Kich POV
Tapos na kami mag mass. And papunta na kami ngayon sa grocery to buy some stuffs. Haha. Diba nga kasi, iinom kami tonight. Ay wait, may jowa nga pala ako. Itetext ko nga muna, magpapa alam ako na iinom kami.
An: buti naalala mong kelangan mo magpaalam. Ehehe. Akala ko limot mo na na may jowa ka eh
Haaays. Eto nanaman po tayo sa otor na bigla biglang sumusulpot.
AN: Nagrereklamo ka?? 🤔🤔
Hindi po. Hehehe.
An: oh okay. Sige paalam! Ituloy mo na yang pagpaa alam kay Gen. Haha.
Baliw talaga yung otor neto. Haha. Buti nalang, di siya masyadong madaldal ngayon. Hahaha. At ayun na nga, tinext ko na si Gen.
To Genesis (baby 💕)
Baby, tapos na kami magsimba. Mag overnight daw sila sa condo. Iinom kami, pero light drinks lang po. 😊
*Sent*
From: Genesis (baby 💕)
Hmmn. Okay, sige. Wag masyado madami iinumin ha? Ingat kayo,loveyouuu. 😊😘 Enjoy baby. 😘
To Genesis (baby 💕)
Yes po, ingat din kayo sa boys niyo ha? Enjoooooy. Iloveyoutoo. 😘
*Sent*
Papunta na kami sa grocery ngayon, as usual. Naka holding hands kami ni Ja. Haha. Don't get me wrong okay? We're just friends. Nasanay lang ako na holding hands kami. Well, sanay nadin naman siya so okay lang.
"Anong gusto niyong dinner mamaya? Luluto ako." Pagtatanong ni Ja sa amin.
OMG! Magluluto bebe koooo. 😍 Namiss ko luto neto. Huhu
"Ikaw na bahala ate. Kahit ano basta ikaw naman nagluto masarap eh. Hahhaa." Pagbibiro ni Lei
"Hmmn. Parang gusto ko nang kare kare ate Ja." Suggestion naman ni Kate
"So Kare Kare nalang? Ikaw bebe,may gusto ka bang iba?" Baling na tanong saken ni Jaja
Napa isip naman ako kung may gusto ba akong ipaluto sa kanya. Minsan lang to noh. Haha. Dapat di na aksayahin yung oras. Hahaha. Parang gusto ko magpaluto sa kanya nong fave ko na ginisang ampalaya ah. Hmmn.
"Ahmmn. Parang gusto ko nang ginisang ampalaya bebe. Kaso luluto ka na nang kare kare eh, yun nalang siguro. Oks na yun" Pagsagot ko naman sa tanong niya
"Okay! Sige, kare kare tsaka ginisang ampalaya." Sagot naman neto
Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinagot niya. Mapapagod to sa gagawin niya eh, dami dami niyang iluluto.
"Hui, kare kare nalang. Mapapagod ka pa pag dalawa yung niluto mo eh." Pag angal ko sa kanya
Totoo naman kasi, mapapagod pa siya. Tsaka apat lang kaming kakain pero ang dami niyang iluluto? Well, kaya naman ubusin yun kaso nga, mapapagod siya. Yoko nga na mapagod siya.
"Okay lang. Ano ka ba?" Nakangiting sagot neto saken
"Iba talaga eh, dati rereklamo reklamo pag madami pinapaluto. Ngayon, nagrequest lang si ate kich, pinagbigyan agad. May favorite talaga tong si ate Jaja eh." Pang aasar naman netong si Lei kay Ja. Haha
Well, totoo naman sinasabi nila. Haha. Ayaw na ayaw talaga ni Ja na magluto nang madami kasi nakakapagod daw. Kaya nagulat nalang kami na pumayag siya na magluto nang dalawang putahe. Haha. Ayaw nga niya magluto in general eh, kahit na ang sarap niya magluto.

BINABASA MO ANG
Summer Vacation
FanfictionFULLY FICTION Made it just for fan Happy Shipping Everyone!