Kabanata 3

533 31 1
                                    

Kabanata 3

Friends

Nagmadali akong naglakad papasok ng canteen at nagtungo sa lamesa namin.

"Sean-bacteria! Dito na--" tumagos ang tingin nito sa likuran ko saka bumaling ulit sa akin.

"Kuya? What are you doing here?" tanong ni Rain.

"What? It's lunch break, kailangan ko ding kumain no. Makikiupo lang ako sainyo." aniya at pumagitna kina Aina at Rain.

Nag-iwas ako ng tingin saka umupo sa tabi ni Avi. Nagkwentuhan silang lahat at tahimik lang akong nakikinig.

"Tahimik ni Pres ah." puna ni Tel-tel.

"Di mo naman kasi ako katulad tel, di naman talaga ako maingay dahil di ako nag o-oink oink--aray! Punyemas!" inabot ko ang likod kong pinalo niya, tumayo ako at gumanti sakaniya.

"Aray! Tomboy!"

"Baboy!"

"Tomboy!"

"Baboy!"

"Mga virus!" sigaw ni Rain at pinandilatan kami.

Umupo na ako at tumingin kay Joy, "Oh ikaw, nasan jowa mo?"

"Ikaw jowa ko, may problema ka?" sagot niya.

Ngumiwi ako sakaniya, "Mangilabot ka!"

Tumawa sina Rain at Renz kaya napabaling kami sakanila, "Uy! Sama naman kami sa kasiyahan niyo oh!" si Avi.

"O-Order lang ako."

Lumapit ako sa may tindera, napatingin sa akin ang mga nakapila at agad ding umusog para makadaan ako.

"Isa nga pong nova at coke."

Binayaran kona at bumalik sa lamesa, nagkukwentuhan nanaman. Pakiramdam ko hindi ako belong sa mga mundo nila.

"Si Aina nga ang daming manliligaw kaso tinatarayan at binabara!" ani Tel-tel.

"Oonga, pero kahit ganiyan iyang si Aina naku! Siya yung pinaka maalalahanin sa amin." si Joy.

"Matalino pa! Siya nga 'tong nagpapakopya sa amin nina Pres eh, diba Sean?"

Nasamid ako sa iniinom dahil sa binanggit ni Joy, sinapak ko siya at sinamaan ng tingin. "Gago!"

Tumawa sila dahil sa naging reaksyon ko, napatingin tuloy ako kay Renz na salubong ang kilay na nakatingin sa akin.

"You love profanities, huh." puna niya. Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang pagkain.

"Nga pala..."si Renz."...May party ang kaibigan ko mamayang gabi, G kayo?"

"Saan naman?" tanong ni Avi.

"May boys ba?" obviously si Tel-tel yan.

"Bawal ako eh." pagbabawalan ng jowa niya. Nako Joy talaga.

"Ikaw Sean?" tanong ni Rain.

Sasagot sana ako kaya lang naalala ko ang kumosyong nagawa ko sa party mismo ni Renz! Sasama pa ba ako o hindi?

"Rain, bigay ka number."

Nagtatakha siyang nilingon ako, "Eleven?"

1-sasama, 2-hindi, 3-sasama, 4-hindi, 5-sasama, 6-hindi, 7-sasama, 8-hindi, 9-sasama, 10-hindi, 11-sasama--.

"Huh? Sasama?" bulalas ko.

"Sasama ka? Oh ayun naman pala eh! Si Joy lang talaga ang Kill Joy."

Order of the President (Officer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon