Chapter 20

23 0 0
                                    

Chapter 20

White Lies and Misunderstandings

Pinipigilan ko pero talagang tumutulo ang mga luha ko habang ginagamot at nilalagyan ng cast ang na sprain kong paa.

Si Aidan, ang lalaking dahilan ng pagkatakot at pagkahulog ko, ay nakatayo sa dulo ng hospital bed na kinahihigaan ko ngayon dito sa ER.

Kulay ube ang paa ko at namamaga dahil sa pagkakabaliko nito nang mahulog ako. Masakit rin ang balakang sa lakas ng impact ng bagsak ko mula sa hagdanan. My hip bone was also checked and fortunately, wala namang nabaling buto.

"Kung bakit kasi palaboy laboy ng alas tres ng madaling araw." bulong ni Aidan na naintindihan ko naman, nang makaalis ang doktor na nag-ayos ng cast ko sa paa.

Nag-init ang mukha ko at nakaramdam ng inis.

"Inuhaw ako kaya ako bumaba. Sino ba naman ang hindi matatakot sa ayos mo kanina? Puting puti ang mukha mo. Hindi kita nakilala." depensa ko sa sarili.

You see, Aidan is a chemical engineering student. Naassign daw para sa kanya ang pag gawa ng skin care product at tinitest niya ito sa sarili kaya naka mask siya nang makita ko. He is testing his chemistry project at 3am in the morning!

Nang maiayos ang cast ko sa paa ay agad akong pinayagang umuwi. May saklay at mahigpit na ipinagbawal na ituon ang kanang paa.

"Don't tell Tito Alex. Baka makarating kay Tita Elena at mag-alala pa siya. Uuwi iyon panigurado. Ayokong masira ang trip nila dahil dito sa pagkahulog ko." pakiusap ko kay Aidan nang nasa sasakyan na kami pauwi.

Halos 7am na at mukhang hindi na ako makakapasok para sa araw na ito dahil hindi ko kayang ilakad ang paa ko.

Nang makarating sa bahay, inalalayan naman akong bumaba ni Aidan ng sasakyan at inabot ang saklay sa akin.

"Naku Ms. Mavi! Ano po ang nangyari?!" natatarantang tanong ni Ate Rosie nang makita ako.

"Sprained ankle, Ate. Pakisabihan na lang po ang iba na huwag ng banggitin kay Tita dahil baka po mag-alala pa siya. Ayos naman na po ako."

Hirap na hirap akong nag saklay patungo sa loob at halos maiyak sa kawalang pag-asa nang matigil sa paanan ng hagdanan.

"Ask for help kapag hindi mo kaya."  masungit na sabi ni Aidan sa likuran ko. Bigla na lang niyang kinuha ang saklay ko at saka ako binuhat. Ang isang kamay niya ay nasa likod ko at ang isa naman ay sa likuran ng mga hita ko.

Wala na akong nagawa. Hindi ko rin naman talaga kayang umakyat ng mag-isa.

Tahimik niya akong dinala sa kwarto. Nang mailapag ako sa kama ay hindi siya umalis kaagad. He stood there with his arms crossed over his chest watching me struggle with the comforter.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.

"Tawagan mo ako kapag may kailangan ka. Ako ang dahilan ng pagkalaglag mo. Pag hindi ka sa akin hihingi ng tulong, isusumbong ko sa Tita mo ang nangyari." banta niya bago lumbas.

The moment I fell off the stairs, I have already decided that I will not tell Rigo about my sprain. Not until his exams are over, anyway. Siguradong uuwi iyon dito at hindi makakapag focus sa exams kaya saka ko na lang sasabihin.

Kaya nang tawagan ko si Sammie para sabihin ang dahilan ng hindi ko pagpasok, mahigpit ko ibinilin na huwag babanggitin kay Rigo ang nangyari. Alam ko kasing minsan talagang nagrereport ang dalawa ni Kia kay Rigo. Medyo nag aalinlangan na nga ako minsan kung loyal sila sa kanya kaysa sa akin.

"Sigurado ka bang hindi ka itinulak niyang anak ng asawa ng Tita mo ha? Kilala kita, Mavi! Huwag mong pagtakpan iyang lalaking yan!" sa lakas ng boses ni Sam sa kabilang linya, naririnig na yata ng buong classroom ang sinasabi niya.

If I Didn't Break Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon