Chapter 16
Memories
“Kailan ang balik mo ng Manila?” tanong ko kay Rigo.
It was drizzling outside. Ayoko sa ulan pero walang sama ng panahon ngayon ang sisira ng mood ko.
“Monday morning. Let’s go to Tagaytay tomorrow. Hindi tayo makakalayo ngayon dahil limitado ang oras at masama ang panahon.” Sagot niya habang nakatuon ang pansin sa daan. Halos walang sasakyang dumadaan dahil sa sama ng panahon. Kami lang yata itong talagang nakuha pang magdate sa kabila ng bagyo.
Masaya akong tumango. Kahit saan basta magkasama kami.
Soft music was playing in the background and Rigo is holding my hand. Sa mga ganitong simpleng pagkakataon, palagi kong sinasabi sa sarili, “Remember this, Mavi. These simple moments of peace with him.”
I want to treasure every moment with him. Masaya man, o kahit minsan ay hindi, gusto kong matandaan lahat. Kung pupwede lang na maging parang hard drive ang utak ko at ma-store sa memory ko hanggang kaliit liitang detalye, ginawa ko na.
I never imagined that my life would be this happy. Sa buong buhay ko, ngayon ako pinaka kuntento.
“What are you thinking? Anong nginingiti-ngiti mo riyan?” natatawa pero nagtatakang tanong ni Rigo.
Umiling ako at ngumiti sa kanya.
“Food. Gusto ko ng ramen.”
He chuckled.
“Ramen it is.”
Kakaalis lang namin ng bahay. Nagpalit ako ng damit dahil masyado ng malamig at nagpaalam kay Tita Elena. Kanina pa ako tinatanong ni Rigo kung anong gusto kong lunch pero ngayon lang ako nakapag desisyon.
Nang makarating sa mall ay deretso na kami sa Ramen Nagi. Parang nang iinis ang langit dahil nang bumaba kami sa parking lot ay lalong bumuhos ang malakas na ulan. Mabuti na lang at malapit naman sa entrance and pwesto ng sasakyan. Kahit nakapayong at tinakbo namin, nabasa pa rin kami.
“Wala ka bang basketball practice ngayon? Or did you skip?” tanong ko habang humihigop ng mainit na sabaw. Oh. Warmth.
“No practice. Ginagamit ang gym para sa isang inter-uni culminating activity. Ililipat ang training sa Monday evening.”
5 hours ang byahe mula rito hanggang Manila. Kung Lunes siya babalik, kailangan niyang gumising ng sobrang aga.
“Huwag na tayong mag Tagaytay bukas. Baka mapagod ka. Gigising ka pa ng maaga para lumuwas. Baka antukin ka sa pagdrive.” I suggested.
“It’s okay, baby. I want to spend quality time with you. I want to recharge myself. Malapit na ang exam week namin at matatagalan pa bago ulit ako makauwi. Magsisimula na rin kasi ang basketball season. Talagang sinamantala ko lang na makauwi sayo bago ako maging mas busy pa.”
Wala na kaming mapuntahan noong araw na iyon dahil sa lakas ng ulan. Mahirap magdrive dahil halos walang makita sa daan. We ended up in Rigo’s room. Nagtake out kami ng chicken wings at pizza. Mag rerewatch na lang kami ng Harry Potter.
Hindi ko alam kung ilang beses na namin napanood ang buong series. Hindi naman potterhead si Rigo. Talagang sinasamahan niya lang akong manood. One of the best things about him.
Tuwang tuwa akong sinalubong ni Tita Laurene. Kaya lang, she has a cold and not feeling so well kaya nanatili na lang din ito sa sariling kwarto para magpahinga. Kung minsan kasi sumasali siya sa amin kung ganitong magmomovie marathon kami ni Rigo.
BINABASA MO ANG
If I Didn't Break Your Heart
RomanceThis is a story of a love that conquered and lost.