Kich POV
Dumating na yung oras nang parade, mamaya fireworks na display na. Nakapagdecide ako na mamaya sa fireworks ko sasabihin kay Ja kung sino yung isa pang tao na nagugustuhan ko. Aside kay Gen. Bahala na kung ano mangyayari after non, kung mag stay kami as friends, edi okay. Kung lalayo naman siya, edi tanggapin nalang, let's face the consequences. 😊
Papunta na kami nang barkada ngayon sa place kung saan mangyayari yung parade. Hehe. Ipapalabas dito yung mga iba't ibang characters nang Disney. 💕
Ilang minuto lang, nagstart na yung parade. Grabe, never akong nagsawa dito. Kahit ilang taon nako ngayon, na eenjoy ko padin to.
Napalingon naman ako dito sa katabi ko, mukhang enjoy na enjoy siya sa panonood. Haha. Ang cute lang niya sobra, para siyang bata na nag eenjoy sa pinapanood neto. Mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Sa mga ngiti niya and all. Haaays.
Bigla ko namang naalala, kung sasabihin ko sa kanya yung feelings ko, dapat solo ko lang siya. Pano ko kaya siya masosolo? Hmmn.. Ay alam ko na, kanina habang nag iikot kami, meron akong nakita na garden dito, yayayain ko nalang si Ja don mamaya. Papalusot nalang ako dito sa mga kasama namin na, mag ccr lang ako or bibili nang snacks. Haha. Bahala na mamaya.
.
.
.
Malapit nang matapos yung parade kaya ginawa ko na yung plano ko. Nagpaalam nako dito sa mga kasama namin.
Me: Uhh, guys. Bili lang akong snack gutom nako eh
Dane: eh? Malapit nang matapos to ah. Tsaka fireworks nalang after
Me: Gutom na kasi talaga ako. Tsaka mapapanood ko din naman yung fireworks eh. Saglit lang ako promise
Jin: uhh. Okay. Samahan kita?
Me: hindi na. Si Jash nalang sasama saken. Ja, samahan moko
Ja: saan?
Me: bibili nga nang snacks
Ja: si jess nalang. Nonood pako eh
Haaays. Panira naman tong isang to eh. Malapit na matapos yung parade, kelangan na namin maka alis dito. Kaya ang ginawa ko, nagkunware akong nagtatampo sa kanya. Hahaha.
Me: ah, mas uunahin pa panonood kesa saken? Okay
Ja: halaaa, di naman sa ganon. Sige na sasama na ako
Me: wala, bahala ka jan. Di na tayo bati
Ja: hala namaaaan. Tara naaaaa. Bati tayo diba? *Sabay back hug saken*
Dahil marupok ako, nadaan nanaman ako nang ate niyo Ja sa backhug. Haha.
Me: oo na, bati tayo. Tara na para makabalik tayo agad
Ja: sigeee
Jess: bumalik kayo agad ha? Malapit na matapos tong parade.
Me: yes. Sige na, alis na muna kami
Umalis na nga kami ni Ja. Nagsimula nakong maglakad papunta don sa garden na nakita ko kanina. Sakto, konti lang mga tao dito. Haha. Tsaka tahimik kasi andon yung mga tao sa may tapat nong castle, nanonood nong parade. Nagtataka naman si Ja kung saan kami papunta. Haha. Kasi ang alam nga niya bibili kami nang pagkain diba? Hahaha.
Ja: hui, akala ko ba bibili tayong foods? Eh di naman dito daan papunta sa bilihan?
Me: huh? Hindi ba.
Ja: oo, don yun eh. Sa kabilang way
Me: ahh, ganon ba? Di na pala ako gutom.
Ja: oh, di ka naman na pala gutom eh. Balik na tayo don sa tropa mo. Sabi mo saglit lang tayo eh.
BINABASA MO ANG
Summer Vacation
FanfictionFULLY FICTION Made it just for fan Happy Shipping Everyone!
