Chapter 9
Comfortable
Bago matapos ang pangalawang buwan ng bakasyon ay halos tapos ko na ang article. Kaunting edit at revisions na lang ang kailangan. Balak kong ipabasa kay Rigo yun bago ko ipasa sa Gazette.
“Marionne, I have nothing against you exercising and going out to do your own thing. Hinahayaan na kita ngayon dahil ayokong nakakulong ka lagi sa bahay at maging normal naman ang buhay pero nakakarating pa rin sa akin ang mga ginagawa mo kahit wala ako riyan. I worry and I just want you to be careful.” Naextend ang trip ni Tita Elena sa Macau. Pero kahit ganoon, araw araw nya pa rin akong tinatawagan para kamustahin at magbibilin na mag ingat ako. Ipinaaalam ko rin naman sa kanya ang laht ng ginagawa habang wala siya para maibsan ang pag-aalala niya.
“Yes, tita. I will be careful po. Mag-ingat din po kayo riyan.”
Nagpaalam na siya at mabilis na bumalik sa kwarto. Naroon si Sammie at Kia.
Nakabalik na ang dalawa at nag pasyang dito sa bahay matulog. Sasamantalahin daw nila ang pagkawala ni Tita Elena lalo na at isang linggo na lang at pasukan na.
“Bakit may jogging pa rin bukas e tapos naman na ang article aber? Di ka na sumasama sa training since last week diba? Bakit kasama pa rin sa jogging?” Si Sammie habang pagulong gulong sa nakahandang futon para sa kanya sa ibaba ng kama ko. Si Kia ay sa tabi ko matutulog.“Gusto ko rin naman at nasanay na rin ako kaya gusto kong ituloy.” paliwanag ko habang dumadapa sa kama sa tabi ni Kia.
“Mavi, pwede kayo mag jogging by yourselves no! Rigo invited you because he wants to see you!!!!” Tili ni Kia na sinabayan ni Sammie habang inaalog ako.
Both have been updated sa kung anong nangyayari sa amin ni Rigo habang wala sila. Kahit ayaw kong magkwento hindi nila ako tinitigilan kaya wala na akong choice.
Nag-init ang mukha ko sa sinabi ng dalawa.
Rigo wanted to see me?
“Nakakahiya. Ayokong bigyan ng meaning ang pag-aya sa akin ni Rigo dahil palagi naman na talaga kaming magkasamang mag jog kung weekdays.” pagtanggi ko.
“Apaka dense! He wouldn’t post a photo of you kung wala lang yon Mavi!” Si Sammie na parang galit na yata.
“He totally likes you! Rigo is suplado with the girls at school no! Kaya kahit he looks gwapo I didn’t have a crush on him. I don’t like suplados. Pero he isn’t with you! You are the exemption! Kasi nga he likes you nga!!!” Pinagdiinan pa ni Kia.
Rigo did post a photo of me though. Nakatalikod at tumatakbo. Tumatayon ang mahabang buhok na nakatali dahil sa pagtakbo. Hindi ko alam kung kailan niya yon kinuhanan nung huling beses na nag jogging kami. Nagulat na lang ako na nakita ko sa instagram feed ko dahil hindi naman ako naka tag sa post.
Jog buddy. He captioned.
Kia and Sammie bombarded the comments on that post insinuating that they know who that is. Ang dami kasing nagtanong kung sino. One of Rigo’s friends even commented.
Nice! Progress.
To which he replied a dirty finger emoji.
Iyon lang ang tanging nireplyan ni Rigo sa dami ng comments sa post nya. Rigo being so popular in school, has so many followers in his social media accounts. Siguro ay kilala rin siya kahit ng mga taga ibang school.
Iniwan ko ang dalawa na tulog pa kinaumagahan nang oras na para sa usapan namin ni Rigo.
“Good morning.” Rigo greeted nang lumabas ako ng gate namin.

BINABASA MO ANG
If I Didn't Break Your Heart
RomansaThis is a story of a love that conquered and lost.