Jash POV
Tapos na ang first class namin. Grabe nga yung prof namin kanina eh, ang dami agad pinagawa. Di ako naka concentrate sa klase namin kanina. Kasi ang daming bumabagbag sa isip ko ngayon. Hindi ako prepared sa nangyari kanina. Nagtataka lang ako.. bakit parang di na nagulat si Kich nong nakita niya ako? Parang expected na niya na magkikita kami. Bakit ganon? Hmmn.
Papunta na kami ngayon sa next class namin kasama ko si Lei at Kate. Si Kich? Well, mahlolocker daw muna siya kaya nauna na kami. Dahil minor subject lang to, magkakasama kaming buong tropa. Nagchat sila Anthony na don nalang daw kami magkita kita sa room. Andon na daw sila at pinangsave na nila kami nang upuan.
Pagdating namin sa room, may apat na nakareserve na upuan. Huh? Wait, bakit apat tong upuan na nakareserve? Alam nila na andito si Kich? Tanong ko sa sarili ko. Para malaman ko yung sagot eh nagtanong nako sa mga lalake na to.
"Bakit apat upuan? Tatlo lang kami ah" pagtatanong ko sa mga to. "Oo nga guys, para kanino tong isang chair?" Gatong na tanong din ni Kate. Sumagot naman si Justin "para daw sa gf ni Gen". Pagsagot ni Jus. Ohh, that explains everything. Haha. May gf na pala tong mokong na to. Kelan pa kaya? Hmmn. "Ahh, okay." Patango tango na pagsagot ko sa kanya. "Sino pala gf mo bro?" Pagtatanong ni Michael kay Gen. Oo nga, di pa namin kilala gf neto. At di din namin alam na may gf tong isang to kaya nagulat nalang kami kanina sa sinabi ni Justin.
"Hmmn. Makikilala niyo siya later guys. Ay hindi pala. Kilala niyo na siya, promise." Sa sinagot ni Gen na iyon ay bigla naman akong nakaramdam nang matinding kaba. Ewan ko kung bakit pero feel ko, kilala ko na yung tinutukoy ni Gen na gf niya. "Huh? Kilala namin? Pano nangyare Gen eh wala ka pa ngang pinapakilala samen?" Naguguluhang tanong ni Lei kay Gen. "Oo nga bro. Pano namin nakilala yun eh di mo pa pinapakilala." Sagot naman ni Anthony. "Basta, makikita niyo na siya. Nagtext siya saken papunta na daw." Sa sinabing iyon ni Gen ay mas lalo akong kinabahan. Eto na, malalaman na namin kung sino gf ni Gen.
Ilang minuto pa, biglang may pumasok sa pinto nang classroom namin. Ah, si Kich. Nakita ko naman na ngumiti siya sa may bandang dito sa amin. May nginitian eto dito sa gawi naming magkakaibigan. Sino kaya nginitian neto? Tanong ko naman sa sarili ko. Dahil nakatingin ako sa kanya, nakita ko naman na papalapit siya dito sa pwesto namin. Di nako nagtaka kasi baka nakita niya kami nila Kate kaya siya lumapit. Akala ko sa amin siya nila Kate lalapit pero nagulat ako ay di lang pala ako pati na din yung iba kong kasama nong kay Gen siya lumapit.
Kich POV
Nakita ko yung gulat nang lahat nong lumapit ako kay Genesis. Sino ba namang di magugulat diba? Ang alam nila wala ako dito sa Pinas tas ang nakakakita palang saken kanina sila Jash. Panong di sila magugulat nang makita nila ako na lumapit kay Gen diba?
So ayun na nga, nakalapit nako kila Gen. Lahat sila, yung iba nakarecover na sa pagkagulat pero yung iba, nadagdagan nang pagtataka yung itsura. Di ko nalang pinansin. Hahaha.
Lei's POV
Si ate kich ba talaga tong nasa harap namin? Akala ko sa amin siya lalapit nila Kate pero bakit kay Genesis siya lumapit? Nakakapagtaka naman yun. Kami palang nakakakita sa kanya ngayong araw ah.
Anong kayo palang, hindi kaya. Wahahaha. - author
Huh? Anong pinagsasabi netong si author na di daw kami palang? Hays, yaan na nga yoko na mag isip. Haha.
Michael's POV
Si Kich nga tong nakikita namin. So nakabalik na pala siya? Kelan pa kaya? Hmmn. Teka, bakit nga kaya siya kay Genesis lumapit at hindi kay Jash? Eh bff niya yun diba? Aaaaaaaahhhhhh, naguguluhan na talaga ako. Ayoko maging assuming pero... Hindi kaya.... Naputol yung iniisip ko nong biglang nag salita si Gen.
"Guys, meet my girlfriend, Kich. Haha." Casual na pagpapakilala ni Gen kay Kich.
So tama nga hinala ko, di ako nag assume. Haha. Si Kich nga yung girlfriend ni Genesis. Sinagot na pala siya neto. Haha. Sana all. Yung nililigawan ko kasi binasted nako eh. :(((
Nagulat naman ang lahat sa sinabi ni Gen. Ang dami nilang tanong. Haha.
Kich POV
Gulat na gulat sila sa nalaman nila. Haha. Well, surpriseeee. Haha. Tinignan ko naman siya, ang seryoso lang nang itsura niya. Parang di niya nagustuhan yung nalaman niya. Kung di lang ako tinakwil neto ilang months ago kasi di daw kami pwede iisipin ko na nagseselos tong isang to eh. Ahahhaha. Eh kaso, tinakwil niya ako. So, baka may iniisip lang talaga siya na malalim kaya ang seryoso nang itsura niya. Ayoko mag assume noh, masasaktan lang ako. :( Yoko na kaya masaktan, sawa nako sa sakit.
.
.
.
.
."Kelan pa naging kayo?" Malamig na tanong niya
Hala, bat ang lamig? Parang binuhusan ako nang yelo sa way nang pagtatanong niya ah. Tas yung itsura niya, napaka seryoso talaga. Naging iba yung aura niya, compared sa aura niya kaninang first subject namin, napaka iba nang aura niya ngayon.
Si Gen naman ang sumagot sa tanong na iyon dahil di ko kayang sagutin yung tanong niya, parang umatras yung dila ko bigla eh. Di ko alam kung bakit.
"Hmmn. 2 weeks ago lang." Simpleng sagot ni Gen sa tanong niya.
Tumango tango naman siya. Di na siya nagtanong ulit. Bagkus, pumunta na siya sa upuan na nakareserve sa kanya.
Ay wow, may pa walk out si ate girl. Bulong nang utak ko saken. Hmmn. Bakit kaya nag iba mood non bigla? Haays. Hayaan na nga, baka gagaan din yung mood niyan mamaya.
Kate's POV
Nong sinabi ni Gen na si Kich yung girlfriend na tinutukoy niya, napatingin ako kay ate Jaja. Kung yung lahat ay gulat na gulat, si Ate Ja? Napakaseryoso. Di ko mabasa kung anong reaksyon yung binibigay niya.
Alam ko ang buong nangyari kila ate Jash at ate Kich. Kasi kinuwento to saken ni ate Jaja. Naaawa ako kay ate Jaja ngayon. Binusted niya si Kuya Michael dahil kay ate Kich. Pero parang nabalewala ata yung pambabasted niya na yun dahil si Gen na nga at si Kich. Masaya naman ako para kay Gen kasi atlast, sila na. Saksi ako nong bakasyon kung pano pahalagahan ni Gen si ate Kich. Pero di ko magawang maging lubusan na masaya kasi alam ko na may isang tao na nasasaktan.
Anthony's POV
"Pano naging kayo?" Pagtatanong ko sa dalawa. Kasi hanggang ngayon, nagugulat padin ako sa nangyayari. Si Kich, andito sa Pinas. Tapos sila nang dalawa ni Gen? Pano nangyare?
"Malalaman niyo mamayang lunch. Ikukwento ko yung buong pangyayari." Sagot ni Kich saken.
"O, kukwento daw ni baby mamaya. Kaya kayo, umupo na kayo sa mga upuan niyo kasi magsisimula na yung klase natin." Gatong naman ni Gen sa sagot ni Kich.
AN: hi readers! Thank you sa mga nagbabasa netong story na to. 😊 Sa tingin niyo, paano naging si Gen at Kich? Abangaaan. Pano na nga kaya si Ja? Well, yan ang isa pa nating abangan.
Jelay as Jash
Kaori as Kich
Seth as Genesis
Lie as Lei
Karina as Kate
Akie as Michael
Josh as Justin
Aljon as Anthony

BINABASA MO ANG
Summer Vacation
FanfictionFULLY FICTION Made it just for fan Happy Shipping Everyone!