na mag download noong movie. Pahingi ng number mo.” dere-deretsong sabi nya saka inabot sa akin ang kanyang cellphone.
Well, at least he has the initiative.
Tinanggap ko ang phone niya at inilagay ang number ko roon. His smirk turned into a wide smile when I returned his phone.
“Great. See you.” He said and very gently poked my cheek with his index finger bago tumayo at nakangiting umalis.
Laglag panga akong napahawak sa sariling pisngi. It was so unexpected that I miserably failed to react.
Why would he nonchalantly touch my face?
What just happened?
“That jerk likes you! How dare he!” paghihisterya ni Kia.
“Nakascore pa ng phone number! Naku Mavi ha! Tigilan mo iyang pagiging santa mo pag kasama mo iyang si Theo! Nakita mo ba ang pagmumukha noon mukhang hindi talaga gagawa ng maganda! ” Irap ni Sam.
Nang matauhan sa sinabi ng mga kaibigan ay di sinasadyang mahagip ng tingin ko si Rigo. Nakakunot ang noo at nakatingin sa naglalakad palayong si Theo.
BINABASA MO ANG
If I Didn't Break Your Heart
RomansaThis is a story of a love that conquered and lost.