Chapter 21

13 0 0
                                    

Chapter 21

Choices and Promises

"Anong itsura yan?" tanong ni Aidan habang walang kahirap hirap akong binubuhat pababa ng hagdanan.

Umiling lang ako at hindi na sumagot. Hindi ko rin naman alam kung paano ko ipapaliwanag.

"Huwag kang sumimangot dyan. Pangit ka na nga, lalo pang lumalala." he said with a blank expression and a flat voice bago isarado ang pintuan ng kotse niya.

Papunta na kami ngayon sa ospital para sa check up ko kung pwede na bang alisin ang cast ko sa paa.

Tahimik lang ang buong byahe. Wala akong masabi at hindi rin siya nagsasalita.

Rigo completely ignored me last night until this morning. Wala siya sinagot sa tawag at text ko sa kanya. Hindi na ako mapakali. Kaunti na lang talaga at pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko.

Nagkaroon naman na kami noon ng mga maliliit na tampuhan pero hindi umaabot sa ganito. Hindi umaabot sa puntong hindi niya ako papansinin. Palaging mahaba ang pasensya niya sa akin kaya hindi ko alam kung anong iisipin ko sa natatamong silent treatment.

I'm sorry. Please talk to me. Let me explain.

Iyan ang text ko sa kanya kaninang umaga nang magising ako at wala pa rin siyang reply sa akin.

Putting myself in his shoes, alam ko, kung ako man ang makakitang may babaeng basta pumapasok sa kwarto niya at sasabihan siya ng kung ano, magagalit din ako. I would probably think about the worst.

Naging maayos ang resulta ng check up. Natanggal na ang cast ko sa paa pero bilin pa rin ng doktor na huwag agad pwersahin sa paglalakad. May kaunting kirot pa rin kasi kapag inilalakad. Kaya pa ika ika pa rin ako.

After lunch kami pumuntang ospital kaya halos alas tres na kami nakauwi.

Hirap akong bumaba dahil mataas ang fortuner ni Aidan. Kaya naman sa inip siguro niya, binuhat na rin niya ako pababa ng sasakyan at papasok ng bahay para daw ideretso na sa kwarto.

"Ilang araw ng nananakit ang katawan ko kakabuhat sayo. Umaabuso ka na." pang aasar niya habang karga ako papasok ng bahay.

Agad namula ang mukha ko sa hiya.

"Sorry." mahinang sabi ko at yumuko na lang dahil hindi na makatingin sa mukha niya.

Nagtatakang umangat muli ang tingin ko kay Aidan nang maramdaman ko ang pagtigil niya sa paglakad nang nasa may receiving area na kami.

Sinundan ko ang tingin nya sa may couch at halos gusto kong tumalon paalis sa mga braso niya.

Rigo is standing there with hands in his pocket. Sobrang dilim ng mga mata niya at igting ang mga panga. Kahit sa malayo, anyone would feel that he is really pissed right now. Fuming mad.

Hindi ko alam ang gagawin.

Nanlalamig ang buong katawan ko.

"Ibababa na kita. Baka ako ang susunod na mapilayan." Si Aidan bago ako marahang ibinaba.

I stood there with my whole weight on one foot not knowing what to do with myself.

Walang salitang lumabas muli ng bahay si Aidan.

Naiwan kaming dalawa ni Rigo. Parehong hindi nagsasalita.

I want to touch him. I want to explain. Pero hindi ko alam kung paano magsisimula.

Hindi na kinaya ang distansya sa pagitan naming dalawa, nagsimula akong humakbang palapit sa kanya.

It was hard and I had to focus because I don't want to lose my balance again.

If I Didn't Break Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon