Chapter 3

14 1 0
                                    

Chapter 3

Meeting

Nang mag Lunes na ay siniguro kong nakaayos ang jacket at madala ko sa school.  Pinalabhan ko na yon nang weekend kaya malinis na. Kaya lang, hindi naman kami nagkita. Hindi rin naman nya kinuha sa akin kaya iiwan ko na lang sa locker nang mag dismissal.

“Ako na lang muna mag uuwi. Dadalhin ko bukas Mav. Promise!” Pakiusap ni Sammie.

Kanina pa nya ipinipilit na ipahiram ko sa kanya yung jacket mula nung makita nyang suot ko ito pagkatapos ng party.

“Hindi pwede Sam. Nakakahiya na ipahiram sa iba dahil hindi naman sa akin to.” Sagot ko habang inilolock ang sariling locker.

“She’s right Sam. Baka you will drool pa while smelling it and bumaho pa yung jacket.” Pang aasar ni Kia na pabirong sinabunutan ni Sammie.

The next day was also the same. Hindi ko alam kung bakit palagi kong hinihintay na kuhanin ni Rigo sa akin ang jacket nya. Dapat ba ako ang maghanap sa kanya at magbalik? Pero sabi nya sya ang kukuha sa akin. Isa pa, hindi ko rin sya nakikita sa school.

Ang sabi ni Kia, oblivious lang daw ako sa paligid ko kaya hindi ko napapansin ang mga tao. Dahil madalas na daw naming makasalubong si Rigo noon. O hindi kaya ay makasabay sa cefeteria kung lunch.

Wednesday at naiwan ako sa school mag-isa dahil may meeting ang writers ng school magazine. Mahilig akong magsulat kaya nang pumasok dito ay yun agad ang club na sinalihan ko.

Pinaka maaga ang dismissal ng level namin kaya naghihintay pa ako ng ibang kasamahan mula sa ibang level. Ako lang kasi ang nakapasa sa writing exam mula sa Grade 7 na ibinibigay kapag gusto mong maging writer sa St. Claire’s Gazette.

Dahil ginugutom, I decided to buy some food in the cafeteria. May 1 hour pa bago ang dismissal ng mga higher levels.

I was busy eating my oatmeal cookies and orange juice nang may lumapit sa lamesang inuupuan ko.

“H-hi Mavi. Pwedeng makishare ng table?”

Agad kong nginitian si Cody. Isa sa mga kaklase ko. Marami namang bakante pero nakakalungkot kumain mag-isa.

“Sure.”

Iilan na lang ang tao sa cafeteria kaya tahimik na. Ang iba naman ay nsa kanilang mga klase pa.

“Bakit hindi ka pa umuuwi? Wala pa ba ang sundo mo?” Tanong nya.

“Ah may meeting kasi kami sa Gazette kaya naghihintay ako sa dismissal ng seniors. Ikaw, bakit hindi ka pa umuuwi? Magbabasketball kayo?” Tanong ko dahil napansin naka jersey sya.

Kaclose ko naman ang mga kaklase ko. Pero sa labas ng classroom, madalas na si Kia talaga at Sammie lang ang nakakasama ko. Mahiyain kasi ako and I’m not used to starting small talks. I don’t want to put any one in an awkward situation with me. Di gaya nina Sammie at Kia na parehong maingay kaya kuntento na ako sa pakikitawa sa mga tuksuhan nila.

“May try outs kasi kami sa basketball team. Para makapagsimula na ng training bago matapos ang school year at sa summer din. Nasa gym na ang iba pero wala pa si coach kaya bumili muna ako ng inumin.”

Cody is one of the friendly guys in class. Marami syang mga kaibigan kahit sa ibang section. I wish I can be like him. Confident and fun to be with.

“Wow. Ngayon na pala yon? Good luck sa inyo kung ganoon.”

“Gusto mo bang manood muna sa gym? Mahaba pa naman ang oras. Para hindi ka mag isa rito. Maraming manonood ng try outs.” Anyaya nya.

Agad akong napangiti. Wala naman akong gagawin at halos isang oras pa maghihintay kaya mabilis akong pumayag.

If I Didn't Break Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon