Chapter 15

89 5 9
                                        

Gen's POV

Good Morning Sunshineeee. 💕 First day of school namin ngayon. Hehe. Excited nakooooo. Kasi makikita ko na yung girlfriend ko ulit. Hehe. Nagcheck muna ako nang messenger ko, may mga messages as usual. Haha. Famous kaya to. Joke lang mga pre. Haha. Pero madami talagang mga messages pero pili lang binasa ko like yung sa legendary squad, tas siyempre yung sa baby ko. Hehehe. 💕 Una kong binasa yung sa squad, wala naman masyadong ganap don. Haha. Nag uusap usap lang kami kung san kami magkikita mamaya sa school. Sa cafeteria nalang daw suggestion nila. Di naman ako sumagot. Haha. Mamaya nako magpapakita sa kanila, lunch break. Haha.

Next ko naman binasa is yung message ni baby ko. 💕 "Good Morning baby. Susunduin mo po ako?" Yan yung message niya. Hehe. Cute cute talaga nang baby ko eh. Siyempre, pagkabasa ko, nagreply ako agad. Haha. "Yes baby, wait moko sa lobby nang condo mo ha? I'll be there for a while." Sagot ko sa baby ko. Nagreply naman agad yung baby ko. "Sige po baby. Ingat ka ha? Iloveyouuuu. 💕" Yan reply ni baby ko. Ang sweet niya dibaaa? Haha. Mainggit kayo jan mga pre. Haha.

Siyempre nireplyan ko naman agad si baby. "Opo, mag iingat ako. Iloveyoutoo. 😘" Yan reply ko sa baby ko. Haha. Sweet namin noh? 💕 Love na love ko yang baby ko na yan eh.

Pagkatapos ko magreply ay pinaandar ko na yung kotse ko at sinimulan ko na magdrive papunta sa condo nang mahal kong prinsesa. 💕

Ilang minuto lang ay nakadating na ako sa condo niya. Kaya tinext ko na siya na bumaba na sa may lobby kasi andito nako. Di naman nagtagal eh nakita ko na siyang lumabas nang elevator. Haays. Napaka ganda naman netong isang to. Kaya lalo akong nahuhulog eh. Ang simple lang nang suot niya, pero ang lakas nang dating niya. Naka cup siya na color pink tapos white shirt then jeans. Hanggang ngayon, di padin ako makapaniwala na sinagot niya na ako. 😍

Someone's POV

Good Morning! Rise and Shineeee! Hinihintay ko si Gen  dito sa condo ko ngayon susunduin daw kasi ako nang jowa ko ngayon. 💕 Simula nong maging kami, mas lalo siyang naging sweet saken. 💕 Siya nga ang pumilit saken na mag aral dito sa Pinas eh. Kasi dapat, sa ibang bansa ako mag aaral. Siya din yung naging kadamay ko nong panahon na yon. Di niya ako iniwan. Siya yung tumulong saken para makabangon. Kaya mahal na mahal ko yang boyfie ko na yan. 💕 Kasi nasa kanya na lahat nang katangian nang perfect boyfriend. Kung pano naging kami? Well, malalaman niyo yan soon.

Ilang minuto palang ay nagtext na yung boyfie ko. "Baby, nasa lobby na po ako." Yan yung laman nong text niya saken. Nireplyan ko naman to agad "okay po boyfie, pababa na po ako." Pagkatapos ko replyan si Gen ay bumaba nako para di maghintay nang matagal si boyfriend. 😂

Pagbaba ko, sinalubong naman niya ako agad tas kiniss niya ako sa forehead. Gustong gusto niyang ginagawa yun everytime na magkikita kami. Sign daw kasi nang respect. Hehe. Sweet nang boyfie ko noh?

"Ready ka na baby?" Pagtatanong niya saken pagkalapit niya. "Ready saan?" Tanong ko sa kanya. "Na pumasok. Hehe." Sagot neto saken. "Oo naman baby, ready na ready na. 😊" Masiglang sagot ko sa kanya. "O sige, tara na sa kotse ko baby." Sagot naman neto saken.

Tinungo namin yung kotse ni Gen. Lamborghini to na color black. Binuksan muna niya yung pinto sa nay shot gun seat bago siya sumakay sa drivers seat.

Inistart na niya yung engine then nagstart na siya na magdrive papunta sa Greenfield. Ilang minuto lang yung tinagal nang biyahe namin papuntang school. Malaki tong school na pinasukan namin, at parang puro halos may kaya yung mga tao dito.

Pinauna naman nako ni Gen kasi sabi niya, maghahanap pa siya nang parking. Dumiretso naman ako sa cafeteria para bumili nang coffee kasi gusto ko nang kape. Hehe.

Pagkatapos ko bumili nang coffee, lumabas nako ulit nang cafeteria kasi hinihintay nako ni Gen doon. Hahatid daw niya ako sa room ko. Haha. Di kami magkaklase eh, kasi magkaiba kami nang course. Siya, business course tas ako, medtech course. Haha. Pero yung mga minor subjects naman, sinigurado namin na magkaklase kami ni Gen. Haha

Nandito na kami sa tapat nang room ko. Haha. Naihatid nako ni Gen. Natatawa lang ako kanina ang dami kasing girls na tumitingin sa pogi kong boyfriend pero di niya pinapansin. Haha. Ginawa pa niya, hinawakan niya kamay ko para ipakita na taken siya. Haha. Yung girls naman, ayun.. napasimangot nalang. Haha. Lol. Sorry girls but this guy is already mine. 💕

Iniwan nako ni Gen don sa room ko. Hehe. Pero bago niya ako iwan, kiniss muna ulit niya ako sa forehead then nagbye siya saken. "Babye Baby. See you sa next class. 😊" Pagpapa alam niya. "Babye, see youuu." Pagpapa alam ko din sa kanya. After niya magpa alam ay umalis na siya. Haha. May pupuntahan pa daw kasi siya.

Gen POV

Pagkahatid ko sa girlfriend ko sa room niya ay pinuntahan ko na yung mga hangal kong tropa. Haha. Nasa cafeteria sila eh. Galing nako dito kanina, pero sa labas lang ako. Hinintay ko lang si Kich. Yes, you've heard it right. Si Kich ang girlfriend ko. Pero walang nakaka alam. Ayaw niya pa ipaalam eh. Ayaw niya kasing malaman nong mga tropa namin na andito na siya. Pero for sure, mamaya malalaman na nila. Lalo na nong tatlong girls kasi kung di ako nagkakamali, magkaklase sila. Kinakabahan nga ako eh, kasi nakwento ni Kich yung nangyari sa kanila ni Jash. Nagalit ako kay Jash nong umpisa dahil sa ginawa niya pero, dahil kaibigan ko siya pinatawad ko na din. Kung pano naging kami ni Kich? Well, siya nalang bahalang magkwento.

Pagdating ko sa table kung asan sila, kinantyawan nila ako. Bat daw ang tagal ko malapit nang mag time. Haha. Siyempre, nagsinungaling ako. Sabi ko natraffic ako, mukhang naniwala naman sila. Haha. Tumambay lang kami sa cafeteria saglit tas pumunta na kami sa kanya kanya naming classroom kasi malapit nang magtime. Siyempre, yung tatlong girls magkakasama tas same building din si Michael, Anthony at Justin. Ako? Well, ako lang nahiwalay. Haha. Kasi nga business course ako.

Nagdecide naman kami na sabay sabay kaming maglu-lunch mamaya.

Kich POV

Gulat kayo noh? Nasa Pinas nako. Haha. Nandito nako sa room ko, busy ako sa cellphone ko. Haha. Madami dami na din ang taong pumapasok sa classroom namin. Malapit na din kasi mag time. Kanina kasi nong iniwan ako ni Gen dito, iilan palang kami. Haha. 😅😅

Habang busy ako sa phone ko, may bigla namang tumawag saken kaya napalingon ako dito.

"Kich?" Pagtawag nang taong kakapasok lang ata sa room. Tinignan ko naman kung sino eto. Si Kate pala. Yung itsura niya, gulat na gulat. Parang di makapaniwala na nakikita niya ako ngayon. Pero ako, di nako nagulat kasi alam ko na na magiging kaklase ko sila. Sinabi na saken ni Gen. Nagtataka lang ako bakit wala ata siya.

Nang makalapit saken si Kate at Lei, hinug nila ako. Sobra daw nila akong namiss. Hahaha. Namiss ko din naman sila eh, sobra. Nakita na din daw pala ako ni Kate kanina sa cafe. Haha. Pero akala daw niya, di ako yun kaya hinayaan na niya. Dito ko na sila pinaupo sa tabi ko since wala pa naman akong katabi tapos nag kwentuhan na kami.

Jash POV

Pina una ko na sila Kate sa room kasi nag CR muna ako. Pinauna ko na sila para makapagsave na sila nang upuan namin. After ko mag cr, pumunta nako sa room. Naabutan ko naman sila na may kausap na babae. Parang kinabahan naman ako sa babae na yun. Pero kahit kinakabahan ay lumapit na ako sa kanila.

Laking gulat ko nang makita ko siya. Yung babaeng iniwan ko ilang months ago. Yung babaeng di ko na naka usap after nong pangyayari na yun. "Ki-kich?" Kinakabahang pagtawag ko sa pangalan niya. Lumingon naman siya saken at ngumiti nang malawak. "Oh, ikaw pala Jash." Casual na sagot niya. Tila nabato naman ako sa kinatatayuan ko, hindi ko aakalain makikita ko siya dito. Di padin ako makapaniwala. Ang dami kong gustong sabihin, ang dami kong gustong itanong pero walang kahit anong lumalabas sa bibig ko. Tila ba naputol yung dila ko nong nakita ko siyang muli. Lalo siyang gumanda, ang blooming niya lalo ngayon. Yung ngiti niya, napaka ganda din. Tsaka yung awra niya, ibang iba. Parang ang saya nang awra niya ngayon.

Di ko namalayan, tinitigan ko na pala siya nang matagal. Bumalik lang ako sa wisyo nang marinig ko ang school bell, hudyat na magsisimula na yung klase namin.

Naguguluhan padin ako. Ang daming tanong na nasa isip ko. Tulad nang, kelan pa siya bumalik? Bakit di na siya nagparamdam bigla kahit sa gc? Bakit andito siya?

AN: Hi guuuys. Haha. update po ulit. Baka kasi di po ako maka ud bukas. I hope nagustuhan niyo. Ano na kayang mangyayari ngayong nagkita na ulit ang dalawa? Abangan.

Jelay - Jash
Kaori - Kich
Lei- Lie
Kate - Karina
Gen - Seth

Summer VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon