3rd Person POV
Matapos ang pag uusap nang dalawa ay nagpasya si Jash na bumalik na nang Pilipinas. May ilang araw pa sana siya dito sa Japan, gagala pa sana silang dalawa ni Kich sa Universal Studios nang silang dalawa lang. Pero dahil medyo naawkward na si Jash kay Kich eh naisipan nalang niya na bumalik sa Pinas nang mas maaga.
Kinagabihan pag uwi nila galing disneyland ay nagbook agad nang ticket si Jash pauwi nang Pilipinas. Di na niya sinabi kay Kich eto dahil alam niya na malulungkot si Kich. Ayaw niyang nakikita na malungkot si Kich kaya, sinekreto nalang niya eto. Para naman din to sa kanya eh, para din sa kanilang dalawa. Para maka move on na si Kich sa nararamdaman niya at para nadin makalimutan ni Jash ang nararamdaman niya kay Kich.
Alas cuatro na nang madaling araw, naka ayos na din ang mga gamit niya. Inayos na niya eto kagabi nong tulog na si Kich. Akala niya ay wala pang kahit na sinong gising kaya bumaba na siya nang tahimik. Pero laking gulat niya nong pagbaba niya ay nandon na ang parents ni Kich. Napasapok naman si Jash sa sarili dahil nakalimutan niya na may trabaho nga pala etong mga to at maaga silang nag aayos.
Nag isip naman si Jash nang pwedeng idahilan sa mga magulang ni Kich kung bakit uuwi na siya sa Pilipinas.
Jash POV
Pagkababa ko, nagulat ako na gising na pala sila tita. Hala, shems. Anong sasabihin ko sa kanila? Di nila alam na uuwi nako sa Pilipinas ngayon. Well, di pa naman talaga sana ako uuwi. Kaso kasi, unexpected things happened. Haaays. Pano ba to, ano ba pwedeng idahilan. Hmmmn...
Isip... Isip... Isip...
Aha! Alam ko na. Hehehe. May idadahilan nako, sana maniwala sila tito at tita sa sasabihin ko. Dahil naka isip nako nang dahilan, bumaba na ako nang tuluyan.
As expected, nagtanong sila tito at tita kung bakit dala ko na maleta ko.
"Oh, Jash. Saan ka pupunta? Bakit dala mo na maleta mo?" Pagtatanong ni tita karen saken. "Ah eh, tito, tita. Gusto ko na po kasing umuwi sa Pinas." Alanganing sagot ko sa kanila. "Huh? Bakit naman? May ilang araw ka pa dapat dito ah." Takang tanong ni tito saken. Sabi na eh, magtataka sila bakit biglaan yung desisyon ko na umuwi na.
Sorry Tito and Tita pero di ko po pwedeng sabihin yung dahilan ko. Malalaman niyo din po sa ibang pagkakataon, sa ngayon, isang kasinungalingan na po muna ang sasabihin ko senyo.
"Ahmmn. Ano po kasi, nahohomesick na po ako. Hehe. Miss ko na po sila mommy at daddy. Tsaka may entrance exam pa po ako. Hehe. Kelangan ko po magreview." Mahabang pagdadahilan ko sa kanila. Well, partially totoo naman yun, may entrance exams ako and kelangan ko naman talaga magreview. Pero matagal pa yun. Hehehe.
"Ahh, ganon ba? Sayang naman di na kayo nakagala ni Kich nang kayo lang. Teka, alam na ba niya na uuwi ka na?" Tanong ulit ni tita saken.
Hmmn. Di ako ready sa tanong nila na to ah. Ano kaya isasagot ko. Makapagsinungaling nalang nga ulit. :(( Sorry po talaga tito at tita. Sana mapatawad niyo ako pag nalaman niyo na yung totoo.
"Ah eh, opo. Sinabi ko na po sa kanya kagabi." Napakasinungaling mo Jash. Sigaw nang utak ko saken. Huhuhu. Feel ko ang sama ko na pero kelangan ko magsinungaling eh. :(( Di pwede malaman nila tito at tita ang totoo kasi for sure, maguguluhan sila bat di ko sinabi kay Kich. Edi hahaba nanaman ang deskusyon.
"Ahh, ganon ba. Sige Ja. Sumabay ka na sa amin nang tito mo. Hatid ka na namin sa airport. Gusto mo bang gisingin ko si Kich para sumama siya maghatid?" Mahabang pahayag ni tita.
Napatahimik naman ako sa tanong ni tita. Di ko nanaman alam isasagot ko, di ko nanaman alam kung ano idadahilan ko. Hmmn.
"Ah eh, wag na po tita. Pagod po yun kahapon eh. Tsaka alam naman po niya na uuwi nako. Icha-chat ko nalang po siya mamaya" sagot ko kay tita.
BINABASA MO ANG
Summer Vacation
FanfictionFULLY FICTION Made it just for fan Happy Shipping Everyone!