Chapter 19

14 0 0
                                    

Chapter 19

Confessions, Surprises and Bad Landings

"Psst! Psst! Sandy!"

Hindi ako lumilingon sa mga sitsit. Pero nang marinig ko iyong "Sandy" ay hindi ko na napigilan. Masyadong nag stuck na sa akin ang nickname na bigay ni Theo.

Nag excuse ako sa teacher para mag restroom at pabalik na ngayon nang marinig ang mahina at patagong sitsit sa akin.

Nasa likod ko lang naman pala itong si Theo at patakbo akong hinahabol. Hinihingal siya nang maabutan ako. Nakahawak and isang kamay sa dibdib ay pinagpahinga niya ang braso sa aking balikat.

"For someone na hindi katangkaran, di ko akalain na ang bilis mong maglakad."

Agad akong lumayo.

"Theo, mamaya may makakita sa atin. Magagalit na naman si Rigo sa'yo." sabi ko.

Si Theo kasi ang Public Enemy Number 1 ni Rigo mula pa noon. Dahil nga sa nangyari sa likod ng library. Kahit anong paliwanag ko sa kanyang walang gusto sa akin si Theo, hindi siya naniniwala. And he's always pissed whenever Theo talks to me. Masyado kasi itong touchy. Palaging nakaakbay o nakahawak sa braso. Kaya ako na ang natutong umiwas sa mga hawak niya para walang gulo.

Kung simpleng usap lang kasi, ayos lang. Pero sadyang pang-asar lang ang nature ng isang ito kaya hanggang maka graduate si Rigo, hindi sila nagkasundo. Palagi kasing sinasadyang inisin ni Theo si Rigo.

He laughed.

"Seloso naman ni loverboy! May spy ba yun dito?" he teased and pinched my cheek.

See!? Talagang masyado siyang touchy. Kahit sino ang kausap!

Pinalis ko ang kamay niya at inilayo ang mukha.

"Tumigil ka na. Halika na at matatapos na ang klase hindi pa tayo nakakabalik sa classroom." sabi ko at nagsimulang maglakad palayo.

"Wait! Hindi na! Hands off! Promise! May hihingin lang sana akong pabor. Sige na, Sandy!" pigil niya sa akin. Nakataas pa ang dalawang kamay sa ere na akala mo ay susuko sa nagawang krimen.

Napabuntong hininga ako. Kung may natutunan man ako sa ugali ni Theodore sa pagdaan ng ilang taon na magkaklase kami, iyon ay saksakan talaga siya ng kulit.

Si Kia lang talaga ang nakakapagpatigil dito dahil halos bugahan palagi ng apoy ni Kia lalapit pa lang siya sa amin. Lalo na sa akin. Parang gwardiya sibil ni Rigo ang dalawa ni Sammie eh.

"Sige na. Ano yun?" tanong ko. Para matapos na at makabalik na kami sa classroom.

"Sabay ka naman sa akin mag lunch oh. Please? May sasabihin lang ako sayo. Kailangan ko tulong mo."

He did this puppy dog eyes that looked ridiculous on him because he looks nowhere near an adorable puppy. Kung pitbull siguro. Pero hindi puppy. Dahil cute pa rin ang pitpull puppies. Pero itong si Theo? He is angst personified. Unang tingin, delingkwente na agad ang maiisip mo.

"Bakit hindi mo pa sabihin ngayon? Bakit sa lunch pa?" tanong ko.

"Mamaya ko na ipapaliwanag. Just- please, Sandy!" pagmamakaawa niya.

Napailing na lang ako sa kawalan ng pag-asa.

"Oo na. Sige na. Lagot ka na naman kay Sammie at Kia." sabi ko bago naglakad palayo.

"YES!" Sigaw ni Theo na parang nanalo sa lotto. Nasigawan tuloy siya ng isang dumadaan na teacher dahil nakakaistorbo siya sa klase ng malapit na classroom.

Nang matapos ang huling klase namin bago maglunch ay agad lumapit sa akin si Theo. Napakamot ako sa ulo. Hindi ko pa kasi nasasabi kay Kia at Sammie ang tungkol dito.

If I Didn't Break Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon