Chapter 14

88 7 6
                                        

Third Person POV

Ilang buwan na din ang lumipas simula nong umamin si Kich nang kanyang nararamdaman kay Jash. Mula nong araw na umuwi si Jash nang biglaan sa Pinas ay hindi na nag usap ang dalawa. Kahit sa group chat nilang magkakaibigan ay hindi nagpaparamdam si Kich.

Tapos na ang bakasyon nila, at ngayon... Back to reality na sila. Pasukan nanaman. Ngayon ay nasa kolehiyo na sila. Pare-pareho nang school na pinasukan ang legendary squad. Except sa isang member nila. Di nila alam kung asan yung isang yun eh.

Well, siyempre etong mga to pa ba. Hindi naman na ata mapaghihiwalay ang mga to. Same school sila pero di sila same nang course.

Sila Jash, Lei at  Kate lang yung pare pareho nang course. Kumuha sila nang kursong medtech. Gusto kasi nilang magdoctor tatlo. Haha. Goals yang tatlong yan eh. Haha

Habang si Michael at Anthony naman ay kumuha nang Engineering. Si Gen naman, business course ang kinuha kasi siya ang magmamanage nang business nang family nila sa future. Tas ang pinakabata naman na si Justin, kumuha nang architecture.

Si Kich naman? Well, walang nakaka alam kung anong course niya. At kung nasa Japan pa siya. Ay meron palang nakaka alam kung asan siya, isang tao lang. Yung boyfriend niya.

.....

Jash POV

It's been months simula nong huli kaming magkausap.. After nong pag iwan ko sa kanya sa Japan ay hindi na kami nag usap. Namimiss ko na siya. Sana okay lang siya ngayon. Gusto ko na siyang maka usap. I miss her so much. :((

Kung anong nangyari sa past few months? Well, madami. A lot of things happened. Siyempre kasama na don yung pag amin ni Kich. Yung pag iwan ko sa kanya sa Japan. Tas yung pagbasted ko kay Michael. Yes, you've read it right.. Binasted ko na si Michael. Kasi.. mas lamang siya sa puso ko. Okay lang naman kay Michael yung nangyari, nag stay padin kami as friends. Grabe nga eh, ang bait ni Michael, medyo nakonsenya naman tuloy ako sa ginawa ko. Kaso... Wala eh, di talaga siya yung laman netong puso ko. Tsaka mas okay na din na sinabi ko na agad sa kanya para di nalang kami naglolokohan. Tsaka, alam ko naman na may makikita siya na mas higit pa saken, yung taong di sasayangin yung lahat nang efforts niya. Haha. Drama ko na. Tama na nga.

...

Anyway, nandito nako ngayon sa kotse ko. Papasok nako sa Greenfield University. Greenfield, yun ang pangalan nang university na pinasukan naming magkakaibigan. How I wish kasama ko siya na papasok dito.

Nagpasya kami na magkikita nalang kami sa may cafeteria nang school mamaya. Naisipan ko naman na ipaalam sa kanila na papunta nako. Haha.

Nagchat ako sa GC namin. "Hi guys, otw nako. See you later guys. 💕😘" Yan yung chat ko sa GC namin. After ilang minuto pa, nagreply si Michael. "Ingat babe. Hahaha." Haha. Lokong to, binasted na nga maka babe padin. Ganyan siya yan, pero malinaw naman na sa kanya ang lahat na hanggang friends lang kaya ko ibigay sa kanya.

May nagchat naman ulit sa gc, kinantyawan nila si Michael. Hahaha. Kawawang Michael, naasar nanaman. Baliw kasi eh, maka babe nanaman. Haha.

Hindi ko na pinansin yung kulitan nila sa group chat namin. Pinaandar ko na kotse ko at pumasok na sa school. Haha. Ayoko malate noh, first day pa naman. Haha.

Ilang minuto lang ang biniyahe ko papunta sa school. Malaki to and ang ganda. Sobrang dream ko na makapag aral dito at ngayon, andito nako. 💕 Pinark ko na yung kotse ko tapos naglakad nako papuntang cafeteria kasi don kami magkikita nong mga baliw kong kaibigan. Haha.

Kate's POV

Andito na ako sa school cafeteria. Hinihintay ko si ate Jash. Dito kasi kami magkikita kita. Nagugutom nako kaya naisipan ko na bumili nang pagkain. Habang nasa pila ako, may nakita akong babae na parang familiar saken. Di ko masyadong makita mukha niya kasi naka cup eto. Susundan ko sana yung babae kaya lang malapit nako sa pila.

Sino kaya yun? Familiar talaga eh. Bulong nang isip ko. Hmmn. Baka naman kamukha lang nong isa sa mga kakilala ko. Hayaan na nga natin. Haha. Gutom na din ako kaya di ko na iintindihin yung mysterious girl na yun. Haha.

Nang maka order nako, bumalik nako sa kina uupuan ko kanina. Busy ako kumain nang blueberry cheesecake na binili ko nang biglang dumating na si Ate Ja.

Nginitian ko naman siya at umupo na to sa tabi ko. "Ikaw palang?" Tanong niya saken nong pag upo niya. "Hmmn. Opo ate. Malapit na daw si Anthony. Si Lei naman hinihintay niya si Justin, susunduin daw siya. Si Michael naman, malapit na daw. Haha. Si Gen, malay ko don teh, di nagchat kung asan na eh. Haha." Mahabang sagot ko kay ate Jash.

"Ohh, okay. Naks naman si Lei at Justin, may pag sundo. Haha. Luma-lovelife na talaga yung dalawa. Haha." Pagbibiro ni ate Jash. "Oo nga ate eh, dinaig ka. Hahaha." Pang aasar ko naman kay ate Jash.

"Abaaa. Foul ka na ah. Haha." Pagsagot naman ni ate Ja saken. Hahaha. Napikon na to saken. 😂 Teka, di pa to nagkukwento ah, kung bakit tumigil na si Michael sa panliligaw sa kanya. Maitanong nga muna. Ahaha

"Ate, may itatanong ako." Panimula ko. "Ano yun?" Kunot noong sagot niya saken. "Bakit mo naman binasted si Michael?" Diretsong tanong ko sa kanya.

Parang nabigla naman siya sa tanong ko kasi, yung mga singkit niya na mata ay bigla nalang lumaki. Haha. Pero nagawa naman niyang sagutin to. "Hmmn. Kate, sayo ko lang sasabihin to ha. Pero pwede bang secret lang natin to?"

Ano kaya tong gustong sabihin ni ate Ja at bakit ayaw niyang ipaalam sa iba? Hmmn. I smell something fishy. Hahaha

"Ano ba yun ate?" Pagtatanong ko naman sa kanya. "Hmmn, ganto kasi yun. Kaya pinatigil ko si Michael sa panliligaw eh dahil may mahal akong iba. May mas lamang sa puso ko." Mahabang pahayag ni ate Ja. "Ha? Eh sino naman yan ate?" Pagtatanong ko sa kanya. "Si Kich." Simpleng sagot ni ate Ja na siya namang kinagulat ko.

"Ano ate? Si Kich? Eh diba? Iniwan mo yun sa Japan? Teka nga ate, bakit nga ba iniwan mo siya bigla sa Japan? Tas bigla nalang din siyang di nagparamdam. Ano bang nangyari ate bago ka umuwi dito?" Naguguluhang pahayag ko kay ate Jash.

"Hmmn. Kate, promise mo na di mo sasabihin kahit kanino ha. Saten lang muna to please." Pagmamaka awa saken ni Ate Ja. "Opo ate. Saten lang to." Sagot ko naman kay ate Jash.

Nagkwento na siya. Nagulat naman ako sa mga nalaman ko. Si ate Jash at Si Kich? May feelings sa isa't isa? And kaya umuwi si ate Ja nang bigla ay dahil sa dapat nalang nilang kalimutan yung feelings nila sa isa't isa. Napakasaklap naman nong nangyari. Kaya naman pala di na nagparamdam si Kich. Haaays. After magkwento ni Ate Ja napatanong naman ako sa kanya.

"Ate, mahal mo pa ba?" Tanong ko kay ate Ja. "Yung totoo? Oo naman, mahal na mahal." Sagot saken ni ate Jash. "Pano kung di ka na niya mahal? Ano nang gagawin mo?" Tanong ko ulit. "Edi tatanggapin ko. Tutal kasalanan ko naman eh." Malungkot na sagot niya saken.

Pagkatapos nang pag uusap namin ay nanahimik na kaming dalawa. Sakto naman din dumating na yung ibang tropa namin kaya di na namin pinag usapan ni ate Ja ulit yung topic namin kanina.

Hayys. Kawawa naman sila ate. Mahal nila isa't isa pero di sila pwede. Isa nanaman ata sila sa mga tinatawag na pinagtagpo pero di tinadhana.

AN: Another UD for you guys. Sa tingin niyo? Asan kaya si Kich? at sino kaya yung familiar na babaeng naka cup na nakita ni Kate? Magkakaroon pa kaya nang chance para kay Jash at Kich? Abangaaan.

Jelay - Jash
Kaori - Kich

Summer VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon