Simula

2K 51 10
                                    

Simula

"Hoy bacteria! Tawag ka sa SCR!"

Tinaasan ko ng kilay si Tel-tel saka tinulak sa braso,

"Bakit tel? Lumalaban kana?" tanong ko.

"Angas ah, parang di nireregla."

Nilagpasan kona siya saka dumiretso sa SCR, pagpasok ko roon ay nagmi-meeting ang mga teacher at officers.

"Miss President." bati ng Principal, ngumiti ako ng pilit sakaniya saka umupo sa tabi ni Aina.

Nagsimula na ang meeting patungkol sa mga activities sa school, hindi ako masyadong nakapakinig dahil sa gutom, dapat pala bumili muna ako o di kaya inagaw ang pagkain ni Tel-tel kanina!

Humarap ako kay Aina na attentive na nakikinig, tignan mo tong babaeng to! Seryoso masyado, at saka bakit pa ako pinatawag kung nandito naman tong bruhang to?

"Na." tawag ko, sumulyap sa saglit sa akin bago nagsulat sa notebook.

"Na." ulit ko, hindi niya parin ako pinapansin kaya kinalabit kona siya, iritado siyang lumingon sa akin saka nagtaas ng kilay.

"Pengeng foods." ani ko.

Nagsalubong ang makakapal niyang kilay saka nagtaas ng kamay, nilingon tuloy siya ng mga guro at nagtakha naman ako.

"Miss Vice?" pansin sakaniya ng Principal.

"I think Miss President wants to ask a question."

Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang napamura, tangina naman Aina! Pinapahamak mo ako!

"Miss President?" tawag ni Sir Eric, ngumiti ulit ako ng pilit at nahihiyang umiling. I glared at Aina na blankong nakatingin sa akin.

"Punyeta ka naman, bakit moba ako pinahamak?!" sigaw ko sakaniya matapos ang meeting. Inirapan niya lang ako at naunang naglakad.

"Vice President Raina Maia Araneta, I order you to stop walking and face me!" natigil siya sa paglalakad at mataray akong tinignan.

Aba! Gago to ah.

"Kilala mo ba ang tinalikuran mo, Miss Vice President?" mariin kong tanong.

She cleared her throat bago humalukipkip na tumingin sa akin, "Yes, you are President Anne Marie Sean Silvestre. " sagot nito

"Eh bakit moko tinalikuran?" tanong ko.

"At bakit mo ako pinahinto?" she fired at me. Imbyerna! Ibang klase talaga tong impaktitang to!

"Kase dapat ako muna ang aalis! President first!" aniya ko at iniwan siya.

Impaktang iyon! Pasalamat siya't kaibigan ko siya.

Nagtungo na ako sa library kung saan ang tambayan naming magkakaibigan. Naroon na si Tel-tel na lumalamon nanaman, si Rain na nagbabasa ng libro, at si Avi na nagco-compute.

"What's up bacterias!" bati ko sakanila.

Sabay-sabay silang lumingon sa akin at tinignan ako ng masama, napatingin ako sa librarian saka siya sumenyas saking manahimik. Inirapan ko siya.

"You devil! Bakit ba ang ingay mo?" mariing bulong ni Avi sa akin pagupo ko.

"Wow, anghel ka anghel?" I sarcastically said.

Tumingin ako kay tel-tel na lumalamon parin, kaya nga lumalaki, lumalapad! Ang katawan niya syempre dahil sa kakalamon! Parang hindi pinapakain ni mommy chic ah.

"Hoy taba." tawag ko sakaniya. Binitawan niya ng padabog ang kinakain at tumingin sa akin.

"Anong sabi mo?" matigas nitong tanong. Ngumisi ako, pikon.

"Sabi ko, hoy taba." ulit ko.

"Whatever, tomboy." pang aasar niya pabalik.

"Aba talagang-"

"Mga virus nag aaway nanaman kayo?" si Joy.

"Tanga, naglalaro kami." irap ko sakaniya.

Umupo si Aina sa tabi ni Rain samantalang si Joy ay umikot pa para makaupo sa tabi ko, humalakhak kami ng matisod ito sa isang upuan.

"Boom! Tanga!" humalakhak lalo ako, sabay ng pagtawa ng iilang mga estudyante sa loob ng library.

I glared to all of them, "Sinabi ko bang tumawa kayo?!" Sigaw ko.

"Ssshhh!" sabay sabay na senyas sakin ng mga kaibigan.

Nagsituloy na kami sa kaniya-kaniya naming mga silid matapos ang breaktime, huling taon ko na pala ito bilang presidente ng studen council...susulitin kona!

Lumiban ako sa iilang mga subjects ko para magpasikat ng bahagya, gumawa ako ng letter at pinapasa sa mga advisers at subject teachers ng mga in-excuse ko.

"Iyan oh, tanga! Di mo nakikita yung plastic!" inis na sigaw ko dito sa nagpupulot ng mga basura sa likod ng building.

"P-Pres, b-baka po may ahas-"

"Ako ang tutuklaw sayo pag hindi mo pinulot yon, imbyerna!"

Sa sobrang takot nito, mabilis niyang pinulot ang plastic sabay takbo palayo. Psh, duwag masyado.

Ang mga club officers ngayon ay busy dahil sa clean up drive na pinapagawa ko, pinapayagan naman lahat ng desisyon ko bakit at para saan pa ako magpapaalam?

"Sean-bacteria, uuwi nakami!" kaway nina tel-tel sa akin.

"Ge ingat! Ingatan niyo si Joy, tatanga tanga pa naman yan!" ngisi ko sakanila.

Nang malinis na ang paligid, nagpasya na akong ipatigil ang clean-up drive at sa susunod namang buwan. Umuwi na ako nang makita ang service namin sa labas, naroon narin ang mga kapatid ko.

"My babies..." sambit ko at akmang yayakapin sila ay umiwas si Keto sa akin. "Bakit?" Inosente kong tanong.

"Yak! I mean, you came fron dirty places so don't you dare touch me!" Maarte nitong sambit.

"Aba, bakla ka ginaganyan mo ang ate mo?" pagalit kong tanong. Umirap siya sakin at maarteng yinakap ako.

"Okay na?" Inirapan ko din siya sabay yakap pa sa dalawang kapatid

"Clingy mo 'te!" Reklamo ni Shane, tumawa ako at siniko siko ang bunsong kapatid

"Napano?" attitude niyang tanong.

Hindi ko siya sinagot, nakatulog ako buong byahe pauwi dahil sa pagod. Pagpasok sa bahay ay wala pa si Mama, nagtuturo pa siguro.

Nagtungo ako sa kwarto ko at agad naligo, I wore my night blouse and panjamas bago bumaba.

"Mama!" salubong ko sakaniya at yumakap.

"Oh! Haha, dito na pala kayo. Pasensya na natagalan, kumuha pa kasi ako ng handouts sa main eh."

Habang nagtuturo si mama at nagaalaga sa amin, nagaaral parin siya ng masteral. I really admire her from the start.

Taimtim kaming kumain ng dinner, habang sina Shane at Keto naman ay walang tigil ang mga bibig sa pagkukwento

"Shane Roan at Kelvin Theron, nasa hapag tayo." sita ni mama sakanila.

Si Shane ang nakatokang maghugas ng plato ngayon kaya naka akyat agad ako sa kama. Humiga na sa sobrang pagod.

Hindi kona yata uulitin ang mag clean-up drive.

Ano kaba Sean, eh utos ka lang ng utos sa mga club officers ah?

Pumikit ako ng mariin ng marinig iyon, bwisit na guiltyness! Makatulog na nga.


Order of the President (Officer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon