Chapter 15
Distance
The first few weeks of LDR was brutal. Mabigat ang loob ko at araw-araw nalulungkot kung papasok na. Nasanay na kasi ako na sinusundo ni Rigo tuwing umaga mula noong mag 18 siya at magkaroon ng sariling sasakyan. Ngayon, para akong ibinalik noong 14 ako at hatid sundo ni Kuya Edgar. Idagdag pa na balik na lang kami sa tatlo kapag lunch. Madalas kasi sumasabay na si Rigo sa amin mag break. It was all a big adjustment for the both of us.
Morning, baby.
I would always wake up to Rigo’s good morning texts kahit na mas maaga naman ang pasok ko sa kanya. He sent me his schedule at halos lahat ng araw ay 8am pa ang klase niya samantalang ako ay 7. Gumigising lang talaga siya ng mas maaga para maitext ako at saka bumabalik muli sa pagtulog.
I terribly miss him! Kung pwede lang ay maghapon at magdamag kaming mag video call ay gagawin ko.
Good morning! Papunta na akong school.
We try to update each other every now and then. Para kahit paano ay alam namin ang mga nangyayari sa isat isa. Tuwing break or lunch lang ako nakakareply sa kanya dahil wala akong lakas ng loob maglabas ng phone kung oras ng klase. Isa pa, ayaw niya rin naman na makaabala kung class hours.
Sa gabi ay magkavideo call kami. Kahit habang gumagawa ng school works at hindi masyadong naguusap, sapat nang nakikita namin ang isa’t isa. We try to make sure to tell each other about our day bago kami pareho matulog.
“Send him photos. Para naman di ka niya masyadong mamiss. Nako college girls pa naman are very matured no. Big butt and boobs. Super liberated. Mahirap na. Baka they would get Rigo’s attention. Hottie pa naman yung boyfie mo. Mas maganda na yung i-remind mo siya kung anong iniwan niya dito.” Si Kia habang nag-aaral kami sa library dahil free cut namin at may quiz sa sunod na subject.
“Gagang to lalasunin pa utak nitong si Mavi! Ayos lang magsend ka ng pictures pero huwag kang magpapaniwala sa pinagsasabi niyang si Kia. Huwag mong igaya sa mga ex mo si Rigo. Alam mo namang nagayuma ata yon nitong si Marionne at ni hindi man lang nga tumitingin sa iba.” Sammie contradicted. Kahit bulungan ay nagbabangayan pa rin ang dalawa.
“Hindi naman siguro magagawa sa akin ni Rigo yun. May tiwala ako sa kanya.”
Ilang beses na syempreng pumasok sa isip ko iyan. Pero hindi naman nagkukulang si Rigo ng effort para sa relasyon namin at ni minsan hindi niya ako binigyan ng dahilan para magduda. I don’t want paranoia to get into me and start doubting Rigo for lack of better judgement.
Nang makauwi ako ng araw na iyon at makapagshower ay nagpicture ako ng sarili para sundin ang payo ni Kia. Hindi kasi ako mahilig magselfie dahil hindi naman ako vain na tao.
May klase pa si Rigo at mamayang 7pm pa ang uwi niya sa kanyang condo.
I sent him a message pagkatapos kong isend ang picture ko na nakapantulog na at nakahiga sa kama.
Me: I miss you. Ingat pag-uwi.
Nagulat ako nang mag ring ang phone ko para sa video call ni Rigo. 6:30 pa lang ah? Agad ko itong sinagot.
Ang seryosong mukha niya ang bumungad sa akin. Mukhang nasa corridor siya ng kanilang building at may nga estudyanteng dumadaan sa kanyang likuran.
“Hi. Ang aga mo? Walang klase?” tanong ko nang hindi siya nagsalita. Nakatitig lang siya sa akin. Seryoso at mabigat ang mga mata.
“Damn! I miss you. I want to go home to you.” The frustration and longing in his voice sent shivers down my spine. Lalong bumilis ang pintig ng puso ko.
BINABASA MO ANG
If I Didn't Break Your Heart
RomanceThis is a story of a love that conquered and lost.