Chapter 12
Pain
“Boyfriend mo si Suarez?”
Muntik na akong mabulunan sa kinakaing chicken alfredo kaya napainom ako sa inorder na blue lemonade.
“H-hindi.” Sagot ko nang makabawi.
Theo laughed. Mula kahapon ay wala na siyang ginawa kundi pagtawanan ang mga reaksyon ko. Linggo ngayon at kahapon ay sinimulan na namin ang project namin sa Lit. Hindi nga lang namin natapos dahil biglang may tumawag sa kanya at nagmamadali syang nagpaalam na aalis. Naka loud speak pa ang tawag at narinig kong humihingi ng resbak iyong kaibigan niyang napaaway daw.
Kaya heto, may pasa sya sa kaliwang cheekbone at may galos sa gilid ng labi.
Natapos naman namin ang movie kahapon pero hindi nasimulan ang review. Biling bilin niya sa akin na huwag na huwag kong gagawin ang review ng wala siya. Kaya kahit gusto ko ng gawin kahapon nang makauwi ako, hindi ko ginawa. This is supposed to be done by pairs, afterall. Hindi lang rin ako makapaniwala na ganoon siya ka focused sa acads niya? Ang sabi kasi ng ibang mga kaklase na nakagrupo niya dati ay wala raw itong pakialam kahit tanggalin ang pangalan sa grupo.
“Manliligaw kung ganoon?” he pressed on.
Lalo akong pinamulahan ng mukha.
“Magkaibigan lang kami ni Rigo.” I clarified.
Oo, palagi kaming tinutukso ni Sammie at Kia. Palaging imbitado sa mga games at after parties. Palagi kaming magkausap kung may libreng oras kami pareho. I will also admit that I like him but that does not change the fact that Rigo and I are indeed just friends. Ni hindi ako sigurado kung gusto ko bang i-assume na gusto niya rin ako. Ayokong madala sa mga panunukso lang ng mga kaibigan. Ayokong umasa.
“Eh bakit ganyan ang mukha mo?” pang aasar ni Theo.
“Anong meron sa mukha ko?” ibinagsak ko ang tingin sa kinakain dahil masyado niya akong tinititigan.
“Parang hindi ka masaya sa sinabi mong magkaibigan kayo? May gusto ka ba sa kanya?”
This guy! He is so straightforward!
“Basta magkaibigan kami. Kumain ka na at nang matapos na natin itong project.” I finally said.
There is no way I would confess my feelings to someone other than my friends. I didn’t even directly admit it to Sammie and Kia. Tapos aamin ako rito kay Theodore? Baka mamaya ipagkalat pa niya.
“You look cute when you blush.” Panunukso na naman niya.
Tapos na kaming kumain at ginagawa na iyong mismong movie review. Wala naman siyang naitutulong. Panay pang-aasar at panonood lang siya sa akin habang sinasabi ang mga ilalagay ko rito sa ginagawa namin. Nakatitig lang siya sa akin at nakikinig. Puro oo at tango lang ang nakukuha ko. Akala ko kaya ayaw niyang gawin ko iyon nang mag-isa kahapon ay dahil marami siyang gustong ma contribute. And now, this.
I sighed and stopped typing on my laptop.
“Bakit sa classroom hindi mo ako kinakausap? Pero biglang ang daldal mo ngayon?” diretsong tanong ko. I was just really curious.
An amused expression again crossed his face. Tama si Sammie, hindi mapagkakatiwalaan itong si Theo. Sa mata pa lang alam mo na parang palaging may iniisip na kalokohan.
“Nahihiya pa ako sa’yo nung una eh. Di ko alam anong sasabihin ko. Masyado kang tahimik.”
Oh. Akala ko kalokohan na naman ang isasagot nya sa akin.

BINABASA MO ANG
If I Didn't Break Your Heart
RomanceThis is a story of a love that conquered and lost.