Chapter 14
Years
“Suarez, Rodrigo Feliazar III.”
Gaya ng lahat ng pagkakataon na pumapasok ang tira niya kung may laro, the whole auditorium roared in cheer while Rigo accepted his diploma.
I stood up clapping beaming with pride. Panay ang hiyaw ni Kia at Sammie. Sammie even has tears in his eyes.
“OMG Captain!!! We will miss you!!!”
Sa lakas ng sigaw ni Sammie, nangibabaw ito sa malakas na hiyawan kaya napatingin na sa direksyon namin si Rigo. Isang malawak na ngiti ang ibinigay niya sa akin bago bumaba ng stage.
My Rigo graduated today.
“Nakakainggit talaga! Sobrang perfect niyo together! Naiinis na ako! Bakit panay assholes lahat ng naging boyfriend ko!” si Kia habang nagpupunas ng luha niya. Her overreactions never changed.
“Paano kasi saksakan ka ng taray at kaartehan kaya walang tumatagal sa ugali mo.” Sammie blatantly said which led to another bickering session with Kia. Lalong lumalala ang bangyan ng dalawa. I don’t complain though. Nakakaaliw naman kasi silang panoorin.
Pinanood ko si Rigo na makabalik sa upuan niya. I am just so proud. Nakatanggap pa siya ng medalya para ilang taong MVP award sa championship games.
Nang matapos ang ceremony ay agad kaming lumapit kay Rigo. Panay ang linga niya sa tabi ng kanyang mama. Malamang ay hinahanap na kami sa karamihan ng mga tao.
“Congrats, Captain!” naunahan pa akong bumati at yumakap ni Sammie kay Rigo.
Through the years, sobrang naging close na siya sa dalawa kong kaibigan.“Tsansing again, Mavi oh! Di ka na nahiya!” Kia pulled Sammie’s clean cut hair.
Nagtawanan kaming lahat. Una ko nang binati ang mama ni Rigo habang nagkakagulo pa silang tatlo.
“Nice to see you po, Tita.” Beso ko kay Tita Laurene, mama ni Rigo. Nahihiya pa rin ako sa kanya pero nagkapalagayan na rin ng loob dahil sobrang bait naman niya sa akin.
“Mavi, my pretty girl! Deretso sa bahay mamaya for the celebration ha? Bring your friends. I also invited your Tita kaya lang ay may event pala siya ngayon.”
Nag uusap pa kami ni Tita Laurene, when Rigo, the impatient and possessive person that he is, snatched me away.
“What? Did you come here to bond with my mother?” kunot noo niyang tanong.
Seloso. Pati nanay niya dinamay pa.
Natatawa ko syang niyakap. I buried my face on his chest. Para bang lalo siyang tumatangkad hanggang ngayon at ako, naiwan na sa height noong una kaming nagkakilala. Lalo akong nanliliit kapag ganitong yakap yakap niya ako. And I feel safest more than anywhere else.
“I am so proud of you.” Sambit ko habang lalong hinihigpitan nag yakap sa kanya.
I felt him kissing the top of my head.“Next year, ikaw naman.”
Sobrang daming pictures ang nakuhanan. Sobrang saya ng lahat. Next year will be my last year in senior high. Halos tatlong taon na mula nang mangyari iyong insidente sa likod library.
“Magpapalit lang ako. Wait for me.” Paalam ni Rigo bago mawala papasok sa loob ng banyo.
I sat on his bed. Nakatanaw sa isang shelf na puno ng pictures namin at mga regalo ko sa kanya. Sa pictures o sa video call ko lang nakikita noon itong kwarto niya. Pero ngayon, nasanay na ako na narito. Sobrang daming pagbabago sa nagdaang mga panahon.

BINABASA MO ANG
If I Didn't Break Your Heart
RomanceThis is a story of a love that conquered and lost.