Kich POV
Tapos na morning class namin. Andito na kami sa cafeteria para kumain nang lunch. Hala, ngayon na pala nila malalaman yung mga nangyari sa nakaraang buwan. Kaya ko na bang sabihin sa lahat? I mean, kaya ko na kayang pag usapan ulit yung bagay na yun? Haays.
Kaninang umaga nong nakita ko siya nakaramdam ako nang saya. Saya na ilang buwan ko nang di naramdaman kahit kasama ko si Gen. Aaminin ko, masaya ako kay Gen. Pero nong nakita ko si Jash kanina, parang mas lalo akong sumaya. Aaminin ko, namiss ko siya nang sobra. Gustong gusto ko nang yakapin siya kanina nong nakita ko na siya. Kaso... Baka hindi naman siya yumakap pabalik kaya hindi ko nalang ginawa. Ngumiti nalang ako sa kanya.
So ayun na nga, nasa cafeteria na kami ngayon ganto pwesto namin:
Michael | Jash | Me | Genesis
T A B L E
Anthony|Kate |Lei | Justin"Ako na bibili nang food natin. Justin, samahan moko." Pagpe-presinta naman ni Michael
"Okay kuya." Pagsang ayon sa kanya ni Justin
"Anong gusto niyong kainin?" Tanong ni Michael sa amin.
"Hmmn. Ako, pasta lang tas minute maid yung drinks." Naka ngiting sagot ni Jash kay Michael.
"Okay babe." Sagot ni Michael kay Jash. May pag wink pa to. Tsssh. 🙄
Ehem. May nagseselos. - author
Tse! Tumahimik ka jan author. Bat ako magseselos? May kami ba? Ha? Ha?
Magkakaroon. Ayaw mo ata eh, wag nalang. Hahaha. Babye! - author
Nabaliw na ata yun si author. Nagseselos daw? Ako? Magseselos? Huh! Yes way. 😅😅😅 Teka, did I just said, yes? Hays ano ba naman to. May jowa ka na Kich oi! Tsaka may jowa na din yun si Ja. Tignan mo nga oh, babe tawagan nila. Kaya tigil tigilan mo yan.
Anyway, tinanong na din ako ni Justin kung ano gusto kong kainin. Sabi ko, sila nang bahala. Di naman ako mapili pagdating sa foods eh. Hahaha.
Nong nakaalis na sila, bigla namang nagsalita si Kate.
"So, pano na naging kayo ni Gen? At bakit hindi ka nagsabi sa amin na babalik ka na pala dito sa Pinas?" Pagtatanong ni Kate saken.
Napalingon naman ako sa kanya poker face padin siya tulad nong kaninang nalaman niya na ako yung tinutukoy ni Gen na girlfriend niya. Ano kayang problema neto? Gusto ko itanong sa kanya kaso baka di naman niya ako pansinin.
.
.
.
.Sinagot ko nalang yung tanong ni Kate saken. "Hmmn. Saan niyo ba gustong magsimula?" Pagtatanong ko naman.
Actually di ako sure kung kaya ko na ba sabihin sa kanilang lahat ang nangyari. Siyempre, baka magalit sila? Hays, bahala na si batman. Siguro naman, time na din para malaman nila ang lahat lahat eh.
"Hmmn. Sa nangyare bago ka hindi magparamdam sa amin." Makahulugang saad ni Kate.
Wait, bakit sa tono nang pananalita niya, bakit parang may alam siya sa mga nangyari nong mga nakaraang buwan? Hindi kaya nagkwento na si Ja sa kanila? Sure naman kasi ako na di magkukwento si Gen. Kasi naki usap ako na di siya dapat magkwento sa kanila. Kaya si Jash ang naiisip ko na possibleng magkwento sa kanila. Hmmmn.
"Ah, sige. Doon ko sisimulan. Pero hintayin muna natin sila Michael. Para complete na. Mahirap magkwento ulit eh. Mahaba haba yun. Haha." Alanganing sagot ko kasabay nang alanganing pagtawa ko.
.
.
.
.
Habang naghihintay kay Michael at Justin, naisipan ko na ichat siya. Wala lang, di ko mapigilan eh. Ang tahimik kasi niya and ang seryoso niya din. Di ako sanay na ganyan siya, di naman kasi ganyan yung Jash na nakilala ko nong summer. Di ko naman siya inunfriend eh, di ko din blinock. Kahit na you know...

BINABASA MO ANG
Summer Vacation
FanfictionFULLY FICTION Made it just for fan Happy Shipping Everyone!