AN: may new character tayo guys. 😉
Jash POV
Ilang weeks na yung lumipas simula nong nagstart yung klase namin. Ang dami na nga agad pinagawa samen eh. Huhuhu. Sandamakmak na quizzes, assignments tas projects. Grabe pala talaga sa college. Huhu. Tas grabe din pala yung course na kinuha naming apat. 😅😅 Nakakamatay pala talaga tong medtech. 😅
Ilang weeks na din yung lumipas simula nong nalaman nang barkada yung lahat lahat. Naging maayos naman yung barkada, tulad nang sinabi ko.. Di ako nang gulo kila Kich at Gen. Siyempre, respeto ko na din kay Gen noh. Kaibigan ko yun eh at mas mahalaga yung friendship kesa sa love.
Kami ni Kich? Well, okay naman kami. Nagkakausap kami. Siyempre, classmates kami sa lahat nang subjects eh. Tas nasa iisang circle of friends pa kami. Panong di kami magpapansinan diba? 😅😅 Di naman kami awkward, thank God.
Yung feelings ko kay Kich? Well, andito padin. Di padin natatanggal. Di ko nga alam kung pano ko tatanggalin eh. Kasi ngayon lang ako nagmahal nang ganito. Haaays.
Andito kami nila Kich sa library. Free cut kasi namin, wala kaming class kaya tumambay nalang kami dito. May biglang lumapit saken na babae. Familiar saken to ah, wait. San ko ba nakita to? Iniisip ko kung sino to.. Pero di ko siya maalala talaga kung saan ko siya nakita. Hmmn. Kakaisip ko kung sino siya, di ko namalayan nakalapit na pala to samin.
"Hi Ja!" Naka ngiting bati netong babae na to saken. Maganda siya, magaling manamit pero siyempre, mas maganda padin sa paningin ko si Kich. Wait whut? Erase erase erase. Ano ba naman kasi yan.
"Uhh. Hello?" Sagot ko naman dito. Alanganin pa yung sagot ko kasi di ko talaga maalala kung sino siya. 😅😅
"Oh. Feel ko, di moko maalala. Ehehe. Hi, ako nga pala si Kathrina. Kath nalang" ohhh. Kath pala pangalan neto. San ko ba siya nakita?
"Kath? Yung classmate namin sa bio kanina?" Mataray na pagtatanong ni Kich.
"Yes, ako nga." Mataray din na sagot netong isa.
Ohhh, eto pala yung kaklase namin na nagpapapansin saken pero di ko naman pinapansin.
"Oh, Kath. Ikaw pala. Bakit ka nandito?" Pagtatanong ko sa kanya.
Bakit ba andito to? Di ko na nga pinapansin kanina eh. Hmmn..
"Ah eh. Papatulong sana ako sa topic natin kanina sa bio. Di ko kasi nagets eh." Pabebeng pagsagot naman neto.
Napalingon naman ako sa mga kasama ko, yung isa. Ayun. Hahahaha. Ang sama nang itsura. 😅😅 Kanina okay okay to ah. Bat ngayon, di ko na maipinta mukha neto? 😅😅
"Bakit kay Jaja ka nagpapaturo? Diba may mga kaibigan ka naman?" Mataray na sagot ni Kich dito. Opo, si Kich lang naman po yung nagtataray. Ehehehe.
"Ano bang pake mo ha? Sino ka ba kanina ka pa singit nang singit di naman ikaw kinaka usap ko?!" Napalakas ata ang pagkakasabi ni Kath neto. Kaya lumingon sa amin yung librarian at lumapit sa amin.
Nako po, mapapagalitan pa ata kami. Patay tayo dito. Papalapit na nang papalapit yung librarian, nakikita ko na medyo galit yung itsura neto. Nako, patay kami dito. Eto pa man din yung masungit na librarian. 😅😅
"Hoi kayo. Nasa library kayo diba? Bakit ang iingay niyo?!" Galit na sabi sa amin nang librarian.
"Ah eh. Miss, sorry po. Lalabas nalang po kami." Paghinging paumanhin naman ni Kate sa librarian.
"Oo, mabuti pa nga lumabas nalang kayo kung mag iingay lang kayo dito sa library. Ipapaalala ko lang ha. Lugar to para mag aral hindi para mag ingay!" Galit na panenermon sa amin nang librarian.

BINABASA MO ANG
Summer Vacation
FanfictionFULLY FICTION Made it just for fan Happy Shipping Everyone!