Chapter 1Permission
“Ipagpaalam ka namin! Kahit scary ang Tita mo para payagan ka!” Sammie declared. Sa lakas ng boses nya halos marinig na ng buong cefeteria.
Napasimangot ako. Hindi ko pa sinusubukan pero parang naririnig ko na ang boses ni Tita Elena na hindi ako pinapayagan. Lalo na gabi ang party na gusto nilang puntahan.
“Oo nga! This is the first party na pupuntahan mo after being jailed in your house for basically your whole life tapos you wouldn’t even try to ask permission? What if pumayag si tita mo diba?” Kia can be so persuasive with her conyo accent.
Wala na akong nagawa sa pamimilit ng dalawa. Bukas ng gabi na kasi ang party na gusto nilang daluhan namin at hanggang ngayon hindi pa ako nagkakaroon ng lakas ng loob na magpaalam sa Tita ko.
I know. I am so pathetic for chickening out. Kahit gusto kong sumama sa kanila noon pa sa ibang mga party na gaya nito, hindi ko magawa. Kahit magpaalam man lang. Alam ko kasing hindi ako papayagan.
When you are the only survivor after your whole family got ambushed with the killer still on the lose after 10 years, hindi maiiwasan na ganitong klaseng paghihigpit ang ibigay sa akin.
I was home schooled for the most part. Nitong junior high lang ako napagbigyan na pumasok sa normal na school after my lolo finally intervened and asked my Tita Elena to give me a normal environment. Palagi kasi akong nakakulong sa bahay. Nakakalabas lang kung magmamall pero may bantay rin o di kaya ay mga family gatherings. Pero halos sa lahat ng desisyon para sa kapakanan ko, si Tita ang nasusunod. She raised me like her own and I will forever be thankful for that. Kaya nga nirerespeto ko ang mga desisyon nya. She is strict but I know she loves me.
Panay ang diskusyon ni Sammie at Kia ng kanilang strategy sa pagpapaalam sa tita ko. Samantalang ako naman ay hindi na mapakali sa kaba. Gusto ko kasi talagang sumama pero ayoko rin ng napapagalitan ako.
Ang paty na tinutukoy nila ay ang victory party ng basketball team. Nanalo kasi sila sa Inter High Semi-Finals at next month na ang championship. Ang pinsan ni Sammie na si Kuya Oliver ang captain ng team kaya pwede kaming pumunta. Graduating na ito ng Junior High this year. Sa bahay kasi ng mga ito gaganapin ang pool party. Tanging mga members lang ng varsity at close friends ang invited.
Invited na kami kaagad dahil close naman si Kuya Oliver kay Sammie. Even though Sammie is gay. Bata pa lang, alam na daw nyang Barbie ang hilig nya. Kaya at 14, out na sya. Kahit solong anak, madaling natanggap ng mga magulang ni Sammie ang lahat. He’s very lucky.
“Ay Miss Mavi may kasama ka po pala.” salubong sa akin ni Ate Rosie. Isa sa mga kasambahay namin habang kinukuha sa akin ang dalang bag.
“Sorry ate hindi ko na naitawag. Biglaan lang kasi. Pakihandaan na lang ng meryenda at padala sa kwarto ko.”
Agad na kaming umakyat na tatlo. Sanay na rin naman ang mga tao dito sa bahay na kasama ko ang dalawa. Dahil nga sa madalas akong hindi pinapayagan lumabas ay sila na lang ang palaging pumupunta rito.Kia and I has been friends since the first day of class. Nagkatabi kasi kami at walang parehong kakilala. Sammie joined us after boys avoided him when they found out he’s gay. May mga babae pa naman kaming classmate na malaki ang crush sa kanya. Pero tanggap na ng lahat si Sammie kaya wala ng problema. He has a strong personality kaya hindi pwedeng binubully.
“Let’s just tell your tita it’s a birthday party na lang. Mas may chance pa yun na pumayag sya kesa malaman nya it’s mostly for boys.” si Kia habang nakahilata sa kama ko.
“I don’t feel ok with lying Kia. If Tita Elena finds out we lied, baka lalo akong hindi na payagan sa susunod. At baka hindi na ako payagan na papuntahin kayo dito. Ayoko non.” Pag kontra ko.
Napailing si Sammie.
“Ang hirap ng may kaibigang santa! Nakakaloka! Parang susunugin na ako sa lahat ng kasinungalingan ko sa magulang ko!”Wala pa kaming concrete plan nang may kumatok na sa kwarto ko. Natigil kaming lahat sa pagsasalita.
Alam kong si tita na yon. She always checks on me pagkakauwi galing trabaho bago sya dumeretso sa kwarto nya.
“Marionne?” She called.
“Shit.” bulong ko bago tumayo mula sa carpeted floor at buksan ang pinto.
“Hi Tita. Andito po si Sammie at Kia. “ bati ko.
Nginitian naman nya ang dalawa na parang mga tuod na bumati ng “good evening.”
My Tita Elena is the identical twin of my mother. Kaya iniisip ko kapag tintingnan ko sya, na parang nakikita ko na rin si mama dahil magkamukhang magkamukha sila. Wala syang asawa. Wala ring anak. Kaya she took the responsibility and raised me.
She is a fashion designer. Sobrang ganda at sophisticated. Her aura commands attention and submission. Isang tingin pa lang, iisipin mo na agad na suplada at masungit si Tita.
“I see. Dito mo na sila pakainin ng dinner. Ipapatawag ko kayo kay Rosie kapag nakahanda na. Change your clothes Marionne.” Bilin nya bago umalis.
Ayaw nyang naaabutan pa akong nakauniform dahil marumi na daw yon at napawisan kaya kailangan maglinis agad ng katawan. Nakalimutan ko ng magpalit sa sobrang nerbyos mula kanina.
Parang nakahinga ng maluwag ang dalawang kaibigan ko.
Yun naman talaga ang napag usapan namin. Alam nilang iimbitahin silang mag dinner dito. Kaya doon namin balak magsabi. Pero kapag patapos ng kumain ang lahat dahil baka mawalan na ng ganang magpatuloy kumain kapag nasungitan na kami ni Tita at hindi payagan.
When diner came halos magtulakan si Sammie at Kia papasok ng dining area namin. Nakahanda na ang lamesa at nakaupo na si tita sa kabisera.
Walang nagsasalita sa amin kaya halos mabulunan si Sammie sa tapat ko nang magsalita si Tita.
“How’s school?”
I smiled at her. Hindi nya nakakaligtaang kamustahin ako araw araw.
“Ayos naman po. Malapit na kaming magsimula ng bagong issue ng school magazine kaya magiging abala na po ako ulit sa susunod na linggo dahil sa meeting ng mga writers at editors.” nakangiting kwento ko.
“That’s great. Huwag lang masyadong magpagabi ng uwi dahil hindi ako napapanatag kapag late na at wala ka pa rito sa bahay.”
Nagkatinginan kaming tatlo doon.
There you go. That’s Elena Viel Jimenez not giving me permission to attend the victory party without knowing it.
Tumikhim si Sammie senyales na magsasalita na sya gaya ng napag usapan. Para akong tinakasan ng hangin sa katawan at napa cross fingers sa ilalim ng lamesa.
“Uh Tita actually we’re here to ask for your permission po.” Panimula nya.
Agad nakuha ang atensyon ni Tita at ibinaba ang baso ng tubig na hawak.Kia looks like she’s going to run out of our house any moment now.
“My permission?”
“O-opo because my cousin will be celebrating his birthday tomorrow. Last year na po nya sa Junior High kaya magcecelebrate. Close friends po kasi sila ni Mavi kaya ipapaalam po namin sa inyo kung pwede namin syang isama.”
I looked down. Hindi ko kayang tingnan ang kahit sino sa kanila dahil nagsinungaling si Sammie! Paano kung mabasa ni Tita sa mukha kong hindi totoo ang sinasabi nitong kaibigan ko? Hindi kami close ni Kuya Oliver! Binabati nya lang ako kapag nagkakasalubong pero hanggang doon lang.
“We will take care of Mavi po. Heavily secured naman po ang village nila. Even the house itself has bodyguards. Please po.” Si Kia na halos ibulong na ang huling sentence.
“Do you want to go Marionne?”
My head snapped up at Tita Elena’s question. Parang maiiyak na ako dahil gusto ko talagang pumunta! Dalawang buwan na lang at matatapos na ang unang school year ko sa junior high at gusto kong maranasan ang mga ganito bago man lang ako mag 15.
“Opo sana kaya lang-” panimula ko.
“Then go. Just be home before 10.”

BINABASA MO ANG
If I Didn't Break Your Heart
RomansaThis is a story of a love that conquered and lost.