Chapter 13
Change
“Rigo!” sigaw ko nang mabakabawi mula sa pagkagulat at bilis ng pangyayari.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Jimenez?!” He is fuming mad. Lalo niyang idiniin si Theo sa pader.
Napatakbo na ako palapit sa kanila.
Mas matangkad ng kaunti si Rigo kay Theo. Mas atheletic din ang pangangatawan kaya mas malapad ang mga balikat. Pero sanay sa basag ulo itong kaklase ko at ayoko silang mag-away. Huling taon na ni Rigo sa junior high at kung magsusuntukan sila rito ay siguradong expulsion ang aabutin nila!“Rigo, please calm down!” pakiusap ko habang nakakapit sa braso niya at pilit siyang hinihila palayo.
“Ano nga ba sa tingin mo ang ginagawa ko?” I wished Theo would not sound so sarcastic!
“Theo ano ba!” saway ko dahil ang lalaking ito ay nakuha pang ngumisi sa kabila ng lahat ng nangyayari!
“Anong ginawa mo kay Marionne? Are you fucking bullying her?!” Rigo asked. Hindi na maitago ang galit sa boses niya.
“No! He didn’t bully me. Please, Rigo stop!” muli kong awat sa kanya.
“Please, Marionne. Lumayo ka muna.” He said without looking at me. His eyes are focused on Theo’s smirking face.
“You think I made her cry?” natatawang tanong ni Theo.
“Huwag mong ibintang sa akin ang kasalanan mo Suarez.” Dagdag niya.
His words made Rigo loosen his grip at humakbang ng isang beses palayo. Agad siyang lumingon sa akin. Bakas pa rin ang galit pero nagtatanong ang mga mata.
“What’s he saying?” tanong niya.
“Aalis na ako, Sandy. Isasama ba kita? Or would you rather stay?” Si Theo na nakapamulsa na at parang hindi man lang apektado sa mga nangyari kanina.
Hindi ako makasagot. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa mukha ni Rigo. And now, looking at him, it all made the pain in my chest worse. I haven’t seen or talked to him for days.Do I want to stay?
“Stay. Talk to me.”
Para akong alipin ng mga salita niya. He said he wants me to stay. And just like that, I know my heart has already decided that I am staying. No questions asked.
With tears starting to pool in my eyes again, I nod.
Narinig ko na lang na naglakad na palayo si Theo at nakabibingi na ang katahimikan.
“Marionne…” Kalmado na ang boses at puno ng pag-aalala ang mukha ni Rigo nang makitang isa isang nag laglagan ang mga luha ko.
He looks pained and confused. Hindi alam kung lalapit at aaluhin ba ako.
“If the biggest bully in our elementary school didn’t bully you, then was it me? Did I make you cry? Am I the reason behind those tears?” he asked.
Yes? No? Hindi ko na rin alam! Wala naman talaga siyang kasalanan. Ako lang naman itong may gusto sa kanya at nasasaktang ngayong malapit na siya sa iba! That girl might even be his girlfriend for all I know!
Aminin ko man o hindi, alam ko sa likod ng utak ko, umasa ako kahit ayaw ko. Gusto ko siya. Mahirap hindi bigyan ng kahit kaunting kahulugan ang naging samahan naming dalawa. Involuntarily, I hoped that he will like me too.
“H-hindi.” Sagot ko sa gitna ng mga hikbi. Mabilis kong pinalis ang mga luha. I must look like a mess.
“Kung ganoon anong sinasabi ni Theo?” muli niyang tanong. Magkasalubong na ang kilay at punong puno ng pag aalala ang mga mata.
Lalong lumakas ang mga hikbi ko. I want to tell him! I need to tell him! Kung huling pag-uusap na namin ito, kahit paano, gusto kong sabihin ang nararamdaman ko. Dahil pagkatapos naman nito, wala na rin akong mukhang maihaharap sa kanya. Hindi na rin naman kami pwedeng maging malapit sa isa’t isa. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang bumalik kami sa dati at panoorin siyang masaya kasama ang iba.
“Salamat sa lahat Rigo. Mula noong Grade 7 hanggang ngayon, naging masaya ako na naging magkaibigan tayo. Mahalaga ka sa akin. Pero I’m sorry. I can’t stay friends with you anymore. Ayoko nang maging kaibigan mo.” Hindi ko alam kung naintindihan pa ba nya ang mga sinasabi ko dahil sa mga hikbing hindi ko maawat habang nagsasalita.
Humakbang siya palapit. Napaatras ako sa kaba. Kung lalapit siya, magugulo na ang utak ko at hindi ko na masasabi pa ang lahat ng gusto kong sabihin.
“Diyan ka lang! Please. Pakinggan mo muna ako, Rigo.”
Bumuntong hininga siya na para bang pinipilit ang sarili na gawin ang gusto ko.
“Explain, Marionne. Because I swear to God I am so close to doing something really stupid right now.”
Pinilit kong ipunin ang lahat ng tapang. Ito na ang huli. Kahit sa huling pagkakataon gusto kong maging tapat sa nararamdaman ko. Kung hindi man niya girlfriend ang babaeng iyon, alam ko isang araw, may magugustuhan na rin siya. Mas mabuting habang maaga pa, lumayo na ako sa kanya. Naduduwag na ako na baka mas lumalim pa ang nararadaman ko at mas lalong masaktan sa huli.
“Rigo, gusto kita…”
His eyes widened in shock. Napaawang ang labi dahil hindi siguro niya inaasahang iyon ang sasabihin ko. And I took that as an opportunity to continue.
“I- I like you more than I probably should. I’m sorry! Hindi ko sinasadyang magkagusto sa’yo. I know this complicates things. Hindi ako dapat masaktan pero nasasaktan ako, Rigo. Kahit ayoko, nasasaktan ako! Masaya ako para sa’yo kung ngayon na may nagugustuhan ka na o di kaya ay girlfriend. Pero hindi ko kayo kayang suportahan. Hindi ko kayang manatiling kaibigan mo at panoorin kang magmahal ng iba. I’m sorry, Rigo. I’m sorry.” I sobbed. I said it. Hindi ko na mababawi.
Kaya lang ay napatigil ang mga hikbi ko nang makita kong nakangiti ang ang kausap ko. Kagat ang pang ibabang labi na para bang nagpipigil na lalong lumawak ang ngisi niya.
Is he… laughing at me?
“Wala akong girlfriend, Marionne. Pero nagugustuhan? Oo.” May mapanuksong tono ang boses niya at para bang ano mang oras ay mapapatawa na talaga siya!
I started to feel annoyed at him. Hindi ako madalas nauubusan ng pasensya pero matapos ang lahat ng sinabi ko, sana naman hindi niya ako pagtawanan ng ganito!
“Alam kong hindi mo ako gusto pero huwag mo naman akong pagtawanan, Rigo!” hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses.
He tried to straighten his face but he failed. Miserably. Talagang hindi mabura ang ngisi sa mukha niya.
“Sino ang girlfriend na sinasabi mo kung ganoon? Sino ang nagugustuhan ko?” may panghahamon sa boses na tanong niya.
“Mahalaga pa ba iyon? Kahit sino pa ang magustuhan o maging girlfriend mo, Rigo hindi ko kayang panoorin kayo.” Inis na sagot ko.
I am actually surprised at myself for losing my temper. Hindi ako madalas ganito.
“Papanoorin mo ang sarili mo kung ganoon?” he chuckled.
That made me confused. What does he mean by that?
“What?” hindi na napigilang magtanong.
Naiiling siyang ngumiti at inilagay ang magkabilang kamay sa bulsa.“Ikaw ang gusto ko, Marionne. If it isn’t that obvious to you.”
Para akong nabingi matapos marinig ang sinabi niya. Hindi ko alam kung totoo pa ba itong nangyayari. Baka sa sobrang pag iyak ay kung ano ano nang naririnig ko.
“Damn, baby! I was waiting for the right moment, tapos uunahan mo ako ng ganito?” naiiling nyang sabi.
“I-I don’t understand-“ I started to say dahil gulong gulo ang isip.
Natigil ako sa pagsasalita nang kainin ng dalawang malalaking hakbang ang distansya naming dalawa.
“Marionne, I have always been in love with you.”
Isang yakap.
Mahigpit na yakap.
Na siyang nagpabago ng buhay naming dalawa.

BINABASA MO ANG
If I Didn't Break Your Heart
RomanceThis is a story of a love that conquered and lost.