Chapter 5

15 1 0
                                    

Chapter 5

Lucky

“WAAAAAAAAAAAHHHH!!!!”

Hindi ko na napigilang makisabay rin sa sigawan sa sobrang hyped up ng buong gym nang pumasok ang 3 points ni Rigo.

Gustong gusto ko kapag nakakapasok ang mga tira niya at tatakbo sya sa court nang nakabukas ang magkabilang braso at malawak ang ngiti. Parang niyayakap ang hangin. At sa tingin ko hindi lang ako ang nakakapansin na ang gwapo niya sa tuwing ginagawa niya iyon dahil lalong lumalakas ang sigawan.

“Nakakaloka ang gwapo ni Suarez!!!!!” Tili ni Sammie sabay alog sa akin.

Nakitalon ako sa kanya habang si Kia ay panay ang wagayway ng pompoms nya.

Kanina pa nila ako tinutukso kay Rigo dahil sa dami ng nakakita sa pagkuha nya sakin ng jacket kanina. Nakita rin pala nila. Isa pang dahilan ay habang magkausap pala kami, sinundo sila ng isa sa mga bagong pasok sa team na inutusan ni Rigo para ipagreserve kami ng upuan malapit sa benches nila. Hindi lang yata hampas at kurot ang inabot ko sa kilig ng dalawa.

Lamang pa rin ng 4 points ang kalaban at isang minuto na lang.

Biglang tumunog ang buzzer.

“Time out!” Sigaw ng announcer.

Sa sobrang lapit namin sa benches ay kitang kita namin tuwing lumalapit ang mga players. Lumapit ang lahat ng nasa loob ng court para uminom at para makipag usap sa coach.

Automatikong dumeretso ang mga mata ko kay Rigo. He’s sweaty and catching his breath. He must be so tired from running so much.

Kilala ko rin ang ibang players pero palaging nagfofocus ang mga mata ko sa kanya.

“Ang hot naman ng mga pawisang Blue Tigers!!!!!” Sigaw ni Sammie.

Seryosong seryoso silang nakikinig sa coach nila. I hope they win. I really do. Hindi naman ako kasali pero ang lakas ng kaba sa dibdib ko mula nang magsimula ang game.

Ilang segundo bago matapos ang time out, tumayo na ang mga players mula sa pakikinig kay Coach Jed at naghintay ng muling pagtunog ng buzzer.

SUAREZ
01

Hindi matanggal ang tingin ko kay Rigo kaya naman nang lumingon sya at tumingin sa akin ay parang kakawala na naman ang puso ko.

Nginitian ko sya at nagsenyas ng thumbs up sa magkabilang kamay. Alam kong kaya niyang ipanalo ang game. Ang sabi nya sa akin mananalo sila.

He gave me the most breath taking smile bago saka muling tumunog ang buzzer.

“Back to the ball game.” the commentator announced.

“WAAAAAAAH!!! ANONG MGA TINGINAN YON MAVI!!!!?!” sabay na sigaw ni Sammie at Kia sabay alog na naman sa akin habang nakatulala pa rin ako sa pwesto ni Rigo kanina.

Napahawak ako sa puso ko para pakalmahin ito. Pakiramdam ko magkakasakit ako sa sobrang bilis nito.
Narinig ko pang nagtatalo ang ilang babae sa likuran at sinasabing sila ang nginitian nya. Pero alam ko, sa akin sya nakatingin.

Nakascore ng 2 points si Kuya Oliver 20 seconds before the game ended. Nakabibingi ang hiyaw ng mga manonood. Kahit ako masakit na ang lalamunan sa lakas ng pagchicheer.

3 points na lang mananalo kami. Please, God. Please, sana po manalo kami.

5 Seconds na lang at napapikit na ako sa pagdarasal.

Please, Lord.

“Suarez for three.. AND IT’S GOOD!”

Sabay ng pagmulat ng mga mata ko ay ang pagpasok ng bola sa ring at pagtunong ng buzzer.

Sabay sabay kaming napatalon at napahiyaw.

Ang galing!!!!

Parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya! He did it! He said they will win and they did!

Nagkagulo na ang lahat at kanya kanyang baba na sa bleachers para magcongratulate sa mga players. Nagbagsakan ang maraming confetti.
Hila hila ako ni Sammie habang hila ko naman si Kia para hindi kami magkahiwahiwalay sa dami ng tao. Nakakahiya dahil sa sobrang pagsiksik ni Sammie ay talagang nanunulak na sya ng ibang estudyante.

Halos hindi ko na makita ang dinadaanan namin. Basta nadadala na lang ako kung saan ako hihilahin ni Sam.

Nang tumigil kami ay nasa harapan na namin ang buong team na nagsisigawan. Buhat buhat nila si Rigo na hawak ang napanalunang trophy.

He’s amazing. This moment is amazing.
Never in my life have I imagined that I will be part of something like this. Sobrang layo sa buhay ko noong home-schooled ako at halos walang kakilala maliban sa pamilya at ilang relatives.
Now, I feel like I am not that isolated girl anymore. I feel like I finally belong. I have my niche in this world.

Nang matapos ang pagtapon sa ere sa mga players ay agad sumiksik si Sammie para personal kaming maka bati sa kanila.

“Congrats Kuya!” Bati ko kay Kuya Oliver dahil sya ang unang lumapit sa amin nang makita kami nina Sammie.

“Thank you, Mavi! Ayos ah! Kasama ka ng manood ng game!” Nakangiti nyang sagot.

“Syempre no! Nagdala talaga kami ng santa para manalo kayo.” Tukso ni Sammie na ikinatawa ng mga nakarinig.
Si Kia ay bahagyang napalayo sa amin at binabati si Jairus. Ang isang player na crush nya.

Sobrang daming tao at wala akong ginawa kundi magcongratulate sa mga players na nakakasalubong sa pag-ikot namin ni Sammie. Kahit hindi ko kakilala, binabati ko na rin. I am so happy that for this moment, I forgot the timid and shy Mavi that I always have been.

“Congratulations!” Bati ko sa nasa harapang player na hindi ko namalayang si Rigo na pala sa sobrang dami ng tao.
Lalong lumawak ang ngiti nya.

“Thanks.” Ngiting ngiti sya habang nakatitig sa akin. I couldn’t help smiling back.

“Sobrang galing mo!” Halos isigaw ko na para lang magkarinigan kami.

Bahagya syang umiling.

“I think I just got really lucky tonight kaya kami nanalo.” he said.

“No you really did great! Mr. MVP! Nice!” I said while giving him the two thumbs up again.

Inangat nya ang kamay nya at nanlaki ang mga mata ko nang unti unti itong lumapit sa ulo ko. He got a confetti that I didn’t notice was caught on top of my head.

Inabot nya ito sakin at wala sa sarili ko itong kinuha sa kanya.

“No. I got so much luck  today because my lucky charm finally watched my game.”

I couldn’t sleep that night. I laid on my bed for hours while staring at the confetti Rigo gave me. Hindi mawala ang ngiti ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng sayang hindi ko maipaliwanag. Gusto kong isubsob ang ulo ko sa unan at sumigaw gaya ng ginawa ko pagkauwi kaya lang masakit na talaga ang lalamunan ko dahil sa kakacheer mula pa kanina sa game.

Lord, kung ano man po itong nararamdaman ko, sana po hindi na matapos. Sana po ganito po ako kasaya palagi.

If I Didn't Break Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon