Chapter 13.7

84 6 2
                                    

Jash POV

Nagising ako nang maaga kasi nga gagala kami ulit. Pero etong katabi ko, napakasarap pa nang tulog. Naisipan ko naman na mag check muna nang twitter ko habang tulog pa tong mahal na prinsesa. Hahaha.

Pag check ko sa twitter ko, nagulat naman ako sa dami nang tweets netong si Kich. Bat ganto mga tweets neto? Sino tinutukoy netong isang to? Kaya naman pala tulog padin eh dahil sobrang late na natulog tong mahal na prinsesa. Hmmmn. Si Gen kaya tinutukoy neto? Pero parang hindi kasi may tweet siya na "pano ba mawawala tong feelings na to?" Alangan naman gusto niyang mawala feelings niya kay Gen? Hmmn.. So may ibang nagugustuhan pa tong si Kich aside kay Gen. Sino kaya yun? Dami namang gusto netong isang to. Haaays. :((

Itatanong ko nalang nga sa kanya mamaya kung ano yun. For sure naman magkukwento yun saken. Bestfriend niya ako eh. Di lang pala bestfriend, super bestfriend pa. Haha

Gisingin ko na nga to nang makakain na kami at makaalis na.

"Psst! Babaita ko." Panggigising ko sa kanya. "Hmmmn?" Sagot neto saken. "Gising na ui, anong oras na. Gagala pa tayo diba?" Sagot ko. "Payb minutes pa po." Pagrereklamo niya.

Dahil humingi pa siya nang five minutes, pinagbigyan ko nalang siya. Tutal maaga pa naman at alam kong masyado nang late natulog to kagabi.

Habang naghihintay naman sa paggising niya, naisipan ko nalang na bumaba muna para magluto nang breakfast namin.

Wala nang tao sa baba. Ibig sabihin, umalis na sila tito at tita. So kami nalang ni Kich yung andito sa bahay nila. Wala pang food kasi di na siguro nakaluto sila tita nang pang breakfast namin kakamadali kanina.

Binuksan ko yung ref nila Kich para icheck kung anong pwede kong maluto. Daming laman neto. Haha. Naisip ko nalang na magluto nang bacon and egg tsaka fried rice. Since may tira pa naman na kanin kagabi.

Kich POV

Nagising ako na wala na si Jash sa tabi ko. Luh? Sabi ko, five minutes lang eh. Tas bigla nang nawala sa tabi ko yung taong yun. Haaays. Ano ba naman yan, bigla nalang nang iiwan. Haha. Char, baka naman nasa CR na yun, nag aayos. Macheck nga..

Pumunta ako sa CR nang kwarto ko. Pinihit ko door knob and nabuksan ko to. So impossible na andito si Jash. Hmmn. Asan kaya yung babae na yun? 🤦🏻‍♀️ Bigla biglang nawawala sa tabi ko.

Naisipan ko naman na bumaba na. Baka andon siya sa sala. Pagbukas ko palang nang kwarto, amoy na amoy ko na yung garlic na ginigisa sa butter. Ang bango naman neto. Sino kayang nagluluto sa baba? Tanong ko sa sarili ko. Para malaman ko kung sinong nagluluto. Nagdecide ako na bumaba na.

Pagdating ko sa kusina, nakita ko na yung taong hinahanap ko. Busy na busy siya sa pagluluto at di na niya napansin na nandito nako. Hays. Lalo akong na inlove sa kanya. Magaling kumanta, maganda, mabait, tas ang galing galing pa magluto. Ano pa hahanapin nang iba diba? Haaays. Ang swerte ni Michael. Nakay Jash na lahat.

Sa sobrang focus niya sa mga ginagawa niya, di niya namalayan na nandito nako sa dining area. Mga ilang minuto pa lumipas natapos na siya sa ginagawa niya.

Napansin na niya na andito nako. "Uy Kich, kanina ka pa anjan?" Pagtatanong niya saken. "Uhh, oo. Kanina pa. Haha. Nakita ko kung pano ka magluto. Haha." Sagot ko sa kanya. "Bakit di ka umiimik?" Pagtatanong niya ulit saken. "Hmmn. Wala lang, cute mo kasi panoorin habang nagluluto. Focus na focus ka jan eh." Sagot ko. "Luuuh. Haha. Crush mo nako niyan?" Pang aasar niya saken. "Oo." Sagot ko sa kanya. Bigla naman siyang natahimik sa sagot ko. Haha. Nabigla ata kaya naisipan ko na bawiin nalang yung sinabi ko. "Ah eh, joke lang yun ano ka ba. Haha. Di kaya tayo talo" pambabawi ko sa sinabi ko. Medyo nasaktan naman ako sa sinabi ko. Haha.

"Hmmn. Ayusin na natin yung mesa para maka kain na tayo" pang iiba ko sa usapan. "Okay" sagot saken ni Jash.

Kumain nalang kami. Kasi for sure malalate kami neto pag di pa namin binilisan kilos naming dalawa. Haha. Habang kumakain kami, bigla namang nagtanong tong si Jash about sa mga tweets ko kagabi.

"Ay maiba tayo. May iba ka pang nagugustuhan?" Pagtatanong niya saken. Muntik naman akong mabulunan dahil sa sinabi niya. "Ah eh... Wala yun ahhh" pagdedeny ko. "Weh? Di ngaaa? Di ka naman magtutweet nang ganon kung wala lang yan noh." Pangungulit saken ni Jash. Dahil sa pangungulit neto, wala nakong choice kung hindi um-oo nalang.

"Hmmn. Oo, may nagugustuhan ako. Pero yaan na natin. Di naman na niya malalaman yun" sagot ko sa kanya. "Huh? Bakit naman?" Pagtatanong nanaman niya saken. Ano kayang sasabihin ko sa kanya? Haaays. "Basta, di na niya malalaman. Mas okay na di niya malaman" sagot ko sa kanya. "Eh bakit naman mas okay?" Pagtatanong ulit ni Ja saken. "Kasi wala namang mangyayaring maganda pag nalaman niya." Sagot ko sa kanya. "Eh bakit di mo subukan? Malay mo, the feeling is mutual sa inyong dalawa" sagot naman niya.

Napaisip namn ako sa sinabi ni Jash. Pano nga kaya kung mutual yung feelings namin? Dahil sa sinabing iyon ni Jash, parang nagkaroon naman ako nang lakas nang loob. At nakapag decide nako. Mamaya, sasabihin ko na kay Jash na siya yung nagugustuhan ko. Kung anong mangyari pagkatapos, bahala na. Ang importante, nasabi ko na sa kanya.

.
.
.
.

Jash POV

Andito na kami sa Disneyland ngayon. Nag iikot ikot kami nila Kich. Kasama nanaman naming gumala yung tropa niya. Hehe. As usual, naka holding hands kami ni Kich habang naglalakad kami. Pansin ko lang, mas naging sweet ata to ngayon. Haha. And aaminin ko, parang may something ako na naramramdaman kapag sweet saken tong isang to.

Nagpasya naman kami na sumakay sa mga rides. Inuna namin sakyan yung tinatawag nila na "Big Thunder Mountain". roller coaster to na dumadaan sa parang cave. Haha. Masaya yung naging ride, as usual, katabi ko si Kich. Hehe. Siyempre sobrang best friend ko yan eh. Napapakapit naman siya sa kamay ko nang mahigpit nong may mga pababa na. Haha. Next na sinakyan namin is yung "splash mountain". Meron tong 45 degree drop tas may 16 meter high waterfall. Haha. Feel ko medyo mas intense tong ride na to compared sa ride na sinakyan namin kanina. Haha.

Nagsimula na yung "splash mountain", sa umpisa medyo okay okay pa. Hahaha. Tapos nong nasa may waterfall na kami, ayun na. Nagsimula nang maging intense ang lahat. Hahahaha. Tili nang tili tong katabi ko, ang cute cute niya lang. Haha. May sinigaw siya kanina pero di ko maintindihan kung ano yun. Narinig ko lang "I" tas di ko na narinig kasunod kasi nga, tumili na nang tumili yung mga tao dito sa paligid. Hahaha. Mamaya kukulitin ko nalang siya kung ano yung sinigaw niya. Haha.

Madami pa kaming rides na sinakyan. Haha. Nong napagod kami, naisip namin na pumunta sa souviner shop. Haha. Nagtingin tingin kami nang pwedeng mabili dito. And nakakita ako nang color yellow na shirt. Ang cute cute kaya kinuha ko to tas pinakita kay Kich.

"Kich oh, tignan mo, ang cutie." Pagpapakita ko sa kanya nong tshirt na hawak ko. Tinignan naman niya eto tas napangiti siya. "Oo nga noh, ang cute. Gusto ko din nang ganyan. Pero color green. Para pareho tayo.. hehe." Sagot niya saken. "Sige hanap tayo." Sagot ko sa kanya. Umikot ikot kami tapos nakakita kami nang color green na ganto. Kinuha naman ot agad ni Kich. Haha. Ang cute lang din talaga netong isang to eh. Haha.

After namin bumili nang souviner, pumunta na kami sa Center Street Coffeehouse para kumain. Kasi nagutom na kami. Haha. Tinanong ko naman sila kung anong trip nila kainin ang sagot saken nang mga hinayupak, "kung ano nalang sayo". Haha. Potek, ang tinong sagot dibaa? 🤦🏻‍♀️ Kaya ayun, umorder nalang ako, sinamahan nako ni Kich at Jess kasi sila Jin, kaiz at yung iba na kasama namin naghanap na nang lamesa na kakainan namin.

Habang kumakain kami, nag usap usap kami kung ano pa gagawin namin. Haha.

Ano na next nating gagawin after neto? Pagtatanong sa amin ni dane. "Hmmn. Ikot ikot nalang tayo. Katamad na sumakay sa rides eh. Haha." Sagot ni Jess. "O sige, ikot ikot tayo tas mamaya nood tayo nong parade tas fireworks display" suggestion naman ni Jin. Umagree naman ang lahat sa sinuggest ni Jin kaya nagpatuloy na kami sa pagkain.

AN: Here's the update guys. Haha. Bukas na katuloy. 😂😂 Pagod si otor. Haha. Good Night Fam! 😊

Characters:
Jelay - Jash
Kaori - Kich

Summer VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon